Content-Length: 127315 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Pentateuko

Torah - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Torah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pentateuko)
Bibliya/Tanakh
Torah | Nevi'im | Ketuvim
Mga Aklat ng Torah/Pentateuco
1. Aklat ng Henesis
2. Aklat ng Exodus
3. Aklat ng Levitico
4. Aklat ng Mga Bilang
5. Aklat ng Deuteronomio

Ang Tora (Ebreo: תורה, "Turo") ay ang katawagan sa unang limang mga aklat ng Tanakh. Kinabibilangan ito ng: Bereshit (Henesis), Shemot (Eksodo), Vayikra (Lebitiko), Bemidbar (Mga Bilang), at Devarim (Dyuteronomyo).[1]

Sinulat ni Moshe (Kastila: Moisés) ang Tora upang ipaalala sa mga Israelita ang mga batas na ibinigay sa kanila ng Diyos noong Shavu'ot.

Binabasa ang isang kabahagi ng Tora tuwing umaga ng Shabat.

Tora

Pambibig na Torah

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Rabinikong Hudaismo, ang Pambibig na Torah' o Torah na mula sa Bibig o Batas na Galing sa Bibig (Hebrew: תורה שבעל פה‎, Torah she-be-`al peh) ay mga batas, mga kautusan, at mga legal na interpretasyon ng Pentateuch na tinatawag na "Isinulat na Torah" o "Isinulat na Batas"(Hebreo: תורה שבכתב‎, Torah she-bi-khtav, literal na "Isinulat na Batas). Ito ay itinuturing na preskriptibo at ibinigay sa parehong panahon ng Isinulat na Torah. Ang Pambibig na Torah ay kinabibilangan ng mga ritwal, mga anyo ng pagsamba, interpersonal na ugnayan ng Diyos at tao, mga batas ng Kosher, Shabbat, pagmamasid ng mga pista, mga ugnayan sa pag-aasawa, mga pagsasanay sa agrikultura, at mga pag-aangkin na sibil at mga sa mga pinsala. Ayon sa Rabinikong Hudaismo, ang Pambibig na Torah ay ibinigay nang walang patid sa bawat henerasyon sa pasimula pa nito hanggang sa ito ay wakas na isinulat pagkatapos ng pagkakawasak ng Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE nang maharap ang kabihasnang Hudyo sa paglaho sa pag-iral nito sa birtud ng pagkakalat ng mga Hudyo iba't ibang lugar.

Sa Kristyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Kristyanismo tinatawag itong Pentateuch, na nangangahulugang "limang aklat" hango sa Griyego, at binabasa ito upang ipakagalak sa mga mananampalataya ang "pangako ng Mesiyas."[1]

Ang Koran ay madalas tumitingin kay Moises (Musa) upang ipaliwanag ang katotohanan ng kaniyang pag-iral at ng mga kautusang panrelihiyon na ipinakita ng Diyos (Allah, "Ang Kataas-Taasan") sa Mga Anak ng Israel. Sinasabi ng Diyos sa Koran, "Siya (nawa) ang nagbaba ng Aklat (ang Koran) sa inyo ng maykatotohanan, na pinatutunayan ang siyang inilathala bago nito. At Siya ang nagbaba ng Taurat (Tora) at ng mga Injeel (Ebanghelyo)." [3:1]

Tinatawag ng mga Muslim ang Tora bilang Tawrat at itinuturing ito na salita ng Diyos na ibinigay kay Moises. Subalit, ang mga Muslim ay naniniwala rin na itong naunang pagpapakita ay nasira (tahrif) ng mga Hudyong manunulat sa pagdaan ng mga panahon, at sa gayon ay hindi kasing-sigasig ang kanilang pananaw[2] sa pangkasalukuyang mga sipi ng mga Hudyo. Gayumpaman, ang Tora sa Koran ay laging binabanggit sa Islam ng may-paggalang. Ang pananalig ng mga Muslim sa Tora, at gayundin sa pagiging propeta ni Moises, ay isa sa mga pangunahing haligi sa pananampalatayang Islam.

Samaritanong Torah

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Nevi’im, ang ikalawang dibisyon ng Tanakh
  • Ketuvim, ang ikatlong dibisyon ng Tanakh

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Tora". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. http://www.usc.edu/dept/MSA/quran/007.qmt.html#007.144

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pentateuko

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy