Content-Length: 120596 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Matadi

Matadi - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Matadi

Mga koordinado: 05°49′00″S 13°29′00″E / 5.81667°S 13.48333°E / -5.81667; 13.48333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Matadi
Palayaw: 
The Stone City
Matadi is located in Democratic Republic of the Congo
Matadi
Matadi
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 5°49′03″S 13°28′15″E / 5.81750°S 13.47083°E / -5.81750; 13.47083
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganKongo Central
Itinatag1879
Pamahalaan
 • AlkaldeJean Marc Nzayidio
Lawak
 • Kabuuan110 km2 (40 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2007)
 • Kabuuan306,053
Sona ng orasUTC+1

Ang Matadi ay ang pangunahing pantalang pandagat ng Demokratikong Republika ng Congo at ang kabisera ng lalawigan ng Kongo Central. May populasyon ito na 245,862 katao noong 2004. Matatagpuan ang Matadi sa kaliwang pampang ng Ilog Congo 148 kilometro (92 milya) mula sa bukana ng ilog at 8 kilometro (5.0 milya) sa ibaba ng pinakahuling malalayagang punto sa ilog bago ang mga hindi mararaanang matutulin na agos sa itaas ng ilog. Itinatag ito ni Sir Henry Morton Stanley noong 1879.

Ang salitang Matadi ay nangangahulugang "bato" sa katutubong wikang Kikongo.

Mga kabahayan sa Matadi noong 1899
Pantalan ng Matadi noong 1942

Itinatag ni Sir Henry Morton Stanley ang Matadi noong 1879. Ito ay estratehikong mahalaga sapagkat ito ay ang huling madadaanang pantalan sa Ilog Congo at dahil diyan ang pinakamalayong pantalang panloob sa Malayang Estado ng Congo. Dahil sa pagtatayo ng Daambakal ng Matadi–Kinshasa na itinayo sa pagitan ng 1890 at 1898, naging posible ang pagdadala ng mga produkto mula sa pinakaloob-looban ng Congo papuntang Matadi at ang lungsod ay naging isang mahalagang sentro ng pangangalakal. Ang mga kapakinabangang komersiyo ng Portuges at Pranses ay nagpaimpluwensiya sa arkitektura at disenyiong urbano ng lungsod na hiniram mula sa mga kalapit na kolonya sa Angola at Congo-Brazzaville.[1]

Datos ng klima para sa Matadi
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 33
(91)
33
(92)
34
(94)
34
(93)
33
(91)
30
(86)
28
(83)
29
(84)
30
(86)
32
(90)
33
(91)
32
(90)
32
(89)
Katamtamang baba °S (°P) 24
(76)
24
(76)
24
(76)
24
(76)
24
(75)
22
(71)
20
(68)
21
(69)
22
(72)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
23
(74)
Katamtamang presipitasyon cm (pulgada) 13
(5)
10.9
(4.3)
16.8
(6.6)
18.8
(7.4)
6.1
(2.4)
0.3
(0.1)
0.3
(0.1)
0.3
(0.1)
0.8
(0.3)
2.8
(1.1)
17
(6.7)
14.7
(5.8)
101.1
(39.8)
Sanggunian: Weatherbase[2]

Imprastraktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsisilbing isa sa mga pinakamalaking daungan ang bunganga ng Ilog Congo. Maliban sa Matadi, na pinakamalayo pasalungat sa agos, tatlong mga pantalang lungsod ang matatagpuan sa lugar na ito, ang iba pa ay Boma at Banana sa DR Congo at Soyo sa Angola. Nagsisilbing pangunahing lugar ng pagangkat at pagluwas ang Matadi para sa buong bansa. Pangunahing mga iniluluwas ay kape at tabla. Ginagamit ng "Permarza", ang kompanyang pangingisda na pag-aari ng estado, ang pantalan upang magtustos ng isda sa Kinshasa. Malapit ang Paliparan ng Tshimpi ngunit iniulat na hindi aktibo dahil sa patuloy na kaguluhan.

Tulay ng Matadi

Ang Tulay ng Matadi, isang 722 metrong nakasuspindeng tulay na itinayo noong 1983 at may pangunahing kahabaan na 520 metro, ay tumatawid sa ilog sa bandang timog ng Matadi, ar nagdadala ng pangunahing daan na nag-uugnay ng Kinshasa sa baybaying-dagat. Pagkaraang dumaan ito sa lungsod at sa tulay, tutuloy ito sa Boma, Muanda at Banana. Bagamat itinayo ito bilang pinaghalong tulay pandaan at pandaambakal, walang ipinapatakbong linya ng daambakal sa tulay sa kasalukuyan. Ang Matadi ay pantalan at dulo ng daanan ng riles para sa 366 na kilometrong Daambakal ng Matadi–Kinshasa, na itinayo upang malagpasan ang mga batuhan (rapids) sa dakong itaas ng ilog. Nakatayo sa isang kalapit na burol ang isang bantayog para sa mga nagtayo ng daambakal.

Isang planta ng kuryente sa Ilog M'pozo ang nagtutustos ng kuryente sa lungsod ng Matadi.

Tanawin ng pantalan ng Matadi mula sa kalayuan.

Ang pinakamababang lubog ng daungan ay 8.2 metro.[3] Ang Hukbong Dagat ng Demokratikong Republika ng Congo ay nagpapanatili ng isang gumaganang mando sa pantalan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. History of architecture: city, architecture and colonial space in Matadi and Lubumbashi, Sofie Boonen, http://symposium.fea.ugent.be/sites/symposium.elis.ugent.be/files/phdsymposium/paper450abstract_42.pdf Naka-arkibo 2014-07-14 sa Wayback Machine.
  2. "Weatherbase: Historical Weather for Matadi, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2019. Nakuha noong 14 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.e-ships.net/ports/Congo%20(Democratic%20Republic)/1148.htm

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Matadi mula sa Wikivoyage

05°49′00″S 13°29′00″E / 5.81667°S 13.48333°E / -5.81667; 13.48333









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Matadi

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy