Ostiglia
Ostiglia Ustìlia (Emilian) | |
---|---|
Comune di Ostiglia | |
Ostiglia sa loob ng Lalawigan ng Mantua | |
Mga koordinado: 45°4′N 11°8′E / 45.067°N 11.133°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Lalawigan | Mantua (MN) |
Mga frazione | Calandre, Correggioli, Comuna Bellis, Comuna Santuario, Ponte Molino |
Pamahalaan | |
• Mayor | Umberto Mazza |
Lawak | |
• Kabuuan | 39.84 km2 (15.38 milya kuwadrado) |
Taas | 13 m (43 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 6,741 |
• Kapal | 170/km2 (440/milya kuwadrado) |
Demonym | Ostigliesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 46035 |
Kodigo sa pagpihit | 0386 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Ostiglia (Mantovano: Ustìlia) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Mantua sa rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 160 kilometro (99 mi) timog-silangan ng Milan at mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Mantua.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong panahong Romano, ang Hostilia ay isang sentro ng kalakalan mula Emilia hanggang hilagang Europa, dahil matatagpuan ito sa Via Claudia Augusta Padana. Noong ika-1 siglo BK ito ang lugar ng kapanganakan ng manunulat na si Cornelio Nepote. Pagkatapos ng pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano, pinamunuan ito ng mga Ostrogodo, ng mga Bisantino at, mula sa ika-6 na siglo, ng mga Lombardo. Mula 774 pataas ito ay bahagi ng Imperyong Franco.
Noong Gitnang Kapanahunan ito ay isang muog ng Verona, na nagtayo dito ng isang kastilyo noong 1151. Noong 1308 ito ay isang fief ng Scaliger, na hinalinhan ng Visconti noong 1381 at ang Gonzaga noong 1391. Ang kasaysayan ng Ostiglia ay kasunod na konektado sa kasaysayan ng Mantua, nawala ang estratehikong kahalagahan nito; ang kastilyo nito ay giniba sa utos ni Emperador Carlos VI noong 1717.
Ang Arnoldo Mondadori Editore, ang pinakamalaking tagapaglathala sa Italya, ay itinatag sa Ostiglia noong 1907. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay pinalaya ng Ika-88 Dibisyong Impanteriya noong 25 Abril 25, 1945.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ostiglia ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad ng Borgofranco sul Po, Casaleone, Cerea, Gazzo Veronese, Melara, Revere, Borgo Mantovano, at Serravalle a Po.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Ostiglia sa Wikimedia Commons