Content-Length: 70427 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Backpacking

Backpacking - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Backpacking

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang backpacking ay isang anyo ng mababang-halaga, malaya, at pandaigdigang paglalakbay. Kabilang dito ang paggamit ng napsak o backpack na madaling dalhin sa malalayong lugar at mahahabang oras. Gumagamit din ng pampublikong transportasyon at mga murang tuluyan gaya ng otel na pangkabataan. Madalas ay mas mahaba ang tagal ng biyahe kumpara sa nakasanayang bakasyon; madalas din ay may interes sa pakikipagkilala sa mga lokal pati na rin sa paniningin sa mga pasyalan.

Maaaring maging bahagi ng backpacking ang pakikipagsapalaran sa kagubatan, paglilibot sa mga lokal na lugar at pamamasyal sa mga bansang malapit sa pinagtatrabahuhan nilang bansa.

Ang kahulugan ng backpacker ay nagbago bilang isang manlalakbay na galing sa iba't-ibang kultura at rehiyon. May isang kasulatan noong 2007 na nagsabing "ang mga backpacker ay bumuo ng isang grupo na may paggalang sa pagkakaiba ng mga pangangatwiran at kahulugan na nakalakip sa kanilang mga karanasan sa paglalakbay. Ipinakita din nila ang nagkakaisang pangako sa isang hindi naitatag na uri ng paglalakabay, ito ay sentral sa kanilang pagkakakilanlan sa sarili bilang mga backpacker." Ang backpacking, bilang isang uri ng pamumuhay at negosyo, ay lubos na lumago noong mga taong 2000 bilang resulta ng pagbababa ng presyo ng mga kompanya ng eroplano at otel o pamamahagi ng badyet sa maraming parte ng mundo.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Backpacking

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy