Bangui
Bangui | |
---|---|
Ilog Ubangi (Oubangui) sa dakong labas ng Bangui | |
Mapa ng Republikang Gitnang-Aprikano na pinapakita ang Bangui | |
Mga koordinado: 4°22′N 18°35′E / 4.367°N 18.583°E | |
Country | Central African Republic |
Prepektura | Ombella-M'Poko |
Pamahalaan | |
• Alkade | Jean-Barkes Gombe-Kette |
Lawak | |
• Kabuuan | 67 km2 (26 milya kuwadrado) |
Populasyon (2003) | |
• Kabuuan | 531,763 |
Ang Bangui (Pagbigkas sa Pranses: [bɑ̃ɡi]), o Bangî sa Sango, ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Republikang Gitnang-Aprikano. Tinatayang mayroon itong populasyon na 734,350 noong 2012. Itinatag ito bilang isang guwardiyadong lugar ng mga Pranses noong 1889 at pinangalan ang lugar sa lokasyon nito sa hilagang pampang ng Ilog Ubangi; ang Ubangi mismo ay pinangalan mula sa salitang Bobangi para sa lagaslasan na matatagpuan sa tabi ng paninirahan,[1] na palatandaan ng katupasan ng nalalayagang tubig mula sa hilaga ng Brazzaville. Karamihan sa mga taga-Republikang Gitnang-Aprikano ay naninirahan sa kanlurang bahagi ng bansa, sa Bangui at paligid nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Room, Adrian. African Placenames: Origins and Meanings of the Names for Natural Features, Towns, Cities, Provinces, and Counties, 2nd ed., p. 30: "Bangui". McFarland & Co., 2008. ISBN 0786435461. (Sa Ingles)