Content-Length: 87677 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Aleluya

Aleluya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Aleluya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang aleluya[1] (Ebreo: הללויה, haleluya; Ingles: Hallelujah[2]) ay may ibig sabihing "Purihin ang Diyos!", na nabuo sa paghango mula sa pagsasama ng mga salitang Ebreong Hallelu o "papuri" at Yah o "Yahweh", ang pangalan ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag 19: 1-8.[2]

Ang Aleluya ([H]Ebreo: הללויה, Haleluya; Ingles: Hallelujah ay may ibig sabihing "Purihin ang Diyos na si Yah/Jah!", na nabuo sa paghango mula sa pagsasama ng mga salitang Ebreong Hallelu o "papuri", at "Yah" o "Jah" = "Yahweh" o "Jehova", ang pangalan ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag o Apocalipsis 19: 1-8; sa Exodo 3:15; 6:3; at sa Mga Salmo/Awit 83:18, 150:1-6[2] na sinasamba sa Hudaismo at pati na rin sa Kristiyanismo.

(*Ang HalleluJah/HalleluYah ay isinasalin din sa iba't ibang wika at salin bilang-- Halleluia(h), Alleluia(h), Allelu-Ja(h), Aleluya(h). [Tignan ang Salmo/Awit 150 at Apocalipsis/Pahayag 19]. Ang lahat ng mga ito ay mga pagsasalin sa iba't ibang wika na natural na nangyayari sa lahat ng mga salita at pangalan sa ibat ibang wika.

YAH, YEHO, IAH, JAH, JEHO "Yah", "Iah", o "Jah" (palayaw/maikling porma ng dakilang banal na pangalan [Mateo 6:9]) = "Yahweh" (sa Hebreong pangalan ay ang mga titik katinig na "YHWH", sa dahilang walang patinig sa pagsulat kundi sa bigkas lamang sa wikang iyon) o "Jehova" ("JHVH" sa saling Alpabetong Romano/Latin), ang pangalan ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag o Apocalipsis 19:1-8; sa Exodo 3:15; 6:3; at sa Mga Salmo/Awit 83:18, 150:1-6.

Sinamba siya ng mga propetang sina Abraham at Moises, ni Haring David (Dawid sa orihinal na Hebreo), at ganun rin ang mga sinabi't ginawa ni Kristo Jesus (na ang orihinal na totoong pangalan sa Hebreo na wika ng mga Israelita/Judio/Hudyo ay Yehoshua/Yahushua na may palayaw na Yeshua na may kahulugang "Si Yah (Yahweh) / Jah (Jehova) ay Magpapadala ng Tulong o Pagsaklolo o Kaligtasan")'. (Genesis 24:27; Exodo 6:3; 15:1,2; Mateo 6:9-10; Juan 20:17) Siya ay Diyos, hindi lang ng isang bayan, kundi ng “buong lupa” at maging sa "langit"—Awit/Salmo 47:2; 83:18/19; 150:1-6. (*Tignan ang mga nakalistang halimbawa sa ibaba ng mga tao sa Kasulatan na may dakilang pangalan ng Ama sa mga orihinal na pangalan nila sa Hebreo)

Bilang ang Dakilang Maylalang ng lahat ng mga bagay, ang kanyang pangalan ay nangangahulugan sa Hebreo bilang "Ako nga" o "Magiging o Pinapangyari ko nga" (sa Ingles ang katumbas ng '"Yah"' ay ang pandiwang "be" ("I was, I am, I am being, I will be"). At ang mas pinalawig ng kabuuang pangalang Yahweh o Jehova ay nangangahulugang "Ako nga ang magiging gayon ayon sa aking kalooban noon, ngayon, at magpakailanman" ("I was, I am, I am being, I will be that one according to my will forever") o "Ginagawa o Pinapangyari ko sa Aking Kapangyarihan ang lahat ng mga bagay" ("I am being / causing / materializing / creating / making all things possible").

Itinuro ni Jesus/Hesus (o Ye[ho]shua* sa wikang Hebreo) ang sikat na panalanging: "AMA naming nasa langit, sambahin nawa ang PANGALAN mo..." (Mateo 6:9-10).

MGA KARAKTER O TAUHAN SA BANAL NA KASULATAN NA KAKIKITAAN O GINAMIT ANG DAKILANG PANGALAN NG AMANG DIYOS:

Maraming mga tauhan o karakter sa Bibliya na may pangalan ang Amang Diyos na gamit ang palayaw niyang "Yah[u]/Yeh[o]", "Iah", o "Jah/Jeho":

Jesus/Hesus = ang orihinal na Hebreong pangalan niya (na wika ng Israel, ng mga Judio/Hudyo) ay "Yeho-shua" o "Yahu-shua" at may palayaw o pinaikling ispeling iyan na "Yeshua" o "Yahshua" (Kahulugan - "Yehoshua" o "Yeshua": "Si Yah ('Yahweh'/Jah) o Yeho (Yehowah/'Jehova') ay Tutulong / Magpapadala / Sasaklolo / Magliligtas")

Isaias/Isaiah = sa Hebreo o wikang Judio/Israelita ang orihinal na ispeling at bigkas ng pangalan ay "Yesha-Yah[u]"; isinalin itong "Is[h]a-iah" sa Ingles/English at "Isaias" naman sa Espanyol/Kastila at hiniram sa Tagalog/Filipino. (Kahulugan - '"YeshaYah[u]"': "Ang Kaligtasan/Pagtulong/Pagsaklolo ay si Yah/Iah (Yahweh/Jehova)".)

Elias/Elijah = sa Hebreo o wika ng mga Judio ang orihinal na ngalan niya ay "Eli-Yah[u]" na isinaling "Eli-Jah" sa Ingles at "Elias" sa Espanyol at Tagalog/Filipino. (Kahulugan - EliYahu: "Ang Diyos ko ay si Yah/Jah (Yahweh/Jehova)")

Mateo/Matthew = mula sa Hebreo o Judiong pangalan na "Mattit-Yah[u]" at isinaling "Matthaios" sa Griyegong wika na gamit sa Bagong Tipan, at kapagdaka'y "Mateo" sa Espanyol/Kastila at "Matthiah/Matthias/Matthew" sa Ingles/English. (Kahulugan - MattitYahu: "Regalo o Biyaya mula kay Yah[u]/Jah (Yahweh/Jehova)")

Juan/John = galing sa Judio/Hudyo o Hebreong orihinal na pangalang "Yeho-hanan" na may palayaw o pinaikling porma na "Yohanan"; isinalin ito sa Griyego na gamit sa Bagong Tipan bilang "Ioannes", sa Latin at sinaunang Espanyol bilang "Ioanes" at "Ioan" (tignan ang mga Bibliyang "Bibliya del Oso [BDO] na inilimbag noong 1500 siglo). Maglaon, isinalin sa ibang mga wika bilang "Yohan", sa Pranses bilang "Jean", at sa Ingles/English bilang "John" o "Jon", at sa Kastila/Espanyol at sa Tagalog/Filipino bilang "Juan" (Kahulugan - "Yehohanan" o "Yohanan": "Si Yehowah/Yahweh/Jehova ay maaawain/nagkaloob/naglingap")

At marami pang ibang mga pangalang Hebreo na may pangalan ng Dakilang Amang Maylalang.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Aleluya". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., Papuri sa Tunay na Diyos, Salmo 134 (135), pahina 940.
  2. 2.0 2.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Halleluhaj". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B4.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Aleluya

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy