Lungsod ng Zamboanga
Lungsod ng Zamboanga Lungsod ng Zamboanga | ||
---|---|---|
Ang lungsod ng Zamboanga sa Mindanaw | ||
| ||
Mga koordinado: 6°54′15″N 122°04′34″E / 6.9042°N 122.0761°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Tangway ng Zamboanga (Rehiyong IX) | |
Lalawigan | Wala (Dating bahagi ng Zamboanga Republic) | |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Lungsod ng Zamboanga | |
Mga barangay | 98 (alamin) | |
Pagkatatag | 1635 | |
Ganap na Lungsod | Pebrero 26, 1937 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Maria Isabelle Climaco Salazar (LP) | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Rommel Agan (UNA) | |
• Manghalalal | 445,240 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 1,414.7 km2 (546.2 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 977,234 | |
• Kapal | 690/km2 (1,800/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 227,352 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 3.30% (2021)[2] | |
• Kita | (2022) | |
• Aset | (2022) | |
• Pananagutan | (2022) | |
• Paggasta | (2022) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 7000 | |
PSGC | 097332000 | |
Kodigong pantawag | 62 | |
Uri ng klima | klimang tropiko | |
Mga wika | Wikang Subanon Sebwano Wikang Chavacano wikang Tagalog | |
Websayt | zamboanga.gov.ph |
Ang Lungsod ng Zamboanga ay isang lungsod sa Rehiyon ng Tangway ng Zamboanga ng Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 977,234 sa may 227,352 na kabahayan. Habang hindi nababahagi sa anumang lalawigan ng Pilipinas, minsan itong naiuugnay sa Zamboanga del Sur para lamang sa datos galing sa Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. Pero sa politikalmente hindi kailanman naging bahagi ang Lungsod ng Zamboanga ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ito ay gumaganap bilang isang lubos na urbanisado at malaya o nagsasariling lungsod pero ito ay ang pinakamalaking siyudad sa probinsya.
Sa politikal na lokasyon ayon sa mga karatig pook, matatagpuan ang lungsod sa hilaga ng Probinsya o Lalawigan ng kapuluan ng Basilan lalo na ng Lungsod ng Isabela ng Basilan, timog at timog-silangan ng Bayan ng Sibuco at Sirawai ng Probinsya o Lalawigan ng Hilagang Zamboanga (Zamboanga del Norte), at timog at timog-kanluran ng Bayang ng Tungawan ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Sa buong rehiyon ng pamamahala o administratibo ng Tangway ng Zamboanga, ito ay matatagpuan sa hilaga ng Lungsod ng Isabela ng Probinsya o Lalawigan ng Basilan ngunit kasama sa rehiyong nabanggit sa mga panrehiyong layunin, sa may timog-kanluran ng buong Probinsya o Lalawigan ng Hilagang Zamboanga (Zamboanga del Norte) sa may gawing timog-kanlurang dulo nito, sa may timog-kanluran din ito ng mga Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga Sibugay at Timog Zamboanga (Zamboanga del Sur).
Sa pisikal na heograpiya, ang lungsod ay matatagpuan sa may silangan at timog-silangan ng Dagat Sulu, sa hilaga ng Kipot ng Basilan, at sa kanluran ng Golpo ng Moro. Makikita ang mga bundok ng Pulo ng Basilan mula sa lungsod lalo na sa Pulong Bato sa Abong-abong, Pasonanca, Zamboanga City sa may malaking krus na matatagpuan sa pinakahilaga ng 14 Stations of the Cross sa may nasabing lugar.
Nagsasalita ang mga tao sa lungsod Zamboanga ng ib't ibang mga wika dahil sa pagiging mala-"melting pot" nito. Kabilang na rito ang mga wikang Tagalog at Filipin, Hiligaynon, Subanen, Tausug, Samal, Badjau, at Cebuano o Bisaya, gayundin ang Ingles. Ang iilan naman ay nagsasalita ng Hapon, ilang wika mula sa bansang India, Ilokano, Waray, Malay kabilang na ang Bahasa Malaysia at Bahasa Indonesia, Koreano, Arabe, at iilan pang ibang banyagang wikang dala ng mga banyaga, dayo, at mga yaong nanirahan o ngatrabaho sa ibang bansa. Ngunit ang karamihan sa mga mamamayan nito lalo na sa mga Katoliko na higit na nakararami sa lungsod ay ang katangi-tangi at kakaibang wika nila, ang Chavacano na isang maituturing lingua franca, ang opisyal na wika ng lungsod, at isang kriyolyong wika batay o mula sa wikang Espanyol o Kastila.
Ang Chavacano ay sinasalita rin sa ibang pook sa bansa gaya lang ng Bayan ng Ternate at Lungsod ng Cavite sa Lalawigan ng Cavite, ngunit iyon ay sinasalita na lamang ng kakaunting populasyon at maaaring unti-unting mawala nang tuluyan. Ang mga pook na ito kabilang na ang lungsod ng Zamboanga ay nagsasalita ng iba't ibang diyalekto ng iisang Wikang Chavacano, kung saan ang Chavacano o Chabacano ng mga pook sa Lalawigan ng Cavite ay naimpluwensiyahang higit ng wikang Tagalog, samantala ang sa Zamboanga ay naimpluwensiyahan naman ng mga katutubong wikang sinasalita sa paligid ng lungsod kabilang na ang Malay o Bahasa Melayu mula sa bansang Malaysia, wikang Tausug ng mga Tausug, Hiligaynon ng mga Ilonggo, Cebuano o Bisaya ng mga Cebuano, at gayundin naman ang Tagalog sa pamammagitan ng wikang Filipino na siyang pinakapormal at mas estandardisadong antas nito at siya ring opisyal at pambansang wika ng bansa, at ng wikang Ingles dahil na rin sa media, edukasyon, mga dayuhan, at sa pagiging isa pang opisyal na wika ng bansa bukod sa wikang Filipino.
Tanging ang diyalekto ng Lungsod ng Zamboanga ang mas buhay, mas may maraming nagsasalita bilang pangunahin o una at bilang pangalawa o pangatlong wika ng mga mamamayan ng lungsod, mga Zamboangueño sa ibang lugar, at ng mga dayo at tao sa karatig lalawigan, maging umaabot sa Sempornah, Sabah, Malaysia. Ito rin ang mas kilala ng ibang tao bilang Wikang Chavacano nang hindi nalalaman na isa lamang ito sa mga diyalekto ng nasabing wika, at kamalian ding tinatawag na "Chavacano" ang mga nagsasalita nito sa halip na dapat ay "Zamboangueño", na isang pangkat etno-linggwistiko ng bansa.
Sa higit na malaking porsiyento, ang Chavacano de Zamboanga o Zamboangueño Chavacano ay magkahalong Wikang Espanyol na parehong Kastila at Mexicano at ng mga lokal na mga wika gaya ng Cebuano, Bahasa Sug, Bahasa Melayu, Tagalog, Hiligaynon, at pati rin ang mga wikang mula sa Mexico gaya ng Nahuat'l na nakadagdag din sa Chavacano sa pamamagitan ng Espanyol ng Mexico o Mexicano. Sa modernong panahon, nahaluan din ng wikang Ingles ang Chavacano.
Ang wikang ito ay mayroong bokabularyo o mga salitang nasa 70-80% na mula sa Espanyol at mga 20-30% na mga bokabularyo o mga salita mula sa ibang mga wika ng bansa, mula sa Nahuta'l ng Mexico sa pamamagitan ng Mehiakanong Espanyol, mula rin sa Malay, at sa Ingles. Ang balarila o gramatika ng Chavacano ay mas simple o pinasimple kaysa sa estandardisadong Espanyol at ang paraan ng pagbubuo ng mga pangungusap at iilang mga salita ay mas nahahawig sa wikang Filipino at mga wika ng bansa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalang Zamboanga ay hango sa wikang Subanen na "sabuan," at sa wikang Malay na "jambangan" (daungan ng mga bulaklak). Ang Fort Pilar, na ngayo'y isang dambana ng Nuestra Senora del Pilar, ay itinatag noong 1635 ng pamahalaang kolonyal ng Kastila. Sa panahong Amerikano at bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sentro ang Zamboanga ng kalakalan, edukasyon, at pamahalaan ng buong Kamindanawan. Noong Oktubre 12, 1936 ay naging ganap na chartered city sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 39 na inilagda ni Pang. Manuel L. Quezon. Sa kasalukuyan ay binansagang Lungsod Latino ng Asya sa halip ng pagiging Lungsod ng mga Bulaklak.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kabuuang land area ng 1,483.38 sq. km., ang Zamboanga ay ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng Pilipinas sa lupain. Ito ay nasa 460 milya nautica sa timog ng Maynila (mga 850 km), 365 nautical miles sa hilaga-silangan ng Kota Kinabalu sa Malaysia (mga 700 km), at 345 nautical miles sa Hilaga Silangan ng Manado saIndonesia (mga 650 km).
Ang Lungsod ng Zamboanga ay may kabuuan ng 98 barangay at 28 isla.
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lungsod ng Zamboanga ay naging "highly-urbanized" ayon sa Local Government Code noong 1983, hiwalay sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. Nagkaroon ng isang distrito kongresyonal noong 1984 hanggang 2007, nang hinati sa dalawa ang Zamboanga sa pagkakaroon ng dalawang kumakatawan sa kongreso. Bawat distrito ay mayroong representative at walong konseho. Si Beng Climaco ang kasalukuyang alkalde sa ikalawang termino. Ang kanyang tiyuhin, si Cesar Climaco, ay naglingkod bilang alkalde ng tatlong termino hanggang sa kanyang pagkamatay noong Nobyembre 14,1984. Siya ay binaril ng di kilalang gunman.
Magagandang Tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Taluksangay Village
- Mga dagat ng Calarian (kabilang ang La Vista del Mar at Zamboanga City Golf Complex), at Boalan
- Ang Pasonanca Park (Parke ng Pasonanca)
- Ang Abong-abong kung saan matatagpuan ang Bundok Pulambato
- City Hall (Bulwagan ng Lungsod)
- Plaza Pershing (Liwasan ni Pershing)
- Fort Pilar (Tanggulan ng Pilar)
- Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepcion o Catedral Metropolitana de la Inmaculada Concepcion
(Katedral Metropolitan ng Imakulada Konsepsyon)
- Yakan Weaving Village (Nayon ng Paghahabi ng Yakan)
- Mga Vinta
- Paseo Del Mar (Sakayan/Pasyalan ng Dagat)
Mga Kapistahan at Pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Festival de Zamboanga o Fiesta dela Nuestra Senora La Virgen del Pilar (Pagdiriwang ng Zamboanga Hermosa o Kapistahan ng Ating Birhen ng Pilar)
- Dia de Zamboanga (Araw ng Zamboanga)
- Dia del Fundacion de Lenguaje Chavacano (Araw ng Pagtatatag ng Wikang Chavacano)
"Zamboanga Hermosa" el Himno Oficial de Zamboanga
[baguhin | baguhin ang wikitext](Ang wika ng himno o awit ay maaaring mula sa Wikang Kastila o Espanyol, o hindi kaya ay mula sa makalumang Wikang Chavacano na hindi pa masyadong naimpluwensiyahan ng mga ibang wika sa Filipinas at ng wikang Ingles sa 'di gaya sa mas moderno at kasalukuyang Wikang Chavacano na higit nang lumayo mula sa Wikang Kastila o Espanyol na siyang malaking basehan o pinagbatayan, pinagmulan, o inang-wika nito .)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Zamboanga Hermosa,
Preciosa, perlita
Orgullo de Mindanao
Tus bellas dalagas
Son las que hermosean
Tu deliciosa ciudad.
Flores y amores
que adornan su jardín
Eres la imagen
de bello Edén
Zamboanga hermosa,
Preciosa, perlita
Orgullo de Mindanao.
Flores y amores
que adornan su jardín
Eres la imagen
de bello Edén
Zamboanga hermosa,
Preciosa, perlita
Orgullo de Mindanao.
(Paraan: Ito ay inaawit lagi pagkatapos ng Lupang Hinirang at bago o pagkatapos ng Panunumpa sa Watawat o Panatang Makabayan kung mayroon, o di kaya'y pagkatapos ng Lupang Hinirang kung walang Panatang Makabayan o Panunumpa sa Watawat.
Palakumpasan: Ito ay inaawit at ikinukumpas sa palakumpasang 3/4.
Pagkakataon: Inaawit ito bago magsimula ang mga pagpupulong ng konseho at ng lokal na gobyerno sa paraang nakasaad sa taas. Kadalasan o lagi rin itong inaawit sa paraang nakasaad sa taas bago ang mga pulong, pista, at mga okasyong panggobyerno, at pampaaralan, at madalang o di kaya'y hindi sa mga samut-sari o personal na okasyon. Ito rin ay inaawit sa paraang nakasaad sa taas bago at pagkatapos ng isang araw na pag-aaral o klase sa mga mababang paaralang panggobyerno o kahit sa mga pribadong paaralang elementarya araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, at bago ng pag-aaral o klase sa Lunes at pagkatapos ng pag-aaral o klase sa Biyernes o sa parehong paraan ng mababang paaralan, para sa mga mataas na paaralan at dalubhasaan o kolehiyo at ibang mataas na pag-aaral na mga institusyon, akademya, palaturuan, o paaralan.)
"Zamboanga Hermosa" ang Opisyal na Awit ng Zamboanga (isinaling-wika sa wikang Filipino)
[baguhin | baguhin ang wikitext](Ito ay ang pagsasalin ng awit o himno sa wikang Pambansa, ang wikang Filipino.)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Zamboangang Maganda,
Pinakamamahal, perlita (isang uri ng hiyas o bato)
Pagmamalaki ng Mindanao
Iyong mga magagandang dalaga
Sila ang mga yaong nagpapaganda sa
Iyong kaaya-ayang lungsod.
Mga bulaklak at mga pag-ibig
na gumagayak sa kanyang hardin
Ikaw ay ang larawan
ng magandang Eden (hardin ng Eden)
Zamboangang maganda,
Pinakamamahal, perlita (isang uri ng hiyas o bato)
Pagmamalaki ng Mindanao.
Mga bulaklak at mga pag-ibig
na gumagayak sa kanyang hardin
Ikaw ay ang larawan
ng magandang Eden (hardin ng Eden)
Zamboangang maganda,
Pinakamamahal, perlita (isang uri ng hiyas o bato)
Pagmamalaki ng Mindanao.
Mga Barangay sa Lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Lungsod ng Zamboanga, ito ay may 98 na barangay:
|
|
Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]TV
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ABS-CBN Western Mindanao (Channel 3)
- RPN DXXX TeleRadyo (Channel 5)
- PTV 7
- GMA 9
- GBPI 11
- RMN DXRZ TeleRadyo 13
Radyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]AM
[baguhin | baguhin ang wikitext]- DZRH 855
- RMN DXRZ 900
- DXYZ Sonshine Radio 963
- RPN DXXX Radyo Ronda 1008
- DXLL Bombo Radyo 1044
- FEBC DXAS 1116
- DXMR Radyo Pilipinas 1170
- CMN DXVP Radyo Verdadero 1476
FM
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Peace 88.3
- 89.9 Brigada News FM
- 91.5 Wild FM
- Monster RX 93.1
- 93.9 Star FM
- Magic 95.5
- 96.3 iFM
- 97.9 Love Radio
- MOR 98.7
- 102.7 Yes The Best
- 103.5 Halo-Halo
- 105.9 eMedia
- Marino News FM 106.7
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 20,692 | — |
1918 | 42,007 | +4.83% |
1939 | 43,894 | +0.21% |
1948 | 103,317 | +9.98% |
1960 | 131,489 | +2.03% |
1970 | 199,901 | +4.27% |
1975 | 265,023 | +5.82% |
1980 | 343,722 | +5.34% |
1990 | 442,345 | +2.56% |
1995 | 511,139 | +2.75% |
2000 | 601,794 | +3.56% |
2007 | 774,407 | +3.54% |
2010 | 807,129 | +1.52% |
2015 | 861,799 | +1.26% |
2020 | 977,234 | +2.50% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Province: Zamboanga del Sur". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
- ↑
Census of Population (2015). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Province of Zamboanga del Sur". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Chavacano de Zamboanga Wikipedia
- Zamboanga City official government website Naka-arkibo 2012-11-10 sa Wayback Machine.
- Zamboanga.com
- Zamboanga City Gallery
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- List of Subdivisions in Zamboanga City Naka-arkibo 2007-01-26 sa Wayback Machine.
Mga Balita sa Internet