Content-Length: 319716 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Mayo_2010

2010 - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

2010

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mayo 2010)
Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1980  Dekada 1990  Dekada 2000  - Dekada 2010 -  Dekada 2020  Dekada 2030  Dekada 2040

Taon: 2007 2008 2009 - 2010 - 2011 2012 2013

Ang 2010 (MMX) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Biyernes sa kalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-2010 na taon ng mga pagtatalagang Anno Domini o Karaniwang Panahon; ang ika-10 taon ng ikatlong milenyo at ang ika-21 dantaon; at ang unang taon ng dekada 2010.

  • Marso 7 – Idinaos ang Halalan Parlamentaryo sa Iraq, kung saan nakakuha ang Pambansang Kilusan ng mga taga-Iraq, na pinamumunuan nidating punong ministro Ayad Allawi ng pinakamaraming boto at ng 91 sa 325 upuan sa Parlamento, batay sa pinakahuling resulta nito noong Marso 29. Naganap rin sa bansa ang pagsabog ng dalawang bomba sa kasagsagan ng halalan na pumatay ng hindi bababa sa 38 katao.
  • Marso 14Estados Unidosː Sinimulan ng opisyal ng Departamento ng Depensa ng Estados Unidos na si Michael Furlong ang isang grupo ng mga kontratista upang subaybayan at pumatay ng mga militante sa Pakistan at Afghanistan.
  • Marso 20Icelandː Eyjafjallajökull, unang yugto ng pagsabog. Abril 14, ang abong bulkaniko mula sa isa sa mga pagsabog sa ilalim ng Bundok Eyjafjallajökull, ang takip na yelo sa naturang bansa, ay nagbunga ng ulap na abo, at nagsimulang gumambala ng paglalakbay sa himpapawid sa buong hilaga at kanlurang Europa.
  • Marso 24 – Nagkasundo ang Estados Unidos at Rusya na ibaba ang limitasyon sa pinalawak na mga estratehikong warhead at launcher ng 25% at 50%, ayon sa pagkakasunod, at ipatupad rin ang isang bagong rehimeng inspeksyon.
  • Marso 26Timog at Hilagang Koreaː Lumubog sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa ang Cheonan, isang barko (corvette) ng hukbong-dagat ng Republika ng Korea, na ikinasawi ng 46 mandaragat. Sa isang pagsisiyasat na isinagawa ng militar ng Timog Korea, lumabas na sinira ang barko sa pamamagitan ng isang torpedo ng Hilagang Korea.
  • Marso 29Rusyaː Hiwalay na pinasabog ng dalawang babaeng nagpatitiwakal na pagsasabog ang mga bomba sa dalawang estasyon ng subway sa Moscow sa loob lang ng ilang minuto, na ikinasawi ng hindi bababa sa 39 na katao.
  • Abril 4
    • Sinagip ng tripulanteng nagliligtas ang 34 kataong kabilang sa mga nakulong sa binahang minahan ng karbon sa Tsina mula noong Marso 28.
    • Niyanig ng 7.2 kalakhang lindol ang mga estado ng Baja California, Mehiko at California, Estados Unidos, sa lalim na 10 km at sinasabing nagtagal ng isang minuto,[5] na ikinasawi ng dalawang tao.
  • Abril 5
    • Naglunsad ang mga militante ng isang pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Pakistan. Anim na taga-Pakistan ang nasawi at 20 ang nasugatan. Hindi bababa sa limang nagtitiwakal na pagsasabog ang nagsagawa ang pag-atake. Inako ni Azam Tariq, tagapagsalita ng Pakistani Taliban, ang responsibilidad sa pag-atake, na aniya'y ganti sa pag-atake ng misil ng Amerika at mga operasyong militar ng Pakistan sa lugar.
    • Estados Unidosː Nasawi ang hindi bababa sa 25 katao at 4 ang nawawala sa pagsabog sa minahan sa Kanlurang Virginia.
  • Abril 7 – Nilisan ni Pangulong Kurmanbek Bakiyev ng Kyrgyzstan ang kabiserang Bishkek sa gitna ng malagim na mga protesta at demonstrasyon. Humalili sa kapangyarihan bilang nag-aaktong pangulo ang dating ministeryo ng panlabas na ugnayan na si Roza Otunbayeva, na gumaganap bilang pinuno ng oposisyon. Halos 70 tao ang namatay at higit sa 400 nasugatan sa girian ng hukbo ng pamahalaan at demonstrador sa mga lansangan, na nag-ugat sa matinding pagtaas sa mga presyo ng bilihin at katiwalian sa pamahalaan.
  • Abril 8 – Nilagdaan nina Pangulo Barack Obama ng Estados Unidos at Pangulo Dmitry Medvedev ng Russia ang kasunduan sa pagbabawas ng armas at nagkasundong kumilos sa nagkaisang anyo laban sa banta ng programang nukleyar ng Iran, na ang kasunduang ito ay tinawag na Bagong Simula o New Start.
  • Abril 10 -- Nasawi ang 96 katao, kabilang ang Pangulo ng Polonia, Lech Kaczynski, at ang kanyang asawa, na lulan ng bumagsak na eroplanong biyahe mula Polania sa Smolensk, Rusya, habang sinusubukang lumapag sa makapal na hamog.
  • Abril 14 – Niyanig ng 6.9 magnitud na lindol ang katimugang bahagi ng lalawigan ng Qinghai, China, na ikinasawi ng 2,968 katao at nasa 10,000 ang sugatan.
  • Abril 20Estados Unidosː Sumabog ang plataporma ng barenahan ng langis Deepwater Horizon sa Gulpo ng Mehiko, na pumatay ng 11 manggagawa. Nagresulta ito sa tinaguriang Horizon oil spill (Gulf Coast oil spill) o pagtagas ng langis ng Horizon, isa sa mga pinakamalaki sa kasaysayan, na tumagal ng maraming mga buwan.
  • Mayo 1 – Binigyan ng pinansiyal na suporta ng Unyong Europeo ang Gresya na naharap sa malubhang pinansiyal na paghihirap o pagkabangkarote. Bunsod nito, libu-libo ang nagmartsa sa Athenas at iba pang mga lungsod upang tutulan ang plano ng pamahalaan upang bawasan ang paggasta para sa pampublikong-sektor.
  • Mayo 3
    • Inalok ng Punong Ministro ng Thailand na si Abhisit Vejjajiva na magdaos ng maagang halalan na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga raliyista na tapat sa dating punong ministro Thaksin Shinawatra, na tinawag na mga red shirt o pulang kamiseta, ngunit tinanggihan nila ito.
    • Estados Unidosː Nasawi ang hindi bababa sa 24 katao sa matinding pagbaha sa mga bahagi ng Tennessee (nagsimula noong Abril 30), Kentucky, at Mississippi, matapos ang dalawang araw ng matinding pag-ulan.
  • Mayo 5New York, Estados Unidosː Ibinenta ang pintang Nude, Green Leaves and Bust ni Pablo Picasso sa halagang $106.5 milyon, isang bagong tala sa pagsusubasta ng mga likhang sining.
  • Mayo 8Rusyaː Hindi bababa sa 43 katao ang nasawi sa dalawang pagsabog sa minahan sa lungsod ng Mezhdurechensk, Siberia.
  • Mayo 10
  • Mayo 11 – Nahalal bilang Punong Ministro ng Britanya si David Cameron matapos magbitiw si Gordon Brown, na inihayag ng huli noong Mayo 10.
  • Mayo 19
    • Nagtapos sa isang madugong pagsupil at paghawi ng militar kilussang Pulang Kamiseta o Red Shirt movement ang serye ng mga protesta sa Bangkok, Thailand, na nagsimula pa noong Abril, na humantong sa pagkamatay ng 91 at mahigit sa 1,800 ang nasugatan.[7][8][9][10]
    • Nagkasundo ang Estados Unidos, Rusya, Tsina, at iba pang bansa na magpataw ang ikaapat na hanay ng mga parusa sa programang nukleyar ng Iran, sa isang pagtatangka upang ihinto ang bansa mula sa pagpapasagana ng uranyo.
  • Mayo 31
    • Siyam na tao ang namatay matapos lusubin ng isang kumando ng hukbong-dagat sa Israel ang munting plota ng mga barkong kargamento at mga pampasaherong bangka, na pawang maka-Palestino, na tutungong Gaza upang magbigay ng tulong at mga panustos sa lugar.
    • Nilamon ng sinkhole o uka sa lupa na may 20 metro ang lapad at 204 talampakang malalim, ang isang tatlong-palapag na gusali sa Lungsod ng Guatemala matapos tumama ang Bagyong Agatha sa Gitnang Amerika sa ibabaw ng katapusan ng linggo. Ikinasawi ng tatlong tao.
  • Hunyo 1 – Siyam na buwan lamang sa kanyang termino bilang Punong Ministro ng Hapon, ipinahayag ni Yukio Hatoyama ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin, ikaapat na punong ministro ng bansa na nagbitiw sa loob lamang ng apat na taon.
  • Hunyo 9 – Pandaigdigː Ipinasa ng Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa ang isa pang hanay ng mga ipapataw na parusa laban sa programang nukleyar ng Iran sa pag-asang mapigilan pa ito.
  • Hunyo 11Hulyo 11 – Ginanap ang 2010 FIFA World Cup sa Johannesburg, Timog Aprika. Nagwagi rito ang Espanya kontra Netherlands, 1-0, kung saan nakapuntos sa bandang huli ang una sa ika-129 minuto sa overtime o sobra sa oras ang una na nagpanalo ng kanilang titulo, Hulyo 11.
  • Hunyo 11 – Estados Unidosː Hindi bababa sa 16 mga tao ang nasawi at dose-dosena ang nawawala matapos na hindi inaasahang rumagasa ang baha ang paligid ng kampo sa Arkansas.
  • Hunyo 13 – Natuklasan ng Estados Unidos ang higit sa $1 trilyon sa mga mapagkukunang mineral sa mga bundok ng Afghanistan, na napakahigit pa kaysa inaasahan o dating tantiya.
  • Hunyo 17 – Tumindi ang mga labanan sa lansangan sa pagitan ng etnikong Kyrgyz at mga minoryang Uzbek sa lungsod ng Osh, Kyrgyzstan na nag-iwan ng hindi bababa sa 200 katao ang namatay. Tumaas pa ang bilang nito sa 2,000, Hunyo 24.
  • Hunyo 20
    • Tatlong Kumandong Australyano at isang kawal ng Estados Unidos ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter crash sa baku-bakong lupain sa hilagang Kandahar, Afghanistan.
    • Estados Unidosː Sa isang sorpresang tagumpay, nagwagi si Graeme McDowell sa golp na U.S. Open sa Pebble Beach Golf Links sa California.
  • Hunyo 30 – Pinasinayaan si Benigno S. Aquino III bilang ang ika-15 Pangulo ng Pilipinas sa Panoorang Quirino, Maynila.[11]
  • Hulyo 3 – Nagwagi ng titulo ang Amerikanong kampeon sa tenis na si Serena Williams sa wakas ng Pambabaeng Wimbledon.
  • Hulyo 9 – Nagkasundo ang Estados Unidos at ng Rusya na sumasang-ayon at ipatupad ang palitan ng mga nahuling tiktik, matapos madiskubre at ibilanggo ang 10 Rusong ispiya na nagpapanggap bilang sibilyan sa Estados Unidos.
  • Hulyo 11 – Namatay ang hindi bababa sa 70 sa isinagawang mga pambobomba sa grupo ng mga tagahanga ng soccer sa Uganda, na inako ng Shabab, isang grupo ng rebolusyonaryong Islamiko na nag-aalsang pangkat mula Somalia.
  • Hulyo 18 -- Nasawi ang hindi bababa sa 63 mga tao at sugatan ang higit sa 100 iba pa sa banggaan sa pagitan ng tren na ekspres at pampasaherong tren sa isang himpilan sa Kanlurang Bengal, Indya.
  • Hulyo 24 – Namatay ang 21 katao ay namatay at 500 pa ang nasugatan sa pagpapanakbuhan sa isang pistang musika sa Alemenya na tinawag na Love Parade.
  • Hulyo 25
    • Pandaigdigː Isiniwalat sa publiko ng WikiLeaks, isang samahan na naghahanap at naglalathala ng mga sensitibo o mga lihim na datos ng pamahalaan, ang 77,000 lihim na talaksan ng militar ng Estados Unidos ng Amerika tungkol sa kaugnayan nito sa Digmaan sa Afghanistan.
    • Franceː Nagwagi si Alberto Contador sa Tour de France.
  • Hulyo 26 – Nagsimula ang malawakang pagbaha sa Pakistan matapos ang pag-ulang monsoon na nagdulot ng pag-apaw ng palanggana ng Ilog Indus, nagpalubog sa baha ng halos sang-kalima ng bansa at ikinasawi ng nasa 2,000 mga tao. Inanunsyo ng pamahalaan na 20 milyong tao ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bansa, Agosto 14.
  • Hulyo 28 – Bumagsak ang eroplanong patungong Islamabad, Pakistan sa paanan ng kabundukan ng Himalaya malapit sa kabisera, na ikinasawi ng lahat ng lulang 152 pasahero at mga miyembro ng tripulante.
  • Hulyo – Isang Eklipse ng Araw ay naganap.
  • Agosto 3Estados Unidosː Sinunog ni Omar Thornton, empleyado, ang imbakan ng pinagtatrabahuang kumpanya na Hartford Distributors sa Manchester, Connecticut, na ikinasawi niya at 8 iba pa.
  • Agosto 5Oktubre 13Chileː Nakulong ang 33 minero sa minahan ng tanso sa San José sa ilan ng Atacama sa bumigay na bahagi ng minahan sa lalim na 2,300 talampakan (700 metro), Agosto 5. Natagpuan at nasagip ang lahat ng mga minero makalipas ang 69 araw (10 linggo), noong Oktubre 12 at 13.
  • Agosto 6 – Naitalang higit sa 52 tao na ang nasawi sa higit 800 wildfire o napakalaking sunog na kumalat sa ibayo ng Rusya at nagsimula noong Hunyo.
  • Agosto 10Estados Unidosː Nasawi ang 4 katao, kabilang ang dating Senador na si Ted Stevens, sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano sa liblib na lugar sa Alaska.
  • Agosto 17Iraqː Binomba ng nagtitiwakal na pagsasabog ang isang tanggapan ng Hukbong Iraq, na pumatay ng hindi bababa sa 48 mga bagong kaanib na hukbo at mga sundalo, at 120 iba pa ang nasugatan. 
  • Agosto 18 – Inihayag ng Departamento ng Estado ng Estados Unidos na dadagdagan nito ang presensya ng mga sibilyan kontratista sa taong 2011 habang naghahanda ang militar na iwanan ang bansa.
  • Agosto 23Canadaː Nasunog ang halos 291,700 ektaryang kagubatan sa British Columbia.
  • Agosto 25 – Setyembre – Ipo-ipong Earl: Nabuo sa karagatan ng mga Pulo ng Kabo Berde noong Agosto 25. Lumakas hanggang Agosto 29, at nanalasa sa hilagang bahagi ng Kapuluang Leeward at puminsala sa lugar. Bumilis noong Setyembre 2. Marami ring nasawi sa New Jersey, Massachusetts at Florida sa Estados Unidos dahil sa mga alon sa dagat. Sa Nova Scotia at Canada kung saan ito tumama sa kalupaan bilang kategorya 1 na ipo-ipo o hurricane, isang tao ang nalunod at daang libong katao ang nawalan ng kuryente.
  • Agosto 30Mehikoː Nadakip si Edgar Valdez Villareal, alyas "El Barbie," notoryus na kingpin ng droga, ng Mehikanong Pedera na Pulis malapit sa Lungsod ng Mehiko.[12][13]
  • Setyembre – Mehikoː Sinibak ng Ciudad Juárez ang 400 tiwaling opisyal ng pulisya kaugnay ng digmaan kontra-droga sa bansa.
  • Setyembre 3 – Niyanig ng 7.1 kalakhang lindol ang lungsod ng Christchurch, Australya, na nagbunsod ng malawakang pinsala.
  • Setyembre 12 – Nakalaya sa piyansang $500,000 ang babaeng Amerikanong tapaglakad na si Sarah Shourd, na nabilanggo sa Iran sa kasong paniniktik sa loob ng higit isang taon , kasama ang dalawang lalaking Amerikano na kaibigan nitong sina Shane Bauer at Joshua Fattal.
  • Setyembre 28
    • Hilagang Koreaː Pinasigasig ng Pyongyang ang pagtitipon upang markahan ang ika-65 anibersaryo ng makapangyarihang Partido Komunista kung saan binasbasan si Kim Jong Un bilang kahalili ng kanyang ama, na noo'y may sakit, na si Kim Jong Il.
    • Gumuho ang lupa sa rehiyon ng Oaxaca sa Mexico kasunod ng mahabang panahon ng malakas na ulan, na naglibing sa daan-daang mga tahanan. Hindi bababa sa 11 katao ang nawawala.
  • Oktubre 4 – Sumabog ang isang imbakan ng putik sa Hungary, na nagpakawala ng 200 milyong galon ng nakalalasong putik sa mga kalsada ng tatlong baryo, at ikinasawi ng 8 katao at maraming iba pa ang sugatan.
  • Oktubre 11Afghanistanː Pinaniniwalaang aksidenteng nasawi ang Britong manggagawang katuwang na si Linda Norgrove, isang bihag ng Taliban, sa isang salakay na nagliligtas ng Amerika.
  • Oktubre 17Batikanoː Kanonisasyon ni Papa Benito XVI sa anim na bagong hirang na mga Santo sa Liwasan ni San Pedro:
    • André Bessette, isang Pranses-Kanadyano na layko ng Kongregasyon ng Banal na Krus mula sa Canada.
    • Candida Maria of Jesus, isang madre at guro mula sa Espanya.
    • Mary MacKillop, isang Romano Katolikong madre na mula sa Australya na isa sa mga tagapagtatag ng Mga Kapatid na Babae ni San Jose ng Banal na Puso (mga Josefina) na isang kongregasyon ng mga madre.
    • Giulia Salzano, isang Romano Katolikong madre mula sa Italya na tagapagtatag ng Katetikal na mga Kapatid na Babae ng Banal na Puso ni Jesus.
    • Stanisław Kazimierczyk, isang Romano Katolikong regular na kanon, teologo at mangangaral mula sa Polonia.
    • Camilla Battista da Varano, isang prinsesa, at madre at abadesa ng Orden ni Santa Clare mula sa Italya.
  • Oktubre 19
    • Pransyaː Nagsagawa ng malawakang welga ang mga nasa 1.1-3.5 milyong tao (pinakamarami sa taong ito) na tumututol sa isang plano na madagdagan ang gulang ng pagreretiro nang dalawang taon,[14] bahagi ng serye ng mga welga na nagsimula noong unang bahagi ng taon.
    • Mehikoː Nasamsam ng Mehikanong puwersang seguridad sa bayan sa hangganan ng Tijuana, ang 105 tonelada ng marijuana na tinangkang ipupuslit patungong Estados Unidos, na may tinatayang halagang $340 milyon, noo'y ang pinakaalaking pot bust sa bansa as nakaipas na mga taon.[15]
    • Nagkita ang nangungunang mga kasapi ng Taliban sa Afghanistan, at si Pangulong Hamid Karzai at ang kanyang mga tagapayo, upang talakayin ang pagwawakas ng siyam na taong digmaan sa bansa.
  • Oktubre, kalagitnaan -- Reino Unidoː Ipinahayag ng bagong pamahalaang Konserbatibo sa London ang $128 bilyon na pagtapyas sa badyet, na nagduot ng kalituhan sa publiko.[16]
  • Oktubre 22 – Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang itinuring na pinakamalaking nauuuring pagbubunyag na militar sa kasaysayan. Idinokumento ng 391,832 ulat na tinawag na The Iraq War Logs ang digmaan at pananakop sa Iraq, mula 2004 hanggang 2009 tulad ng sinabi ng mga sundalo ng Hukbo ng Estados Unidos.[17]
  • Oktubre 25 –  Ang lindol na may lakas na 7.8 magnitud at ang ibinungang tsunami sa dalampasigan ng Sumatra at Isla ng Mentawai (Rehiyon ng Kepulauan Mentawai) sa Indonesia. Bilang ng kumpirmadong nasawi ay 503.
  • Oktubre 26 – Disyembre – Indonesiaː Nagsimula rin ang ilang linggong pagputok ng Bulkang Merapi sa Gitnang Java na pumatay ng mahigit sa 130 katao at nakaapekto sa mga nasa 300,000 mga tao.
  • Oktubre 29 – Natagpuan ang hinihinalang parsela na naglalaman ng mga gamit sa pampasabog, sa isang eroplano na nagmula sa Yemen at patungong Estados Unidos.
  • Oktubre 31Iraqː Namatay ang 58 katao at marami pa ang sugatan sa pagsalakay ng mga kasapi ng Al Qaeda sa isang simbahan sa Baghdad.
  • Nobyembre 8 – Ipinahayag ni Pangulong Obama ang suporta ng Indya para sa permanenteng upuan nito sa Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa.
  • Nobyembre 13 – Pinalaya ang icon ng demokrasya na si Aung San Suu Kyi mula sa aresto sa bahay sa Myanmar.
  • Nobyembre 16Britanyaː Nagkasundong magpakasal si Prinsipe William kay Kate Middleton.
  • Nobyembre 22
    • Inihayag ni Punong Ministro Brian Cowen ng Ireland na bubuwagin niya ang kanyang pamahalaan at magdadaos ng isang bagong halalan matapos ang pagpasa ng badyet ng 2011.
    • Hindi bababa sa 300 tao ang namatay at daan-daan pa ang nasugatan sa isang pagpapanakbuhan sa panahon ng taunang pista ng tubig sa Cambodia na naganap matapos matakot ang mga tao nang magsinulang gumalaw ang tulay.
  • Nobyembre 23
    • Inilunsad ng Hilagang Korea ang pagpapakawala ng artilerya sa Isla ng Yeonpyeong, Timog Korea, na ikinasawi ng apat na taga-Timog Korea na kinabibilangan ng dalawang sibilyan at dalawang marino. Labinwalong iba pa ang nasugatan.
    • Idineklarang patay ang 29 minero na nakulong sa ilalim ng lupa matapos ang pagsabog sa minahan ng tanso sa Ilog Pike sa New Zealand makalipas ang limang araw.
  • Nobyembre 28 – Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang higit sa 200,000 cableng diplomatiko ng Estados Unidos sa isang maliit na bilang ng mga kumpanyang midya. Ipinakita nito ang mga dating lihim na impormasyon sa pagkalap ng intelihensya at istratehiyang pampulitika at militar ng Amerika.[18]
  • Disyembre 2 – Naipanalo ang Rusya ang imbitasyon nito bilang punang-abala para sa 2018 World Cup, habang gagampanan ng Qatar ang mga tungkuling host para sa pandaigdigang torneo ng sipaang-bola sa 2022, ang unang bansa sa Gitnang Silangan para sa torneo.
  • Disyembre 6 – Inaresto ng pulisya ng Britanya ang tagapagtatag ng WikiLeaks na si Julian Assange, isang dating mamamahayag na mula sa Australia, sa London dahil sa di-umano'y pag-atakeng sekswal sa Sweden, na ayon sa kanyang mga abogado, ang mga kaso ay inimbento lamang para masira ang kanyang reputasyon.
  • Disyembre 21 – Buong eklipse ng buwan ay naganap,
  • Enero 1 – Lhasa De Sela, Amerikanong mang-aawit at sumusulat ng kanta (ipinanganak 1972)
  • Enero 4
    • Johan Ferrier, unang Presidente ng Suriname (ipinanganak 1910)
    • Tsutomu Yamaguchi, isang Hapones na nakaligtas sa atomikong pambobomba ng Hiroshima at Nagasaki (ipinanganak 1916)
  • Enero 5 – Kenneth Noland, Amerikanong pintor ng abstract o basal (ipinanganak 1924)
  • Enero 8 – Monica Maughan, Australyanong aktres (ipinanganak 1933)
  • Enero 11 – Miep Gies, Olandes na pilantropo
  • Enero 13 – Teddy Pendergrass, Aprikanong-Amerikanong mang-aawit ng R&B at soul
  • Enero 21 – Jean Simmons, Britong aktres
  • Enero 22 – Mahmud Iskandar Ismail, ika-8 Hari ng Malaysia (ipinanganak 1932)
  • Enero 25 – Ali Hassan al-Majid, Iraqi na politiko at komandante ng militar, binansagang "Chemical Ali" at kaagapay ni Saddam Hussein (binitay sa Iraq.) (ipinanganak 1941)
  • Enero 27
  • Enero 29 – Tom Brookshier, Amerikanong manlalaro ng sipaang-bola at isang mamamahayag ng palakasan
  • Pebrero 10 – Charlie Wilson,  Amerikanong politiko.
  • Pebrero 11 – Alexander McQueen, Britong tagadisenyo ng moda.
  • Pebrero 12 – Nodar Kumaritashvili, luger mula sa Republika ng Georgia, (nasawi sa aksidente sa pag-e-ensayo sa 2010 Winter Olympics.) 
  • Pebrero 20 – Alexander Haig, ika-59 Kalihim ng Estado ng Estados Unidos
  • Marso 10 – Corey Haim, Kanadyanong aktor
  • Marso 20 – Stewart Udall, Amerikanong politiko
Juan Antonio Samaranch
  • Abril 6 – Anatoly Dobrynin, Sobyet na diplomata at politiko (ipinanganak 1919)
  • Abril 10
    • Dixie Carter[19], Amerikanong aktres.
    • Lech Kaczyński, Pangulo ng Polanya.
  • Abril 19 – Guru, Amerikanong nagrarap
  • Abril 20 – Dorothy Height, Amerikanong aktibista ng karapatang sibil
  • Abril 21 – Juan Antonio Samaranch, Kastilang opisyal ng palakasan (ipinanganak 1920)
  • Abril 24 – Elizabeth Post[20], manunulat tungkol sa etiketa
  • Mayo 2 – Lynn Redgrave, Britong aktres
  • Mayo 5 – Umaru Musa Yar'Adua, ika-13 Pangulo ng Nigeria (ipinanganak 1951)
  • Mayo 9 – Lena Horne, Amerikanong mang-aawit at aktres
  • Mayo 24 – Paul Gray, Amerikanong musikero (ipinanganak 1972)
  • Mayo 28 – Gary Coleman, Amerikanong aktor, nagboboses at komedyante (ipinanganak 1936)
  • Mayo 31
    • Chris Haney, Kanadyanong na mamamahayag na lumikha ng larong tabla na Trivial Pursuit
    • Mustafa Abu al-Yazid, pinuno at kapwang tagapagtatag ng Al Qaeda sa Afghanistan. (Napatay sa isang pag-atake ng drone ng mga Amerikano sa Pakistan)
  • Hunyo 3 – Rue McClanahan,[21] Amerikanong aktres
  • Hunyo 4 – John Wooden, Amerikanong manlalaro ng basketbol
  • Hunyo 18 – José Saramago, Portuges na manunulat, pinagpipitagang nanalo ng Premyong Nobel
  • Hunyo 28 – Robert Byrd, Amerikanong politiko
  • Hulyo 13
    • Vernon Baker,[22] Amerikanong sundalo sa Hukbong-dagat ng Estados Unidos
    • George Steinbrenner, Amerikanong negosyante at may-ari ng koponan sa beysbol na New York Yankees
Francesco Cossiga
  • Agosto 8 – Patricia Neal, Amerikanong aktres
  • Agosto 9 – Ted Stevens,[23] Amerikanong politiko
  • Agosto 17 – Francesco Cossiga, ika-63 Punong Ministro at ika-8 Pangulo ng Italya (ipinanganak 1928)
Tony Curtis
  • Setyembre 12 – Claude Chabrol, Pranses na direktor ng mga pelikula
  • Setyembre 26 – Gloria Stuart, Amerikanong aktres
  • Setyembre 28 – Arthur Penn, Amerikanong direktor ng mga pelikula
  • Setyembre 29 – Tony Curtis, Amerikanong aktor (ipinanganak 1925)
Néstor Kirchner
  • Oktubre 11 – Joan Sutherland, Australyano mang-aawit sa opera (ipinanganak 1926)
  • Oktubre 16 – Barbara Billingsley, Amerikanong aktres.
  • Oktubre 19 – Tom Bosley, Amerikanong aktor.
  • Oktubre 20 – Bob Guccione, Amerikanong tagapaglathala (magasin na Penthouse)
  • Oktubre 27 – Néstor Kirchner, ika-54 Pangulo nf Arhentina (ipinanganak 1950)
  • Nobyembre 4 – Sparky Anderson, Amerikanong tagapamahal ng beysbol
  • Nobyembre 5 – Jill Clayburgh, Amerikanong aktres
  • Nobyembre 16 – Wong Tin-lam, direktor at prodyuser mula sa Hongkong (ipinanganak 1928)
  • Nobyembre 28 – Leslie Nielsen, Kanadyano-Amerikanong aktor
  • Disyembre 7 – Elizabeth Edwards, Amerikanong abogada at maybahay ni John Edwards (dating Amerikanong Senador)
  • Disyembre 15 – Blake Edwards, Amerikanong direktor ng mga pelikula

Gantimpalang Nobel

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kimika – Richard F. Heck, Ei-ichi Negishi at Akira Suzuki
  • Agham-Pangkabuhayan – Peter A. Diamond, Dale T. Mortensen at Christopher A. Pissarides
  • Panitikan – Mario Vargas Llosa
  • Pangkapayapaan – Liu Xiaobo (hindi niya nagawang matanggap ang Premyong Nobel para sa Kapayapaan dahil siya ay hinatulan ng 11 taon ng pagkabilanggo ng awtoridad Intsik)
  • Pisika – Andre Geim at Konstantin Novoselov
  • Medisina – Robert G. Edwards

Mayoryang mga publikong mga pista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming bansa ang mga pambansang pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bansa at araw ng kalayaan. Ito rin ay "espesyal na araw."

Kalendaryong Islam at Hudyoː Ang Kalendaryong Islam ay batay sa pagmamasid sa mga buwan; kaya, ang mga petsang nakasaad ay maaaring mag-iba nang isa o dalawang araw. Lahat ng mga paggunitang Islam at Hudyo ay magsisimula sa paglubog ng araw, sa araw bago ang petsang nakasaad.

Kalendaryong Hindu at Sikhː Mga petsa para sa mga paggunitang Sikh at Hindu ay nalalaman ayon sa petsa ng kanilang pagtalima sa India.

Mga okasyon sa makapal ay mga pederal at espesyal na pista na ipinagdiriwang din sa Estados Unidos.

Enero

  • Enero 1 - Araw ng Bagong Taon (ipinagdiriwang sa karamihan ng mga bansa)
  • Enero 1-3 - Ganatan-sai, Bagong Taong Shinto (Kalendaryong Hapon)
  • Enero 5 - Kaarawan ni Guru Gobind Singh Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Enero 6 - Epipanya (Paggunitang Kristiyano)
  • Enero 7 - Pasko (Ortodokso)
  • Enero 14
    • Makar Sakranti (Kalendaryong Hindu)
    • Maghi (Kalendaryong Sikh)
  • Enero 20 - Vasant Panchami (Kalendaryong Hindu)

Pebrero

  • Pebrero 2 - Araw ng Groundhog
  • Pebrero 12 - Maha Shiva Ratri (Kalendaryong Hindu)
  • Pebrero 14
  • Pebrero 16
  • Pebrero 17 - Miyerkules-de-Senisa (Paggunitang Kristiyano)
  • Pebrero 26 - Mawlid al-Nabi, Kaarawan ni Muhammad (Kalendaryong Islam)
  • Pebrero 28
    • Purim, Pista ng Lots (Kalendaryong Hudyo)
    • Holi, Isang piesta sa Indiya, hanggang Marso 1 (Kalendaryong Hindu)

Marso

  • Marso 1 - Hola Mohalla (Kalendaryong Sikh)
  • Marso 8 - Internasyunal na Araw ng Kababaihan
  • Marso 15 - Mga Idus ng Marso
  • Marso 16 - Bagong Taong Hindi (Kalendaryong Hindu)
  • Marso 17 - Araw ni San Patricio (Pambansang Publikong walang pasukan ng Irlanda, ipinagdiriwang din sa Estados Unidos at iba pang bansa)
  • Marso 21
    • Bagong Taong Baha'i (Kalendaryong Baha'i)
    • Noruz, Bagong Araw (Kalendaryong Zoroastrianismo)
  • Marso 24 - Rama Navami (Kalendaryong Hindu)
  • Marso 28
  • Marso 30 - Unang araw ng Paskuwa, Pista ng Tinapay na Walang Lebadura (7 araw, Kalendaryong Hudyo)

Abril

  • Abril 1
    • Huwebes Santo (Paggunitang Kristiyano)
    • Araw ng mga Naloloko ng Abril
  • Abril 2 - Biyernes Santo (Paggunitang Kristiyano)
  • Abril 3 - Sabado de Gloria (Paggunitang Kristiyano)
  • Abril 4 - Pasko ng Pagkabuhay (Paggunitang Kristiyano, ipinagdiriwang ng mga Simbahang Kristiyano sa Kanluran) Pascha (Ortodokso)
  • Abril 7 - Pandaigdigang Araw ng Kalusugan, anibersaryo ng pagkakatatag ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan
  • Abril 14 - Vaisakhi, paggunita sa pagkasilang ni Khalsa (Kalendaryong Sikh)
  • Abril 22 - Pandaigdigang Araw ng Mundo

Mayo

  • Mayo 1
  • Mayo 8 - Araw ng Liberasyon, Paggunita sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Sa Europa
  • Mayo 9 - Araw ng mga Ina
  • Mayo 13 - Araw ng Asensyon (Paggunitang Kristiyano at Ortodokso)
  • Mayo 19 - Unang araw ng Shavuot, Hebreong Pentekostes; o Pista ng mga Linggo, o ng Ani, o ng mga Unang Prutas. (Kalendaryong Hudyo)
  • Mayo 23
    • Pentekostes (Paggunitang Kristiyano, ipinagdiriwang ng mga Simbahang Kristiyano sa Kanluran at Ortodokso)
    • Deklarasyon ng Bab (Kalendaryong Baha'i)
  • Mayo 29 - Asensyon ni Baha Ullah (Kalendaryong Baha'i)
  • Mayo 30 - Linggo ng Trinidad (Paggunitang Kristiyano)

Hunyo

  • Hunyo 3 - Corpus Christi (Paggunitang Kristiyano)
  • Hunyo 16 - Kamatayan bilang isang martir ni Guru Arjan Dev Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Hunyo 20 - Araw ng mga Ama
  • Hunyo 27 (Huling Linggo ng Hunyo) - Internasyunal na Araw ng Pagmamalaki ng mga bakla at Lesbyana

Agosto

  • Agosto 11 - Unang araw ng buwan ng Ramadan (Kalendaryong Islam)

Setyembre

  • Setyembre 9 (8-10) - Unang araw ng Rosh Hashanah, Bagong Taon ng mga Hudyo (Kalendaryong Hudyo)
  • Setyembre 10 - Eid ul-Fitr; Katapusan ng buwan ng Ramadan (Kalendaryong Islam)
  • Setyembre 18 (17-18) - Yom Kippur, Araw ng Pagsisisi (Kalendaryong Hudyo)
  • Setyembre 22 - Pista ng Buwan (Kalendaryong Intsik)
  • Setyembre 23 - Unang araw ng Sukkot, Pista ng Tabernakulo, o ng Pagtitipon (7 araw, Kalendaryong Hudyo)
  • Setyembre 30 - Shemini AtzeretAsembliya ng Ikawalong Araw (Kalendaryong Hudyo)

Oktubre

  • Oktubre 8 - Navaratri (Kalendaryong Hindu)
  • Oktubre 31 - Halloween o Bisperas ng Todos los Santos

Nobyembre

  • Nobyembre 1 - Araw ng mga Patay (Paggunitang Kristiyano)
  • Nobyembre 5 - Diwali (Hindu), Mahavira Nirvana (Jain), o Bandi Chhor Divas (Sikh) (Isang pagdidiriwang ng mga Hindu, Jain at Sikh)
  • Nobyembre 12 - Kaarawan ni Baha Ullah (Kalendaryong Baha'i)
  • Nobyembre 15
    • Eid al-Adha, Pista ng Pag-aalay (Kalendaryong Islam, hanggang ika-16)
    • Shinchi-go-san no hi o Araw ng 7-5-3 (Paggunitang Hapon)
  • Nobyembre 21 - Kaarawan ni Guru Nanak Dev Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Nobyembre 24 - Kamatayan bilang isang martir ni Guru Tegh Bahadur Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Nobyembre 28 - Unang Linggo ng Adbiyento (Paggunitang Kristiyano)

Disyembre

  • Disyembre 2 - Unang araw ng Hanukkah, Pista ng mga Ilaw (8 araw, Kalendaryong Hudyo)
  • Disyembre 7 - Unang araw ng buwan ng Muharram, Bagong Taon ng mga Muslim (Kalendaryong Islam)
  • Disyembre 12 - Birhen ng Guadalupe
  • Disyembre 25 - Araw ng Pasko (Paggunitang Kristiyano)
  • Disyembre 31- Bisperas ng Bagong Taon

Mga Paggunita sa Ibang Bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Estados Unidos, mayroong sampung pederal na pista na itinakda ng kanilang batas. Apat dito ay itinakda sa petsa (Araw ng Bagong Taon, Araw ng Kalayaan [Hunyo 4], Veterans Day [Nobyembre 11], at Araw ng Pasko). Ang iba pa ay itinakda sa araw ng sanlinggo at buwan: Mga kaarawan nina Martin Luther King, Jr. [Enero 18] at Pangulong George Washington [Pebrero 22], Araw ng Pag-alala o Memorial Day [Mayo 31], Araw ng Paggawa [Setyembre 6], Araw ni Christopher Columbus [Oktubre 11], at Thanksgiving o Araw ng Pasasalamat [Nobyembre 25]. Ipinagdiriwang din sa bansa sa 2010 ang mga sumusunod (Tingnan din ang unang bahagi ng Mayoryang mga publikong mga pista

  • Mga paggunitang Islam at Hudyo.

Canada

  • Mayo 25 - Paggunita sa Kaarawan ni Reyna Victoria
  • Hulyo 1 - Araw ng Canada
  • Setyembre 6 (Unang Lunes ng Setyembre) - Araw ng Paggawa
  • Oktubre 11 - Araw ng Pasasalamat

Mehiko

  • Mayo 5 - Cinco de Mayo (Mehiko, ipinagdiriwang din sa Estados Unidos)
  • Setyembre 16 - Araw ng Kalayaan

Mga Bansa sa Pasipiko

Hapon

  • Pebrero 11 - Pambansang Araw ng Pagkakatatag
  • Abril 29 - Araw ng Luntian
  • Agosto 6 - Araw ng Hiroshima
  • Setyembre 15 - Araw ng Paggalan sa mga Matatanda

Europa

  • Marso 25 - Araw ng Kalayaan (Gresya)
  • Marso 14 (ika-4 na Linggo ng Panahon ng Kuwaresma) - Araw ng Pagiging Ina (Reino Unido)
  • Abril 30 - Paggunita sa Kaarawan ni Reyna Juliana (Netherlands)
  • Hunyo 2 - Anibersaryo ng Republika ng Italya
  • Hunyo 5 - Araw ng Konstitusyon (Denmark)
  • Hunyo 6 - Pambansang Araw (Sweden)
  • Hunyo 10 - Araw ng Portugal o anibersaryo ng kamatayan ni Luis de Camões
  • Hunyo 19 (ika-3 inggo ng Hunyo) - Opisyal na Kaarawan ni Reyna Elizabeth II (United Kingdom)
  • Hunyo 23 - Pambansang Araw, Opisyal na Kaarawan ni Gran Duke Jean (Luxembourg)
  • Hunyo 23-24 - Gabi ng Gitnang-tag-init at Araw ng Gitnang-tag-init
  • Hulyo 12 - Araw ng Kahel o Orangemen's (Orange) Day (Hilagang Ireland)
  • Hulyo 14 - Araw ng Bastille (Pransya)
  • Hulyo 21 - Pambansang Araw (Belgium)
  • Agosto 1 - Pambangsang Araw, anibersaryo ng Konpederasyong Suwiso (Switzerland)

Tsina

  • Abril 5 - Qingming, Pagpupuri sa mga patay.

Timog Korea

  • Agosto (araw ng buong buwan ng ika-8 buwang pang-buwan - Chusok, pista ng pag-aani

Oras ng Pagtitipid ng Liwanag ng Araw o Daylight Saving Time (piling mga bansa) - mula Marso 14 hanggang Disyembre 7

Mga Panahon para sa Hilagang Hating-globo, 2010

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ekwinoks sa Tagsibol: Marso 20, 1:32 P.M. EDT (17:32 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Aries; simula ng tagsibol.
  • Soltisyo sa Tag-araw: Hunyo 21, 7:28 AM EDT (11:28 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Cancer; simula ng tag-init.
  • Ekwinoks sa Taglagas: Setyembre 22, 11:09 P.M. EDT (03:09 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Libra; simula ng taglagas.
  • Soltisyo sa Tag-niyebe: Disyembre 21, 6:38 PM EST (23:38 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Capricorn; simula ng taglamig.

*Universal time (UT) o Unibersal na oras, na kilala rin bilang Greenwich mean time (GMT) o katamtamang oras sa Greenwich.

Sa bansang Hapon, Ipinagdiriwang ang mga sumusunodː

  • Araw ng Ekwinoks sa Tagsibol, Marso 21-22
  • Araw ng Ekwinoks sa Taglagas: Setyembre 23-24, bilang papuri as kanilang mga ninuno

2010 sa Iba Pang Kalendaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kalendaryong Gregoryanoː 2010; MMX
  • Kalendaryong Islamː A.H. 1431-1432
  • Kalendaryong Hinduː
    • Vikram Samvatː 2066–2067
    • Shaka Samvatː 1932–1933
    • Kali Yugaː 5111–5112
  • Kalendaryong Sikh (Nanaksashi)ː 542
  • Kalendaryong Tsinoː 4707-4708
  • Kalendaryong Buddhistaː 2554
  • Kalendaryong Haponː Heisei 22
  • Kalendaryong Baha'iː 166-167

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

(Lahat sa wikang Ingles)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Yemen (2004 – first combat deaths)" Naka-arkibo 2016-03-22 sa Wayback Machine. Project Ploughshares. Mayo 2016. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  2. "Yemen announces cease-fire with rebels" Naka-arkibo 2020-10-27 sa Wayback Machine. CNN.com. Pebrero 12, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  3. "Yemen’s Government Agrees to a Cease-Fire With Rebel Forces" The New York Times. Pebrero 11, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  4. Death toll from Chile earthquake toll jumps to 708 (sa Ingles)
  5. "Strong 6.9 quake jolts Baja California, Mexico". Yahoo.com (sa wikang Ingles). 2010-04-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-07. Nakuha noong 2010-04-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Dalangin-Fernandez, Lira. "Now it's final: Aquino, Binay win in May 10 polls". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 9, 2010. Nakuha noong Hunyo 8, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Thailand’s 2010 Red Shirt Protests and the Government Crackdown" HRW. Mayo 3, 2011. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  8. "Bangkok like war zone as military cracks down on protesters" Naka-arkibo 2016-07-19 sa Wayback Machine. CNN.com. Mayo 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  9. "Thailand protests: crackdown against redshirts - as it happened" The Guardian. Mayo 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  10. "On Bangkok's Bloody Streets, a Crackdown Breaks Protests" TIME. Mayo 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  11. Noynoy Aquino to take oath at the Luneta grandstand. GMA News Online (Hunyo 15, 2010). Hinango noong Enero 23, 2012.
  12. "Edgar Valdez captured" Daily Mail Online. Setyembre 1, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  13. "U.S. Student Became Mexican Drug Kingpin" The New York Times. Setyembre 8, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  14. "French police frustrated by new strike blockades" BBC News. Oktubre 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  15. "Huge marijuana seizure in Mexico" The Guardian. Oktubre 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  16. "Spending Review 2010: George Osborne wields the axe" BBC News. Oktubre 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  17. "Baghdad War Diary" WikiLeaks. (sa Ingles)
  18. "US embassy cables leak sparks global diplomatic crisis" The Guardian. Nobyembre 28, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  19. "'Designing Women' star Dixie Carter dies at age 70" EW.com. Abril 10, 2010. Hinango Setyembre 2, 2016. (sa Ingles)
  20. "Elizabeth Lindley Post, Etiquette Author, Successor to Emily Post, Dies at 89" PR Newswire. Abril 25, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  21. "Rue McClanahan, Actress and Golden Girl, Dies at 76". The New York Times. Hunyo 3, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
  22. "Vernon Baker Biography." Infoplease. (sa Ingles)
  23. "Former Sen. Ted Stevens dies in plane crash" NBC News. Agosto 10, 2010. Hinango Setyembre 2, 2016. (sa Ingles)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Mayo_2010

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy