Content-Length: 279453 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/#cite_ref-62

Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Ang One Direction habang nagtatanghal sa Glasgow sa kanilang On The Road Again Tour noong Oktubre 2015. Mula sa kaliwa: Louis Tomlinson, Niall Horan, Liam Payne, at Harry Styles.
Ang One Direction habang nagtatanghal sa Glasgow sa kanilang On The Road Again Tour noong Oktubre 2015. Mula sa kaliwa: Louis Tomlinson, Niall Horan, Liam Payne, at Harry Styles.

Ang One Direction (kadalasang dinadaglat bilang 1D) ay isang pop na bandang Ingles-Irlandes na puro lalaki na nakabase sa Londres, at binubuo nina Niall Horan, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Kasapi si Zayn Malik sa banda mula nang ito'y mabuo noong 2010 hanggang sa kanyang pag-alis noong Marso 25, 2015. Nakapirma sila sa tatak panrekord ni Simon Cowell na Syco Records matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng programang pantelebisyon sa Britanya, ang The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, na nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Ang kanilang ikalimang album, ang Made in the A.M., ay inilabas noong Nobyembre 2015. Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards), apat na MTV Gantimpala sa Musikang-Bidyo (MTV Video Music Awards), 11 MTV Gantimpala sa Musika sa Europa (MTV Europe Music Awards), 19 na Gantimpala sa Pinili ng Kabataan (Teen Choice Awards), at marami pang iba. Ayon kay Nick Gatfield, tagapangulo at punong ehekutibo ng Sony Music Entertainment UK, kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" ng 2012 ng Billboard. Ayon sa Sunday Times Rich List, nitong Abril 2013, ang banda ay tinatayang may kabuuang pinagsama-samang personal na yaman na £25 milyon ($41.2 milyon), dahilan upang sila'y maging pangalawang pinakamayayamang musikero sa Nagkakaisang Kaharian na nasa edad na mas mababa sa 30. Noong 2014, itinala sila ng Forbes bilang ikalawang may pinakamalaking kinitang artista na nasa gulang na mababa sa 30, na nakapagtala ng kitang tinatayang nasa $75 milyon mula Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2014. Noong Hunyo 2015, itinala ng Forbes ang kanilang kita na nasa $130 milyon sa loob ng nakalipas na 12 buwan, at inihanay sila bilang ikaapat na artistang may pinakamalaking kita sa buong mundo.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Sa araw na ito (Disyembre 24)

Si Heneral Dwight D. Eisenhower
Si Heneral Dwight D. Eisenhower

Disyembre 24: Notsebuwena o Bisperas ng Pasko

  • 1294 — Nagsimula ang pagkapapa ni Bonifacio VIII matapos magbitiw Celestino V, na siyang nagdeklara na maaaring bumaba sa pwesto ang isang papa.
  • 1777 — Naabot ng ekpedisyon na pinamumunuan ni James Cook ang Kiritimati o Christmas Island, ang pinakamalaking karang sa buong mundo.
  • 1924 — Naging republika ang Albanya.
  • 1943 — Naging Kumandante ng Supremong Alyado si Heneral Dwight D. Eisenhower (nakalarawan).
  • 1951 — Lumaya ang Libya mula sa Italya at inihayag na si Idrin I ang maging hari.

Mga huling araw: Disyembre 23Disyembre 22Disyembre 21

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
48,051
artikulo
129
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/#cite_ref-62

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy