Ares
Sa mitolohiyang Griyego, si Ares (sa Griyego, Άρης: "labanan") ay ang diyos ng digmaan at anak ni Zeus (hari ng mga diyos) at Hera.[1][2] Kinikilala siya ng sinaunang mga Romano bilang Marte o Mars. Mas mataas at mas malawak ang pagtingin ng mga Romano sa kanilang Marte kaysa sa Griyegong Ares.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Laran.[3]
Sa Iliada ni Homero, kumampi siya sa mga Troyano. Siya rin ang ama ng magkapatid na kambal na mga lalaking sina Romulus at Remus, na mga tagapagtatag ng Roma.[1]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang diyos ng digmaan, agad-agad siyang napupukaw papunta sa pook ng nagaganap na mga pagkikipagdigma. Kabilang sa katangian niya ang pagiging kaaya-aya at malakas na lalaki, subalit lagi siyang handang pumaslang. Kinatatakutan ng lahat ng mga Griyego ang galit ni Ares.[2]
Kabilang sa kanyang kasuotan ang makintab na kalubkob o helmet na may mga nakapatong na pluma o balahibo ng mga ibon. Mayroon din siyang isang katad na baluti sa nasa kanyang bisig o baraso. Hawak niya ang isang sibat na yari sa pulang tanso.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Athena, diyosa ng digmaan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Ares, Mars". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 107.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Ares, Mars". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 357-361.
- ↑ The Bonfantes (2002), pahina 200.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.