Content-Length: 77660 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Kawad

Kawad - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Kawad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kawad ng kuryente

Ang kawad ay isang silindrong hibla ng bakal na ginagamit bilang pang dala ng mga mekanikal na karga o kuryente at mga senyales pang telekomunikasyon. Ito ay binubuo ng bakal na isinuot sa isang drawplate. Ang kawad ay may iba ibang pamantayan ng sukat. Ang kawad din ay kadalasang binubuo ng kumpol ng mga hibla ng bakal na mas tamang tinatawag na isang lubid ng kawad sa industriya ng mekaniko o kurdon sa industriya ng kuryente.

Ang kawad ay pwedeng buo, hibla-hibla, o nakatirintas. Bagaman ito ay kadalasang pabilog pag hinati sa 90 na anggulo, ang kawad din ay pwedeng gawing kuwadrado, hugis na may anim na kanto, silsil na kuwadrado, o ibang mga hugis kapag hinati ito sa 90 na anggulo, ito ay marahil ginagamit pandekorasyon, o para sa teknikal na layunin tulad ng pagiging mabisa nito sa mga tunog na lumalabas sa mga ispiker. Isa pang halimbawa dito ay ang disenyong may mga kanto na nakapabilog na gawa naman sa namumukod tangi na silsil ng kawad.

Ang kawad ay pwedeng mapaliit sa ninanais na diyametro at katangian sa pamamagitan ng paulit-ulit na proseso ng pagpapaliit dito o paghulma nito sa mga drawplates. Matapos ang mga prosesong ito ng pagpapaliit sa kawad, ang kawad ay maaring initin at hayaang lumamig ng dahan-dahan para mas mapaliit pa o kung ito man ay yari na, ito’y maaaring initin at palamigin nang dahan-dahan para mapalawak ang kapasidad nitong malipat sa hugis na napakanipis, para mapataas ang kapasidad nitong magdala ng kuryente.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Kawad

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy