Content-Length: 97992 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Material_Design

Material Design - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Material Design

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga madalas makitang UI elements sa Material Design

Ang Material Design (codename Quantum Paper)[1] ay isang design language na ginawa noong 2014 ng Google. Ito ay pagpapalawig ng mga temang "cards" na makikita sa Google Now. Malaya itong gumagamit ng layout na base sa grid, mabilis ang mga transisyon at paggalaw, may padding, at gumagamit ng mga effects gaya ng lalim, anino, at liwanag.

Ito ay inanunsyo ng Google noong ika-25 ng Hunyo 2014, sa 2014 Google I/O conference.

Ipinaliwanag ng tagadesenyong si Matías Duarte na, "hindi tulad ng tunay na papel, ang aming digital material ay lumalaganap at nababago nang may talino. Ang material ay may pisikal na lapad at gilid. Ang lalim at anino ay nagbibigay pahiwatig kung ano ang mga pwede pindutin." Sinabi ng Google na ang kanilang panibagong design language ay base sa tinta at papel.[2][3][4]

Ang Material Design ay maaaring gamitin sa API Level 21 (Android 5.0) at mas bago o gamit ang v7 appcompat library, na halos ginagamit sa lahat ng mga Android devices na ginawa pagkaraan ng 2009.[kailangan ng sanggunian] Ang Material Design ay inaasahan na mapalawig sa iba't-ibang mga produkto ng Google, na magbibigay ng naaayon na karanasan sa lahat ng mga platforms at applications. Ang Google ay nagpalabas din ng mga application programming interfaces (APIs) para sa mga third-party developers upang maisakatuparan ang design language sa kanilang mga applications.[5][6][7]Ang pangunahing layunin ng material design ay ang paggawa ng panibagong visual language na sinasama ang mga prinsipyo ng mabuting desenyo at pagbabagong teknikal at siyentipiko.

Implementasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula noong 2015, ang lahat ng mga Android applications ng Google ay napakinabangan ang panibagong design language, tulad ng Gmail, YouTube, Google Drive, Google Docs, Sheets at Slides, Google Maps, Inbox, at Google+. Kasama na rin ang mga desktop web-interfaces ng Google Drive, Docs, Sheets, Slides at Inbox. Kamakailan lamang, ito rin ay naisakatuparan sa Chrome OS, na makikita sa system settings, file manager, at calculator apps.

Ang autorisadong implementasyon ng Material Design para sa web application user interfaces ay binigyan ngalang Polymer.[8] Binubuo ito ng Polymer library, isang shim na naglalaan ng Web Components API para sa mga browser na walang likas na implementasyon ng standard, at ng elements catalog, kasama ang "paper elements collection" na tampok ang mga visual elements ng Material Design.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Exclusive: Quantum Paper And Google's Upcoming Effort To Make Consistent UI Simple". Techcrunch. Nakuha noong 11 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Google's new 'Material Design' UI coming to Android, Chrome OS and the web". Engadget. Nakuha noong 26 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Google's New, Improved Android Will Deliver A Unified Design Language". Co.Design. Nakuha noong 26 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Google Reveals Details About Android L at Google IO". Anandtech. Nakuha noong 26 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Chris Smith (30 Hulyo 2014). "Google's Material Design is about to change the way we look at the worldwide web". BGR. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2014. Nakuha noong 9 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "We just played with Android's L Developer Preview". Engadget. AOL. Nakuha noong 26 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Google's next big Android redesign is coming in the fall". The Verge. Vox Media. Nakuha noong 26 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Polymer paper elements". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-14. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Material design with Polymer". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-20. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Material_Design

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy