Content-Length: 149593 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon

Telebisyon - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Telebisyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang lumang uri ng telebisyon.

Ang telebisyon (mula sa espanyol Televisión) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.

Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon.  Ang telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok.

Iminungkahi at ipinatente ni Paul Gottlieb Nipkow ang unang sistema ng telebisyon na elektromekanikal noong 1884. Sumulat si A. A. Campbell Swinton sa Nature noong 18 Hunyo 1908 at tinalakay ang kanyang konsepto tungkol sa telebisyong elektroniko na ginagamit ang tubo ng sinag ng cathode na inimbento ni Karl Ferdinand Braun. Nagbigay siya ng panayam tungkol dito noong 1911 at nagpakita ng mga diyagrama ng sirkito.

Sa simula pa lamang, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi bilang telebisyong panlupa, gamit ang malalakas na frequency upang magpasahimpapawidng signal sa mga indibidwal na tagatanggap telebisyon. Bilang kahalili, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi gamit ang kableng co-axial o optical fibre, mga sistema ng satellite, at ng internet. Bago pa noong unang bahagi ng taong 2000, ang mga ito ay ipinapahatid bilang mga signal na analog, pero ang mga bansa ay sinimulang gumamit ng digital, ang pagbabagong ito ay inaasahang makumpleto para sa buong mundo sa huling bahagi ng ika-21 dekada. Ang isang pamantayang set ng telebisyon ay kinabibilangan ng maraming panloob na electronic circuit, kasama na rito ang apinador upang makatanggap at makabasa ng inihatid na signal. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging monitor na bidyo lamang at hindi telebisyon.

Ang pagdating ng digital na telebisyon ay nagpahintulot ng mga likha tulad ng  mga Smart TV. Ang Smart TV, kung minsang tinatawag ding kunektadong TV o hybrid TV, ay set ng telebisyon na isinama ang internet at ang mga katangian ng Web 2.0, at isa itong halimbawa ng tagpong teknolohika sa pagitan ng mga kompyuter at mga set ng telebisyon. Bukod sa mga tradisyunal na nagagawa ng mga set ng telebisyon na itinakda sa pamamagitan ng tradisyunal na panghatid pangmasa, ang mga aparatong ito ay kaya ring maghandog ng internet a TV, interactive na paghahatid online, mas maganda kaysa sa inaasahang nilalaman, pati na rin paagos na paghahatid impormasyon na kinakailangan, at saka daan upang makapaghatid impormasyon sa tahanan. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging bidyo monitor lamang at hindi telebisyon.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy