Uhm Tae-woong
Uhm Tae Woong | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Abril 1974
|
Mamamayan | Timog Korea |
Nagtapos | Pamantasang Konkuk |
Trabaho | artista, artista sa pelikula, artista sa telebisyon |
Pamilya | Uhm Jung Hwa |
Si Uhm Tae Woong (엄태웅, 5 Abril 1974) ay isang artista sa Timog Korea. Tumaas ang kanyang popularidad nang lumabas siya sa romantikong komedya na Delightful Girl Choon-Hyang, isang makabagong muling pasasalaysay ng klasikong kwentong-bayan sa Korea na Chunhyangjeon ngunit imbis na ang kontrabidang mahistrado, gumanap si Uhm bilang isang ehekutibo ng isang ahensyang pantalento na nahumaling sa bidang babae.[1] Nagkaroon siya ng pambihirang tagumpay nang bumida siya sa Koreanovelang Resurrection. Sa palabas na iyon, gagampanan niya sana ang kontrabida ng serye ngunit ang tinakdang pangunahing bida na si Park Yong-woo ay umalis dahil sa di naayon sa kanyang iskedyul kaya pinasyahan ng direktor na si Park Chan-hong na gawin bida si Uhm.[2]
Lumabas si Uhm sa makasaysayang Koreanovela na Queen Seondeok bilang ang ikapitong siglong heneral sa Silla na si Kim Yushin, kung saan nakatanggap siya ng Parangal para sa Pinakamataas na Mahusay sa 2009 MBC Drama Awards.[3][4][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Um Tae-woong from Sassy Girl Chung-hyang Rises as a New Star". KBS Global (sa wikang Ingles). 24 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-17. Nakuha noong 2012-11-18.
- ↑ "KOREAN TV DRAMA REVIEWS: 부활 (Rebirth - Director's Cut) PART 1". Twitch Film (sa wikang Ingles). 12 Abril 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 28, 2009. Nakuha noong 2012-11-18.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ Choi, Ji-eun (11 Enero 2010). "INTERVIEW: Actor Uhm Tae-woong (Part 1)". 10Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2012-11-18.
- ↑ Choi, Ji-eun (11 Enero 2010). "INTERVIEW: Actor Uhm Tae-woong (Part 2)". 10Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2012-11-18.
- ↑ "All That Star: Uhm Tae-woong". Arirang News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-17. Nakuha noong 2012-11-04.