Content-Length: 165499 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Juan_XII

Papa Juan XII - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Papa Juan XII

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Juan XII)
John XII
Juan XII
Isang kopya ng isang larawang kontemporaryo ni Juan XII, c. 960. Ito ang taon kung kailan ipininta ang larawang ito ni Juan XII na dating nakalagay sa lumang sakristiya ng basilikang Laterano, na pagdaka ay kinopya ni Kardinal Rasponi. Subalit dapat tandaan na si Juan XII ay maaaring 27 mga taon noong mamatay.
Nagsimula ang pagka-Papa16 Disyembre 955
Nagtapos ang pagka-Papa14 Mayo 964
HinalinhanAgapetus II
KahaliliBenedicto V
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanOttaviano
Kapanganakan? c. 937
Roma, Mga Estado ng Papa
Yumao14 Mayo 964(964-05-14) (edad 27)
Roma, Mga Estado ng Papa, Banal na Imperyo ng Roma
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Juan

Si Papa Juan XII (c. 930/937 – 14 Mayo 964), na ipinanganak na Octavianus o Ottaviano ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Disyembre 16, 955 hanggang Mayo 14,964. Siya ay nauugnay sa mga Konde ng Tusculum at isang kasapi ng makapangyarihang pamilyang Romano ni Theophylact na nanaig sa politikang pang-papa sa higit sa kalahating siglo. Siya ay parehong sekular at espiritwal na pinuno ng Romano. Ang kanyang pagkapapa ay naging tanyag sa kasamaan dahil sa sinasabing kalikuan at kamunduhan na kanyang isinagawa ito.

Bagaman si Papa Juan XII ay kinondena dahil sa kanyang mga makamundong pamumuhay, nagawa pa rin niyang ilaan ang kanyang ilang mga panahon para sa mga bagay ng Simbahang Katoliko. Noong 956, siya ay sumulat kay William ng Mayence na legato ng papa sa Alemanya na humihimok sa kanyang ipagpatuloy ang kanyang paggawa doon lalo na laban sa "mga wawasak sa mga simbahan ng Diyos". Kanyang hiniling kay William na ipaalam sa kanya ang mga pangyayari sa parehong Kanlurang Francia at Alemanya. Si Juan XII ay sumulat rin kay Henry na bagong Arsobispo ng Trier na nagkakaloob sa kanya ng Pallium at humihikayat sa kanya na mamuhay ng mabuting buhay.[1] Noong 958, siya ay nagkaloob ng mga pribilehiya kay Subiaco Abbey.[2] Noong 960, kinumpirma ni Juan XII ang pagkahirang kay Santo Dunstan bilang Arsobispo ng Canterbury na naglakbay sa Roma upang direktang matanggap ang pallium mula sa mga kamay ni Juan XII.[3] Noong Pebrerero 12, 962, tinipon ni Juan XII ang isang synod sa Roma sa kautusan ng emperador Otto. Dito, umayon si Juan na itatag ang Arsobisporiko ng Magdeburg at Obisporiko ng Merseburg, nagkaloob ng pallium sa Arshobispo ng Salzburg at Arsobispo ng Trier at kinumpirma ang pagkakahirang ni Rother bilang Obispo ng Verona. Ito ay nagpasa rin ng isang resolusyon na nagtitiwalag kay Hugh ng Vermandois na nagtangkang muling angkinig ang kanyang dating posisyon bilang Arsobispo ng Reims. [4]

Karakter at reputasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang dalawang papel ni Juan XII bilang prinsipeng sekular ng Roma at espiritwal na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano ay nakakita ng kanyang pag-aasal na tumungo sa sekular sa halip na espiritwal.[5] Siya ay inilarawan bilang isang bulgar, imoral na tao na ang buhay ay gayong ang Palasyong Laterano ay sinalita bilang isang bahay aliwan at ang korupsiyong moral sa Roma ang naging paksa ng pangkalahatang kahihiyan. Ang kanyang mga kakontemparyo ay nag-akusa rin sa kanya ng imoral na pag-aasal. Halimbawa, isinulat ni Ratherius:

"anong pagpapabuti ang mahahanap kung ang isa na namumuhay ng imoral na buhay, na palaaway, sinungaling, at nakalaan sa pangangaso, pagbebenta, paglalaro, alak ay nahalal sa Sedeng Apostoliko?" [6]

Ang karamihan ng mga kalaunang masidhing kondemnasyon kay Juan XII ay hinango mula sa mga akusasyong itinala ni Liudprad ng Cremona. Ayon sa kay Louis Marie DeCormenin:

"Si Juan XII ay nararapat na maging katunggali ni Elagabalus... isang magnanakaw, mamamatay tao, nakikipagtalik sa kamag-anak, hindi nararapat na ikatawan si Kristo sa tronong pontipikal...Ang karumal dumal na paring ito ay dumungis sa upuan ni San Pedro sa loob ng siyam na taon at nararapat na tawaging pinakamasama sa mga papa".[7]

Kahit ang apolohista ng papa tulad ni Horace Manna ay napilitang kilalanin na:

"Walang duda na si Juan XII ay alinman maliban sa kung ano isang papa na pangunahing pastor ng Sangkakristiyanuhan ay dapat maging.""[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mann, pg. 245
  2. "every day by priests and monks should be recited, for the good of our soul and the souls of our successors, a hundred Kyrie-eleisons and a hundred Christe-eleisons, and that thrice each week the priests should offer the Holy Mass to Almighty God for the absolution of our soul and those of our successors."Mann, pg. 246
  3. Mann, pgs. 265-266
  4. Mann, pgs. 253-254
  5. Gregorovius, pg. 329
  6. Mann, pg. 242
  7. DeCormenin, Louis Marie; Gihon, James L., A Complete History of the Popes of Rome, from Saint Peter, the First Bishop to Pius the Ninth (1857), pgs. 296-298
  8. Mann, pgs. 241-242








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Juan_XII

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy