Content-Length: 80855 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Nacionalista_Party

Partido Nacionalista - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Partido Nacionalista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nacionalista Party)
Partido Nacionalista
Partido Nacionalista ng Pilipinas
TagapanguloCynthia Villar
PanguloManuel B. Villar Jr.
NagtatagManuel Quezon
Sergio Osmeña
Punong-KalihimAlan Peter Cayetano
IsloganAng Bayan Higit sa Lahat (Nation Above All)
ItinatagAbril 29, 1907
Punong-tanggapanIka-4 na Palapag Starmall, EDSA sa kanto ng Bulebar Shaw, Lungsod ng Mandaluyong
PalakuruanMakabayang Pilipino
Konserbatismong makabayan
Populismo[1][2]
Opisyal na kulay                    Luntian, Pula, Puti, at Asul Marino
Website
nacionalistaparty.com

Ang Partido Nacionalista ay isang partidong pampolitika mula sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, ito ang pinakamatandang partidong pampolitika sa Pilipinas at Timog-silangang Asya. Sa karamihan ng ika-20 dantaon simula nang naitatag ito noong 1907, ito ang namamayaning partido mula 1935 hanggang 1946 (sa ilalim ng mga Pangulo ng Pilipinas na sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña), 1953–1961 (sa ilalim ng mga Pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia) at 1965–1972 (sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos).

Nalikha ang Partido Nacionalista bilang isang partidong nasyonalistang Pilipino na sinuporta ang kalayaan ng Pilipinas hanggang 1946 nang iginawad ng Estados Unidos ang kalayaan sa bansa.[3][4][5] Simula noon, maraming mga artikulong pampaham tungkol sa kasaysayan ng mga partidong pampolitika noong Ikatlong Republika ang sumang-ayon na unti-unting naging populista ang partido,[1][2][5][6][7] bagaman may nagsasabing na may pagkiling sila pagiging konserbatibo[3][8] dahil sa pagsalungat sa Partido Liberal at Partidong Progresibo.

Inorganisa ang partido bilang behikulo para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos, na tinataguyod ang sariling-pamumuno; at niyayakap ang adbokasiyang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kinatawan sa Asembleya ng Pilipinas noong 1907–1916, at sa sumunod na Lehislatura ng Pilipinas noong 1916–1935. Naging tanyag ang mga politikong Nasyonalista noong Komonwelt ng Pilipinas na sumasaklaw sa mga taon na 1935–1941, na natapos nang pinalitan ang mga partidong pampolitika ng nag-iisa at monolitikong Partidong KALIBAPI noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Noong ikalawang kalahati ng ika-20 dantaon, nabago ang Partido Nacionalista sa pagiging pangunahing kalaban para sa pamumuno sa Pilipinas, at nakipagkompetensiya sa mga kalaban nito, ang Partido Liberal at Partido Progresibo ng Pilipinas. Tumagal ang kanilang pamumuno hanggang sa magulong pagpigil ng politikang partidista noong rehimeng Ferdinand Marcos. Noong 1978, tulad ng nangyari noong panahon ng Hapon, napilitan ang mga magkakahiwalay na mga partidong pampolitika na umanib sa koalisyon ni Marcos na Kilusang Bagong Lipunan. Pinili ng mga Nasyonalista na maghibernasyon at hindi makisangkot. Pagkalipas ng mga taon, noong huling bahagi ng dekada 1980, muling nabuhay ang partido sa ilalim ng pamumuno ni Salvador "Doy" Laurel hanggang sa pagpanaw nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Bertrand, J. (2013). Political Change in Southeast Asia. Cambridge, UK: Cambridge University Press. (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 Berneo, N.; Yashar, D. (2016). Parties, Movements, and Democracy in the Developing World. New York: Cambridge University Press USA. (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 Dayley, Robert (2016). Southeast Asia In The New International Era. Avalon Publishing. Nakuha noong Abril 19, 2017 (sa Ingles).
  4. Liow, J.; Leifer, M. (1995). Dictionary of the Modern Politics of Southeast Asia. New York: Routledge. Nakuha noong Oktubre 16, 2017 (sa Ingles).
  5. 5.0 5.1 Celoza, A. Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Connecticut, USA: Greenwood Publishing Group. Nakuha noong Setyembre 19, 2017 (sa Ingles).
  6. Simbulan, D. (2005). The Modern Principalia: The Historical Evolution of the Philippine Ruling Oligarchy. Lungsod Quezon: UP Press. (sa Ingles)
  7. Del Rosario, Simon G. (1973). An Integrated Course on Communism and Democracy. SGR Research & Pub. (sa Ingles)
  8. Philippine Journal of Public Administration, Volumes 34–35 (1990). UP College of Public Administration. Nakuha noong Oktubre 19, 2017 (sa Ingles).








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Nacionalista_Party

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy