Content-Length: 78451 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Normatibong_etika

Normatibong etika - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Normatibong etika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang normatibong etika ay pag-aaral ng mga teoriya ng etika. Eto ay sangay ng piliosopikal na etika na sumusuri sa mga hanay ng tanong na lumilitaw kung itinuturing kung paano umasal ang isang tao. Eto ay iba sa meta-etika dahilsinusuri nito ang mga pamantayan ng pagiging tama at pagiging mali ng isang aksiyon samantalang ang meta-etika ay sumusuri sa kahulugan ng lenggwaheng moral at mga metapisika ng mga moral na katotohanan. Ang normatibong etika ay iba rin sa deskriptibong etika dahil ang huli ay tumutukoy sa pagsusuri ng mga panininiwalang moral ng mga tao. Sa ibang salita, ang deskriptibong etika ay tungkol sa pagtukoy ng bilang ng mga taong naniniwalang ang pagpatay ay palaging mali samantalang ang normatibong etika ay tungkol sa pagsusuri kung tama ba na magkaroon ng gayong paniniwala. Kaya ang normatibong etika ay minsan sinasabing preskriptibo kesa sa deskriptibo. Gayunpaman, sa ilang bersiyon ng meta-etikal na pananaw ay tinatawag na moral na realismo at ang mga katotohanang moral ay parehong deskriptibo at preskriptibo ng magkasabay.

Ang normatibong etika ay maaaring hatiin sa mga pangilalim na disiplina ng teoriyang moral at nilalapat na etika. Sa kamakailang mga taon lamang, ang mga hangganan sa pagitan ng mga pang-ilalim na disiplinang ito ay patuloy na natutunaw dahil ang mga teoristang moral ay naging mas interesado sa mga inilalapat na mga problema at ang nilalapat na mga etika ay nagiging mas malalim na maaalam sa pilosopiya.

Ang mga tradisyonal na mga teoriyang moral ay tungkol sa paghahanap ng mga prinsipyong moral upang matukoy kung ang isang aksiyon ay tama o mali. Ang mga klasikong teoriya sa paraang ito ay kinabibilangan ng utilitarianismo, kantianismo at ibang mga anyo ng kontraktarianismo. Ang mga teoriyang ito ay nagbibigay ng malawak na mga prinsipiyong moral na maaaring gamitin upang lutasin ang mga mahihirap na pagpapasiyang moral.

Sa ika-20 siglo, ang mga teoriyang moral ay mas lalong naging komplikado at hindi na tumutungkol lamang sa pagiging tama o pagiging mali ngunit naging interasado sa iba't ibang uri ng mga estadong moral. Ang takbong ito ay maaaring nagmula noong 1930 kay W.D. Ross sa kanyang aklat na "The Right and the Good". Dito, nangatwiran si Ross na ang mga teoriyang moral ay hindi makapagsasabi sa kalahatan kung ang isang aksiyon ay tama o mali ngunit kung ito ay patungo lamang sa tama o mali ayon sa isang uri ng katungkulang moral gaya ng pagiging matulungin, katapatan, o hustisya(ang konseptong ito ay kanyang tinatawag na bahaging pagiging tama na sapat na katungkulan). Kalaunan ang mga pilosopo ay kinuwestiyon kung ang sapat na katungkulan ay maaaring maihayag sa lebel na teoretikal at ang ibang mga pilosopo ay humikayat na lumayo sa paglalahat ng mga pagteteoriya, ngunit ang iba ay ipinagtanggol ang teoriya sa batayang ito ay hindi nangangailangang perpekto upang makuha ang mahalagang moral na kabatiran. Sa gitna ng ika-20 siglo, mayroon mahabang paghinto sa pagpapaunlad ng mga normatibong etika kung saan ang mga pilosopo sa marami ay lumayo sa normatibong mga kwestiyon patungo sa meta-etika. Kahit sa mga pilosopo nang panahong ito na nagpanatili ng interes sa preskriptibong moralidad gaya ni R.M.Hare, ay nagtangkang dumating sa mga konlusyon sa pamamagitan ng repleksiyong meta-etika. Ang pokus ng meta etika ay sa bahagi dulot ng matinding linggwistikong pag-ikot sa analitikong pilosopiya at sa isang bahagi sa pagkalat ng positibismong lohikal. Noong 1971, si John Rawls ay lumaban sa takbong laban sa normatibong teoriya sa paglilimbag ng "A Theory of Justice. Ang akdang ito ay isang rebolusyonary sa bahagi, dahil ito ay hindi halos nagbigay ng atensiyon sa meta-etika kundi nagpursigi sa mga argumentong moral ng direkta. Sa resulta ng "A Theory of Justice" at ibang mga malalaking akda ng normatibong teoriyang inilimbag noong dekada 70, ang larangang ito ay nakasaksi ng kakaibang paggising na nagpapatuloy sa kasalukuyang panahon.

Mga teoriya ng normatibong etika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Etikang birtud na itinaguyod ni Aristotle ay nagpopokus sa panloob na katangian ng isang tao kesa sa mga spesipikong aksiyon na ginagawa nito. May malaking pagbuhay sa etikang birtud noong nakaraang kalahating siglo sa mga akda ng mga pilosopong si G. E. M. Anscombe, Philippa Foot, Alasdair Macintyre, at Rosalind Hursthouse.
  • Deontolohiya ay nangangatwirang ang mga desisyon ay dapat gawin kung titingnan ang mga paktor ng isang tungkulin at karapatan ng iba. Ang ibang mga teoriyang deontolohikal ay:
  • Konsekwensiyalismo(Teleolohiya) na nangangatwirang ang moralidad ay nakasalalay sa resulta o kinalabasan ng isang aksiyon. Ang mga konsekwensiyalistang teoriya ay nagkakaiba sa kung ano ang mahalaga(aksiolohiya) na kinabibilangan ng:
    • Utilitarianismo na nagsasaad na ang aksiyon ay tama kung ito ay nagdudulot ng pinakamataas na kasiyahan sa pinakamaraming bilang ng mga tao.
    • Estadong konsekwensiyalismo o konsekwensiyalismong mohista na nagsasaad na ang aksiyon ay tama kung ito ay magdudulot ng stablididad sa estado sa pamamagitan kaayusan, kayamanang materyal at paglaki ng populasyon.
    • Egoismo na paniniwalang ang isang moral na tao ay may pansariling interes at nagsasaad na ang isang aksiyon ay tama kung pinapalaki nito ang kabutihan para sa sarili.
    • Sitwasyong etika na nagsasaad na ang tamang aksiyon na gawin ay ang aksiyon na lumilikha ng pinakamaibiging resulta at ang pag-ibig ang dapat palaging maging layunin.
    • Intelektwalismo na nagdidiktang ang pinakamaiging aksiyon ang aksiyon na nagpapalaganap ng kaalaman.
    • Welparismo na nangangatwirang ang pinakamaiging aksiyon ang aksiyon na nagpapataas ng ekonomikong pangkabutihan ng sarili o welfare.
    • Preperensiyang utilitarianismo na nagsasaad na ang pinakamaiging aksiyon ang aksiyon na nagdudulot ng pinakapangakalahatang ninanais na satipaksiyon.
  • Pragmatikong etika na nangangatwirang ang pagiging tama ng moral ay nagbabago tulad ng kaalamang pang-agham: na panlipunan sa buong pagdaan ng maraming mga buhay. Kaya ito ay nagsasaad na dapat gawing pangunahin ang panlipunang pagbabago tungkol sa konsekwensiya, indibidwal na birtud o katungkulan. Sina Charles Sanders Peirce, William James, at John Dewey ang mga kilalang tagapagtatag ng pragmatikong etika bagaman ang etikong pragmatiko ay maaaring nasanay ng mga panlipunang tagapagbago gaya nina Socrates, Thomas Jefferson, Mohandas Ghandi at Martin Luther King Jr.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Normatibong_etika

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy