Pulo ng Norfolk
Pulo ng Norfolk Norfolk Island | |||
---|---|---|---|
external territory of Australia, territory of Australia | |||
| |||
Awit: God Save the King | |||
Mga koordinado: 29°02′00″S 167°56′59″E / 29.0333°S 167.9497°E | |||
Bansa | Australya | ||
Lokasyon | Australya | ||
Kabisera | Kingston | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 34.6 km2 (13.4 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (10 Agosto 2021)[1] | |||
• Kabuuan | 2,188 | ||
• Kapal | 63/km2 (160/milya kuwadrado) | ||
Wika | Ingles, Norfolk | ||
Websayt | http://www.info.gov.nf/ |
Ang Pulo ng Norfolk o Pulo ng Norfuk (Ingles: Norfolk Island; Norfuk: Norfuk Ailen) ay isang teritoryo ng Australia. Ito ay nasa Timog ng Karagatang Pasipiko na napapagitnaan ng Australia, New Zealand, at ng New Caledonia. Ito ang isa sa unang mga maliliit na pamayanan ng Britanya sa Karagatang Pasipiko. Dalawang ulit itong ginamit bilang isang kolonya penal (kolonya ng mga pinarurusahan dahil sa nagawang kasalan o krimen). Ang mga tao mula sa Pulong Pitcairn at inilipat papunta sa Pulo ng Norfolk.
Ang Pulo ng Norfolk ay isang maliit na pulong mabulkan. Ang sukat nito ay humigit-kumulang na 5 mi (8 km) at 3 mi (5 km). Tinatayang ito ay nasa 1,000 mi (1,609 km) ng hilagang-silangan ng Sydney, at 600 mi (966 km) sa hilaga ng Auckland. Karamihan sa bahagi ng pulo ay 350 tal (107 m) ang pagkakaangat magmula sa antas ng dagat. Mayroong dalawang matataas na mga tuldok sa pulo na tinatayang 1,000 tal (305 m) ang pagkakaangat mula sa antas ng dagat. Nasa timog ng Pulo ng Norfolk ang dalawang mas maliliit na mga pulo, ang Pulong Nepeano (Pulo ng Nepean) at ang Pulo ng Phillip[2] (Pulo ng Felipe).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Norfolk Island"; hinango: 28 Hunyo 2022.
- ↑ Hoare, Merval (1969). Norfolk Island: An Outline of Its History, 1774 - 1968. St.Lucia, Queensland: University of Queensland Press.