Content-Length: 100074 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Boudica

Boudica - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Boudica

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Boudica
Kapanganakan30 (Huliyano)
  • (praetorian prefecture of Gaul, Imperyong Romano)
Kamatayan61 (Huliyano)
  • (praetorian prefecture of Gaul, Imperyong Romano)
Trabahoruler, reynang reynante
AsawaPrasutagus

Si Boudica, na binabaybay din bilang Boudicca, at nakikilala ng mga Romano bilang Boudicea at Boadicea[1] (ipinanganak noong humigit-kumulang sa 25 AD - namatay noong 60 AD o 61 AD) ay ang reyna ng mga Keltikong mga taong Iceni na nasa Norfolk, sa Silangang Anglia (silangang bahagi ng Britanya; ang "Anglia" ay ang pangalang Latin para sa "Inglatera"). Asawa si Boudica ni Prasutagus, na isa sa mga haring Britaniko na nagtangkang makiisa sa mga Romano nang sakupin ng mga ito ang Britanya. Nang mamatay si Prasutagus, binalewala ng mga Romano ang kaniyang kagustuhan, na pinananatiling ang kaharian ni Prasutagus ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador ng Roma. Ninakaw ng mga Romano ang mga lupain ni Boudica. Nang angkinin ni Boudica ang tronong iniwan ni Prasutagus, pinalatigo siya ni Catus Decianus sa kaniyang mga sundalo. Inabuso rin ng mga sundalong ito ang mga anak na babae ni Boudica.[1] Naging tanyag si Boudica, na inilarawan bilang isang babaeng mataas at mapula ang buhok, dahil sa kaniyang pamumuno sa kaniyang tribong Iceni sa panghihimagsik laban sa Imperyong Romano na tumataban sa pulo ng Britanya noong kaniyang kapanahunan. Una niyang sinalakay ang Camulodunum (na nakikilala sa kasalukuyan bilang Colchester), na nasundan ng paglusob sa Verulamium (St. Albans), at tinupok nila ang Londinium (ang kasalukuyang London).[1] Nakapaslang ang pangkat na Iceniano ni Boudica ng 70,000 mga Romano at mga kaanib nito.[1] Itinuturing na may pagkamatagumpay si Boudica sa pagpupunyaging ito. Nang malaman ito ng mga Romano, nagtipon ang mga Romano ng mas malaking hukbong panlupa at nagkaroon ng isang labanan. Nagapi ng hukbong Romano ang panghihimagsik. Dahil nahiwatigan ni Boudica na matatalo siya ng mga Romano, nagpatiwakal siya sa pamamagitan ng paglason sa sarili,[1] sa halip na maging alipin ng mga Romano. Isang estatwa ni Boudica ang inilagay sa Westminster, London noong 1902.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS QUEEN BOUDICA?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 21


TalambuhayUnited Kingdom Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Boudica

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy