Lungsod Ho Chi Minh
Ho Chi Minh City Thành phố Hồ Chí Minh Thành phố Sài Gòn | |
---|---|
Munisipalidad (Thành phố trực thuộc trung ương) | |
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Panoramang urbano ng Lungsod ng Ho Chi Minh; Gusaling panlungsod ng Lungsod ng Ho Chi Minh; Notre-Dame Katedral Basilika ng Saigon; Teatrong Munisipal (o Opera House) ng Lungsod ng Ho Chi Minh; Pamilihan ng Bến Thành; Tanawing panghimpapawid ng Lungsod ng Ho Chi Minh sa gabi | |
Palayaw: Paris of the Orient, Pearl of the Far East | |
Location sa Vietnam at Southern Vietnam | |
Mga koordinado: 10°48′N 106°39′E / 10.800°N 106.650°E | |
Bansa | Vietnam |
Itinatag | 1698 |
Pagbabago ng pangalan | 1976 |
Demonym | Saigonese |
Pamahalaan | |
• Party Secretary: | Dinh La Thang |
• People's Committee Chairman: | Lê Hoàng Quân |
• People's Council Chairwoman: | Nguyễn Thị Quyết Tâm |
Lawak | |
• Kabuuan | 2.095,6 km2 (809.23 milya kuwadrado) |
Taas | 19 m (63 tal) |
Populasyon (2014)[1] | |
• Kabuuan | 7,955,000 |
• Ranggo | Una sa Vietnam |
• Kapal | 3,800,000/km2 (9,800/milya kuwadrado) |
[1] | |
Sona ng oras | UTC+07:00 (ICT) |
Area codes | 28 |
GDP (nominal) | 2014 estimate |
- Total | 41 billion USD |
- Per capita | 5131 USD |
- Growth | 9.5% |
Websayt | Official website |
Ang Lungsod ng Ho Chi Minh (Biyetnames: Thành phố Hồ Chí Minh; pakinggan), na dating tinatawag na Saigon (Sài Gòn; pakinggan), ay ang pinakamalaking lungsod sa Biyetnam. Sa ilalim ng pangalang "Saigon", nagsilbi ito bilang kabisera ng kolonyang Pranses ng Cochinchina, at pagkatapos ng Timog Biyetnam mula 1955 hanggang 1975. Noong 30 Abril 1975, bumagsak ang Saigon sa huling bahagi ng Digmaang Biyetnam laban sa Hilagang Biyetnam, kung saan nagwagi ang mga Komunistang taga-hilagang nasa ilalim ni Ho Chi Minh, at ang kanilang puwersang pang-militar, ang Viet Cong. Noong 2 Hulyo 1976, ipinagsama ang Saigon sa karatig-lalawigan ng Gia Định, at pinangalanani ito kay Ho. Gayunpaman, karaniwan pa ring ginagamit ang lumang pangalan.[2]
May halos 9,000,000 katao ang kalakhan ng Lungsod ng Ho Chi Minh, na binubuo ng lungsod mismo at ang mga karatig-pook ng Thủ Dầu Một, Dĩ An, Biên Hòa at mga bayang nakapaligid.[nb 1] Ito ang kalakhang may pinakamalaking populasyon sa buong bansa.[3] Inaasahang lalaki ang populasyon ng lungsod sa 13.9 million pagsapit ng 2025.[4] Kung kasama ang mga lalawigan ng Tiền Giang at Long An, na inihayag sa ilalim ng bagong planong panrehiyon ng kalakhan, sakop ng kalakhan ang lupaing may lawak na halos 30,000 square kilometre (12,000 mi kuw), at may populasyon na halos 20 milyong katao pagsapit ng 2020.[5]
Ayon sa Mercer Human Resource Consulting, Economist Intelligence Unit at ECA International, pang-132 sa pinakamamahaling lungsod para sa mga manggagawang dayuhan ang Lungsod ng Ho Chi Minh.
Mga nota
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Đồng Nai Province's Populations: 2.254.676 (2006) Naka-arkibo 2007-11-25 sa Wayback Machine., Bà Rịa Vũng Tàu Province's Populations:862.081 (2002) Naka-arkibo 2007-10-29 sa Wayback Machine., Bình Dương province's Population: 1,2 million (2007) Naka-arkibo 2007-12-21 sa Wayback Machine., Ho Chi Minh City's population: 5,037,155 (1999) Naka-arkibo 2007-11-30 sa Wayback Machine.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Statistic office Ho Chi Minh City
- ↑ Ben Brown (12 Nobyembre 2007). "Letter from Ho Chi Minh City A Tribute to My Vietnam Vet Father". CounterPunch. CounterPunch. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2011. Nakuha noong 15 Oktubre 2012.
- ↑ About Ho Chi Minh City (HCMC). Naka-arkibo 2009-07-13 sa Wayback Machine. MyVietnam.info. Hinango noong 13 Agosto 2009.
- ↑ Wendell Cox (22 Marso 2012). "THE EVOLVING URBAN FORM: HO CHI MINH CITY (SAIGON)". New Geography. New Geography. Nakuha noong 15 Oktubre 2012.
- ↑ "Quy hoạch xây dựng vùng Tp.HCM". VnEconomy. 25 Abril 2008.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gabay panlakbay sa Lungsod Ho Chi Minh mula sa Wikivoyage
- Mayroong datos pang-heograpiya ang OpenStreetMap tungkol sa Lungsod Ho Chi Minh
- Official website Naka-arkibo 2010-02-18 sa Wayback Machine. (in Vietnamese and English)
- Ho Chi Minh City People's Council Naka-arkibo 2012-03-09 sa Wayback Machine.
- Ho Chi Minh City People's Committee Naka-arkibo 2012-03-09 sa Wayback Machine.
- History of Ho Chi Minh City Naka-arkibo 2013-11-03 sa Wayback Machine.
Lalawigan ng Tây Ninh | Lalawigan ng Bình Dương | |||
Lalawigan ng Long An | Lalawigan ng Đồng Nai | |||
Lungsod ng Ho Chi Minh | ||||
Lalawigan ng Tiền Giang |