Sentrong kalakalang distrito
Ang sentrong kalakalang distrito o central business district (CBD) ay ang sentro ng komersiyo at negosyo ng isang lungsod. Naglalaman ito ng mga komersyal na espasyo at opisina, at sa malalaking lungsod, madalas na ilalarawan bilang distritong pinansiyal. Sa heograpiya, madalas itong magkatugma sa "sentro ng lungsod" o "kabayanan". Gayunpaman, hindi maituturing na magkasingkahulugan ang mga konseptong ito: may sentral na distrito ng kalakalan ang maraming lungsod na malayo sa tradisyonal nitong sentro ng lungsod, at maaaring magkaroon ng maraming CBD sa loob ng iisang urbanong lugar. Kadalasan, madaling mapupuntahan ang CBD at may maraming iba't ibang uri at konsentrasyon ng mga espesyal na produkto at serbisyo kumpara sa ibang bahagi ng lungsod.[1]
Sa ika-21 siglo, humantong ang pagtaas ng urbanisasyon sa pagbuo ng mga megasiyudad na kadalasang may higit sa isang CBD na nakakalat sa buong lugar. Ang mga seksiyong downtown ng mga lungsod, lalo na sa Hilagang Amerika, ay madalas na naiiba sa mga CBD at sentro ng lungsod.[2] Walang dalawang CBD ang may parehong hugis-espasyo, ngunit may ilang mga karaniwang heometrikong padron, na higit sa lahat ay resulta ng sentralisadong aktibidad sa komersiyo at industriya.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Murphy, Raymond E. (1972). The Central Business District: A Study in Urban Geography (chapter 1) [Ang Sentrong Kalakalang Distrito: Isang Pag-aaral sa Heograpiyang Urbano (kabanata 1)] (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-351-48543-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Abril 2023. Nakuha noong 14 Marso 2023.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Reviving American downtowns [Muling Pagpapasigla sa mga Amerikanong downtown] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 20 December 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.". The Economist. 1 Marso 2007.
- ↑ Hartman, George W. (1950). "The Central Business District--A Study in Urban Geography" [Ang Sentrong Kalakalang Distrito--Isang Pag-aaral sa Heograpiyang Urbano]. Economic Geography (sa wikang Ingles). 26 (4): 237–244. doi:10.2307/141260. JSTOR 141260.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)