Content-Length: 64903 | pFad | https://www.fcc.gov/consumers/guides/paghahain-ng-reklamo-ng-consumer

Paghahain ng Reklamo ng Consumer | Federal Communications Commission

Binibigyan ng Federal Communications Commission ang mga consumer ng pagkakataong maghain ng mga hindi pormal na reklamo tungkol sa mga problema sa mga serbisyo sa komunikasyon na pinapangasiwaan ng FCC. Maaaring maghain ng mga reklamo sa pamamagitan ng Consumer Complaint Center ng FCC (nasa wikang Ingles ang web page), na nagbibigay sa mga consumer ng impormasyon tungkol sa mga isyu sa komunikasyon at gumagabay sa kanila sa proseso ng pagrereklamo.

Kasama sa iba pang opsyon sa paghahain ng reklamo sa FCC ang:

  • Pagtawag : 1-888-CALL-FCC (1-888-225-5322) (sa Ingles); TTY: 1-888-TELL-FCC (1-888-835-5322); ASL: 1-844-432-2275
  • Pagpapadala ng liham (pakilagay ang iyong pangalan, address, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at magsama ng impormasyon tungkol sa iyong reklamo):

Federal Communications Commission
Consumer and Governmental Affairs Bureau
Consumer Inquiries and Complaints Division
45 L Street NE
Washington, DC 20554

Sa proseso ng hindi pormal na pagrereklamo, walang kumplikadong legal na pamamaraan, singilin sa pagpoproseso, at hindi kailangan ng nagrereklamong panig na humarap sa FCC.

Ang mga reklamo tungkol sa mga isyu sa pagsingil o serbisyo ng telecommunications ay pinoproseso ng Consumer Inquiries and Complaints Division ng FCC at ipaparating sa iyong provider, na may 30 araw upang direktang tumugon sa iyo at magpadala ng kopya ng tugon sa FCC.

Maaaring ibahagi ang mga reklamo sa pagitan ng mga kawanihan at tanggapan ng FCC para sa higit pang pagsusuri at posibleng pagsisiyasat. Sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo ng consumer sa FCC, natutulungan mo ang pederal na magpatupad ng batas at protektahan ang mga consumer sa bansa, at natutulungan mo kaming tumukoy ng mga trend at subaybayan ang mahahalagang isyu.

Hindi nilulutas ng FCC ang lahat ng indibidwal na reklamo.

Mga reklamo tungkol sa mga isyung hindi sinasaklaw ng FCC

Bagama't makakatulong ang FCC sa mga consumer kaugnay ng maraming uri ng mga reklamo, maraming isyu – tulad ng panloloko sa consumer o pagsingil ng cable – ang mas mainam kung tutugunan ng mga ahensya o awtoridad ng lokal, estado, o pederal na may hurisdiksyon sa mga isyung ito.

Paghahain ng mga reklamo sa FTC

Para sa mga singilin sa iyong bill ng telepono para sa mga serbisyong hindi pangtelepono, ihain ang iyong reklamo sa Federal Trade Commission online (nasa wikang Ingles ang web page), tumawag sa FTC nang toll-free sa 1-877-382-4357 (voice) o 1-866-653-4261 (TTY), o sumulat sa:

Federal Trade Commission
600 Pennsylvania Ave., NW
Washington, DC 20580

Mga reklamo tungkol sa isang lokal na serbisyo sa telepono o cable

Kung nagkakaproblema ka sa iyong lokal na serbisyo ng telepono, kasama ang tulong sa direktoryo, o isang serbisyo sa telepono sa iyong estado, makipag-ugnayan sa pampublikong komisyon ng serbisyo ng iyong estado. Makikita ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng pampublikong komisyon ng serbisyo ng iyong estado sa www.naruc.org/commissions.cfm (nasa wikang Ingles ang web page), o sa mga asul na pahina o seksyong pamahalaan ng iyong lokal na direktoryo ng telepono.

Para sa mga problema sa mga rate ng isang pangunahing serbisyo ng cable television o kalidad ng isang serbisyo ng cable television na hindi mo direktang malutas sa kumpanya, makipag-ugnayan sa iyong Local Franchising Authority (LFA). Makikita ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng iyong LFA sa iyong bill ng serbisyo sa cable o iyong lokal na direktoryo ng telepono.

Bukod pa rito, maaari ding makatulong ang Better Business Bureau ng iyong estado o lokal, ang ahensya para sa proteksyon ng consumer, o ang Tanggapan ng Attorney General ng estado. Tingnan din kung may mga listing sa iyong lokal na direktoryo ng telepono.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.

 

 









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://www.fcc.gov/consumers/guides/paghahain-ng-reklamo-ng-consumer

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy