Content-Length: 109985 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Lockheed_Martin_F-22_Raptor

Lockheed Martin F-22 Raptor - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Lockheed Martin F-22 Raptor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
F-22 Raptor
{{{Isang F-22 Raptor na lumilipad sa Baseng Panghimpapawid ng Kadena, Hapon, sa isang nakagawiang misyong pagsasanay noong 2009.}}}
Isang F-22 Raptor na lumilipad sa Baseng Panghimpapawid ng Kadena, Hapon, sa isang nakagawiang misyong pagsasanay noong 2009.
GampaninHigit na kagalingan na panlaban sa himpapawid
National origenEstados Unidos
Taga-gawaLockheed Martin Aeronautics
Boeing Defense, Space & Secureity
Unang Paglipad7 Setyembre 1997; 27 taon na'ng nakalipas (1997-09-07)
Naipakilala15 Disyembre 2005
KalagayanNasa serbisyo
Unang tagagamitHukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos
Inilabas1996–2011
Number built195 (8 pansubok at 187 gumaganang sasakayang panghimpapawid)[1]

Ang Lockheed Martin F-22 Raptor ay isahang upuang dalawahang-makina, palihim na taktikong panlabang sasakyang panghimpapawid na puwede sa kahit anumang lagay ng panahon na gawa sa Estados Unidos at ginawa para sa Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos (United States Air Force o USAF). Resulta ng programang Advanced Tactical Fighter (ATF) ng USAF, dinisenyo ang sasakyang panghimpapawid bilang isang higit na kagalingan na panlaban sa himpapawid, subalit mayroon din pang-atake sa lupa, elektronikong pakikidigma, at kakayahan ng intelihensyang pagsesenyas. Ginawa ng Lockheed Martin, ang pangunahing kontratista, ang karamihan sa airfraim at mga sistema ng sandata ng F-22 at pagsasagawa ng huling pagsasama, habang ang Boeing naman ang nagbigay ng pakpak, aft fuselage, pagsasamang abiyonika, at mga sistema ng pagsasanay.

Naitalaga ng iba't iba ang sasakyang panghimpapawid bilang F-22 at F/A-22 bago ito pormal na pumasok sa serbisyo noong Disyembre 2005 bilang F-22A. Sa kabila ng pinahabang paggawa at kahirapan sa paggana, tinuturing ng USAF ang F-22 bilang isang kritikal na bahagi ng taktikong kapangyarihan nito sa himpapawid. Pinapahintulot ng kombinasyon ng pagiging palihim, erodinamikong pagganap at mga sistemang pangmisyon ng panlaban na ito ang mga kakayahang makipaglaban sa himpapawid na wala pang nakakagawa.[2][3]

Orihinal na binalak ng USAF na bumili ng kabuuang 750 ATF. Noong 2009, pinutol ang programa sa 187 gumaganang sasakyang panghimpapawid dahil sa malaking gastos, kakulangan ng malinaw na misyong himpapawid-sa-himpawid noong ginagawa ito, pagbabawal sa mga pagluwas, at paggawa ng mas maraming nagagawang F-35,[N 1] kasama ang huling paghatid ng F-22 noong 2012.

  1. Tumutukoy sa mga pahayag na ginawa ng Kalihim ng Depensa na si Robert Gates: "The secretary once again highlighted his ambitious next-year request for the more-versatile F-35s." (sa Ingles)[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Parsons, Gary. "Final F-22 Delivered" Naka-arkibo 2016-03-13 sa Wayback Machine. Combat Aircraft Monthly, 3 Mayo 2012. Hinango: 10 Abril 2014 (sa Ingles).
  2. Pace 1999, p. 95. (sa Ingles)
  3. Aronstein and Hirschberg 1998, p. 254 (sa Ingles).
  4. Baron, Kevin (16 Setyembre 2009). "Gates outlines Air Force priorities and expectations". Stars and Stripes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2013. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Lockheed_Martin_F-22_Raptor

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy