Content-Length: 97260 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagat

Balagat - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Balagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kinaroroonan ng balagat o klabikula (clavicle) at ng iskapula o tunay na paypay (scapula).

Ang balagat ay ang dalawang buto sa magkabilang gilid ng dalawang balikat na tinatawag ding klabikula, o butong kulyar.[1][2] Isang mahabang buto ang isang balagat na bahagi ng balikat, na dumurugtong sa braso patungo sa pangunahing bahagi ng katawan. Ito ang suporta para sa butong iskapula o tunay na paypay (minsang natatawag ding "paypay" ang balagat)[1] at tumutulong sa malayang pagbitin ng braso. Dahil dito, napapahintulutan ang brasong makagawa ng mga maraming galaw o kilos. Binubuo ang balagat ng mala-esponghang butong tinatawag na kanselus na buto, at natatakpan ng matigas na kabibe ng buto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Clavicle, balagat, paypay, klabikula; scapula, paypay - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Clavicle, balagat". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina 93.

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagat

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy