Content-Length: 144567 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Mogadishu

Mogadishu - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Mogadishu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Mogadishu ( /ˌmɒɡəˈdʃ,_ʔˈdɪʃʔ/, at din sa EU /ˌmɡʔ,_ˌmɔːɡʔ/;[1][2][3] Somali: Muqdisho IPA[mʉqdɪʃɔ];[istres at tono?] Arabe: مقديشو‎, romanisado: Muqadīshū [muqaˈdiːʃuː]; Italyano: Mogadiscio [moɡaˈdiʃʃo]), kilala sa mga lokal bilang Xamar o Hamar, ay ang kabisera at ang pinakamataong lugar sa Somalia. Nagsisilbi ang lungsod bilang isang mahalagang puwerto na nakikipag-ugnayan sa mga nangangalakal sa buong Karagatang Indiyano sa loob ng isang milenyo at kasalakuyang may populasyon na 2,425,000 mga residente.[4] Ang Mogadishu ay ang pinakamalapit na banyagang kalupaang lungsod mula sa Seychelles, sa isang distanya na 835 mi (1,344 km) sa dakong Karagatang Indiyano.[5] Matatagpuan ang Mogadishu sa baybaying rehiyon ng Banadir sa karagatang Indiyano, na hindi tulad ng ibang rehiyon sa Somalia, tinuturing itong munisipalidad sa halip na isang maamulgoboleed (estadong pederal).[6]

May mahabang kasaysayan ang Mogadishu, na sumasakop mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, na nagsilbing kabisera ng isang maimpluwensiyang Sultanato sa ika-9 na siglo, na sa mga nagdaang dantaon ay kinontrol ang kalakalan ng ginto sa Karagatang Indiyano, at sa kalunan, sumailalim sa Imperyong Ajuran noong ika-13 dantaon, na nagkaraoon ng mahalagang pagganap sa pangangalakal sa dagat noong medyebal na Daang Seda. Natamo ng Mogadishu ang kataasan ng kaunlaran nito noong ika-14 at ika-15 dantaon[7] at noong maagang makabagong panahon, tinuring itong pinakamayamang lungsod sa baybayain ng Silangang Aprika, gayon din bilang sentro ng isang lumalagong industriya ng tela.[8] Noong ika-17 dantaon, bumagsak ang Mogadishu at ilang bahagi ng Somlia sa ilalim ng Hiraab Imamate at pagkatapos, direkta itong pinamanuan ng Sultanato ng Geledi ng Somalia.

Nangyari ang koloniyalismong Italyano sa isang tumataas na yugto, na may mga kasunduang Italyano noong dekada 1880 na sinundan ng ekonomikong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng iba't ibang mga angkan sa Somalia, kabilang ang mga angkan ng Reer Mataan at Shaansi (Cadcad) tulad ng reer Xamar at ng Italyanong Kompanyang Benadir at pagkatapos, direktang pinamahalaanan ng Italyanong pamahalaan pagkatapos ng 1906 at ng Britong Pamahalaang Militar ng Somalia pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Tiwalang Teritoryong Italyano ng Nagkakaisang Bansa nong dekada 1950. Sinundan ito ng kalayaan noong 1960, ang Hantiwadaag (sosyalista) na panahon noong pagkapangulo ni Barre (1969-1991). Sumunod ang isang tatlong-dekadang digmaang sibil, at noong huling bahagi ng dekada 2010 at dekada 2020, isang panahon ng muling pagatatayo.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Upton, Clive; Kretzschmar, Jr., William A. (2017). The Routledge Dictionary of Pronunciation for Current English (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Routledge. p. 854. ISBN 978-1-138-12566-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mogadishu". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 19 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mogadishu". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 19 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Demographia World Urban Area" (PDF) (sa wikang Ingles) (ika-13 (na) edisyon). Demographia. Abril 2017. Nakuha noong 20 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Werema, Gilbert. "Safeguarding Tourism and Tuna: Seychelles’ Fight against the Somali Piracy Problem." (2012). (sa Ingles)
  6. Akanni, O. F., et al. "Access to Agricultural Information among Rural Farmers–A Case of Ido Local Government Area Ibadan, Oyo State, Nigeria." International Journal of Environment, Agriculture and Biotechnology 5.6 (2019). (sa Ingles)
  7. Lewis, I. M. (1999). A Pastoral Democracy: A Study of Pastoralism and Politics Among the Northern Somali of the Horn of Africa (sa wikang Ingles). James Currey Publishers. ISBN 978-0-85255-280-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Horn and Crescent Cultural Change and Traditional Islam on the East African Coast, by Randall L. Pouwels - Mga pananda sa pahina 37-40 (sa Ingles)
  9. Urbano, Annalisa. "A “Grandiose Future for Italian Somalia”: Colonial Developmentalist Discourse, Agricultural Planning, and Forced Labor (1900–1940)." International Labor and Working-Class History 92 (2017): 69–88. (sa Ingles)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Mogadishu

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy