Kolehiyong Trinity, Dublin
Ang Kolehiyong Trinity, Dublin (Irlandes: Coláiste na Tríonóide, Ingles: Trinity College, Dublin) ay ang nag-iisang bahaging kolehiyo ng Unibersidad ng Dublin, isang pananaliksik na unibersidad sa Ireland. Ang kolehiyo ay itinatag noong 1592 bilang "ina" ng isang bagong unibersidad,[Note 1] na iminodelo sa mga unibersidad ng Oxford at Cambridge, ngunit, hindi tulad ng mga ito, isa lamang sa kolehiyong naitatag, kaya't ang titulong "Trinity College" at "University of Dublin" ay itinuturing na magkasingkahulugan sa praktikal na kadahilanan. Ito rin ay isa sa pitong mga sinaunang unibersidad ng Britanya at Ireland,[1] pati na rin ang pinakamatanda sa Ireland.
Ang Kolehiyong Trinity ngayon ay napapalibutan ng lungsod ng Dublin at matatagpuan sa College Green, malapit sa Bahay ng Parlamento ng Ireland. Ang kolehiyo ay sumasakop sa eryang 190,000 m2 (47 acres), kung saan marami sa mga gusali nito ay nakakalat sa malaking quadranggel at dalawang playing field. Ang kolehiyo ay nahahati sa tatlong mga kaguruan na binubuo ng 25 mga paaralan, at nag-aalok ng mga digri at kursong diploma sa mga antas andergradweyt at gradwado. Noong 2016, ang unibersidad ay nairanggo sa Times Higher Education (THE) World University Rankings bilang ang ika-96 pinakamahusay na unibersidad sa mundo, sa QS World University Rankings naman ay ika-98, habang sa Academic Ranking of World Universities ay nasa 151-200 hanay, at ayon sa mga ito ay ang pinakamahusay na unibersidad sa Ireland.[2][3][4] Ang aklatan ng kolehiyo ay isang legal na deposito para sa Ireland at United Kingdom, na naglalaman ng higit sa 4.5 milyong naka-print na mga volyum at makabuluhang dami ng mga manuskrito (kabilang ang Book of Kells), mga mapa at musika.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Extracts from Letters Patent ("First or Foundation Charter") of Elizabeth I, 1592: "...we...found and establish a College, mother of a (the) University, near the town of Dublin for the better education, training and instruction of scholars and students in our realm...and also that provision should be made...for the relief and support of a provost and some fellows and scholars...it shall be called THE COLLEGE OF THE HOLY AND UNDIVIDED TRINITY NEAR DUBLIN FOUNDED BY THE MOST SERENE QUEEN ELIZABETH.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sarah Hutton (15 Mayo 2015). British Philosophy in the Seventeenth Century. Oxford University Press. pp. 27–. ISBN 978-0-19-958611-0.
- ↑ "Times Higher Education World University Rankings 2011–2012". Times Higher Education. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
- ↑ "QS Top Universities – World University Rankings 2011 – 51–100". Quacquarelli Symonds. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2011. Nakuha noong 5 Setyembre 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ "Academic Ranking of World Universities". Shanghai Ranking Consultancy. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2010. Nakuha noong 11 Mayo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)