Kita
Ang kita ay ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi. Ngunit, para sa mga indibiduwal, ang kita ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo, mga bayad sa paarkila (katulad ng renta o bayad sa paupahang bahay o apartamento), at iba pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon.[1] Para sa mga kompanya, ang kita ay pangkalahatang tumutukoy sa netong kinita: ang natitira pa sa perang pumapasok sa negosyo o kitambayan kung ukol sa pamahalaan pagkaraang mabawas na ang mga gastusin o ginastos.[2] Sa larangan ng ekonimiyang pampubliko, maaari itong tumukoy sa akumulasyon o pagkaipon ng kapwa kakayahang makakonsumo o makatanggap ng kabayarang salapi o hindi salapi, kung saan ang hindi salaping kabayaran ay ginagamit bilang panghalili para sa kabuuang kita.[3]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Case, K. & Fair, R. (2007). Principles of Economics. Upper Saddle River, NJ: Pearson Education. p. 54.
- ↑ Schoen, John W. "What's the difference between revenue and income?". msnbc. Nakuha noong 2008-03-14.
- ↑ Barr, N. (2004). Problems and definition of measurement. In Economics of the welfare state. New York: Oxford University Press. pp. 121-124
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- D. Usher (1987). "real income," The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 4, pp. 104–05