Lehiyon (demonyo)
Sa Bagong Tipan ng Bibliya, ang Lehiyon ayon sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 5:1-20) at Ebanghelyo ni Lucas ang pangalan ng demonyo na pinalayas ni Hesus mula sa isang lalake na nilipat ni Hesus sa 2,000 baboy na tumalon at nalunod sa Dagat ng Galilea. Ito ay nangyari sa Gerasenes(NRSV) o Gadarenes (KJV). Sa Ebanghelyo ni Mateo, ito ay mula sa dalawang lalake ngunit hindi pinangalanan at ang lugar ay binago sa Gadarenes. Sa mga pinakamatandang manuskritong Griyego ay mababasa ang Gerasenes. Ayon sa King James Version sa Mateo 8:28, ito ay nangyari sa Gergesenes na tumutugon sa modernong Kursi sa Dagat ng Galilea. Ang Gerasa ay 31 kilometro mula sa Dagat ng Galilea at ang Gadara ay 10 kilometro mula sa dagat ng Galilea o 2 oras sa paglalakad tungo sa Dagat ng Galilea.
Sa Bibliyang Vulgata, tinatawag ang Gadareno bilang Geraseno o isang mamamayan ng[1] ng Gerasa.
Ang Legio X Fretensis ay isang lehiyon ng hukbong Imperyong Romano mula 41 BCE hanggang 410 CE na nangangahulugang "lehiyon ng dagat" na sangkot sa Unang Digmaang Hudyo-Romano(66-73 CE) sa pamumuno ni Vespasian. Ang emblem o simbolo ng lehiyong Romanong ito ay ang baboy upang hiyain ang mga Hudyo na isang hayop na karumal-dumal sa Hudaismo. Ayon kay Michael Willett Newheart, propesor ng wika ng Bagong Tipan sa Howard University School of Divinity (2004), ang may-akda ng Ebanghelyo ni Marcos ay umaasa na ang demonyong Lehiyon ay maiuugnay ng mambabasa ng Marcos sa Lehiyon ng hukbong Romano.[2] Ang intensiyon ng may-akda ng Marcos ay upang ipakita na si Hesus ay mas makapangyarihan sa mga hukbong Romano na sumakop sa Herusalem.[3]
Isang kilalang kuwento sa Lumang Tipan ng Bibliya ang hinggil sa mga Gadarenong pinalaya sa pang-aalipin ng mga demonyo na binansagang dimonyong Geraseno, dimonyong Gadareno, o ang dimonyong si Lehiyon, na nagpapahiwatig na "marami" ang bilang ng mga dimonyo sa kuwentong ito.
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Gadareno, Geraseno". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa bilang 28, pahina 1442, at talababa 26, pahina 1526.
- ↑ Newheart 2004, p. 44-45.
- ↑ Blount & Charles 2002, p. 77-78.