139 149

Télécharger au format pdf
Télécharger au format pdf
Vous êtes sur la page 1sur 11
Ebalwasyon ng Salin ANG EBALWASYON ay pagtaya sa kasapatan ng paglilipat ng mensahe sa bagong midyum o tunguhang lengguwahe (TL), i pagtaya rin sa mga kalakasan at kahinaan ng mga bahaging isinalin. Isinasagawa ang ebalwasyon para makatiyak ang nagsalin kung * ang ginawa niya ay wasto, malinaw, at maiintindihan ng target na mambabasa ng teksto. Hakbang ito para magkaroon ng dagliang feedback ang nagsalin’sa kanyang ginawang salin. May limang layunin ang panunuri ng salin ayon kay Newmark: a. Mapabuti ang mga pamantayan sa pagsasalin. b. Maglaan ng may layong aralin para sa mga tagasalin. c. Magbigay ng linaw sa mga konsepto sa pagsasalin na partikular sa isang paksa o panahon. d. Makatulong sa interpretasyon ng mga naisalin na ng naunang manunulat at nagsalin. e. Masuri ang pagkakaibang kritikal sa semantika at gramatika ng simulaang lengguwahe (SL) at tunguhang lengguwalie (TL). Dalawang dulog ng ebalwasy: patnubay: (1) pagsubok sa salin, at Sinumang may awtoridad sa si on ang iminumungkahi ng (2) kritisismo sa salin, 140 PATNUBAY SA PAGSASALIN ng isang eksperto sa disiplina o larangang sangkot, isang kinatawan ng target na mambabasa, a isang kritiko. Isinasagawa ang ebalwasyon sa anumang yugto sa panahon ng aktuwal na pagsasalin. Maaaring pagkatapos ng pagsasalin ng isang seksiyon, kabanata, o kaya'y pagkatapos ng pagsasalin ng buong akda. Walang isang tiyak na tuntunin kung kailan sa panahon ng pagsasalin ito dapat isagawa. Mabuti ang mas madalas na pagtsek sa kaangkupan, kawastuan, kalinawan, at kagaanan ng daloy ng Pagpapahayag ng salin para nareremedyuhan kaagad ang kakulangan ng paglilipat ng mensahe. Maiwawasto kaagad ang mga kahinaan ng salin, batay man ito sa diwa o sa estruktura. Malaking tulong sa pagpapakinis ng salin ang resulta ng pagsubok at kritisismo sa salin. Mahalagang matukoy kaagad ang mga parte ng saling teksto na naging malabo sa paghahatid ng tunay na kahulugan ng orihinal. PAGSUBOK SA SALIN Isang mahalagang hakbang sa kabuuang proseso ng pagsasalin ang pagsubok sa isinagawang salin. Tungkulin ng nagsasalin na tiyakin kung matagumpay niyang nailipat sa tunguhang wika ang impormasyon at mensaheng nais ipahatid ng pinaghanguan o simulaang teksto. Bukod sa pansariling subok sa kalidad ng salin, kailangang handa rin ang tagasalin na ipailalim ang salin sa iba pang uri ng pagstibok. Pansariling Subok. Sa umpisang yugto pa lamang ng pagsasalin ay magagawa na ng tagasalin ang pansariling subok. Mababalik-balikan niya nang paulit-ulit ang pinagkunang teksto at ang isinagawang salin upang matsek ang kawastuan, kalinawan, at kaangkupan nito, Sa maingat, masusi, at Sapat na pagsusuri sa sariling salin, makikita ng nagsalin ang mga kamalian o kahinaan nito. Magagamit niya : ang sariling feedback o balikpuna sa Pagrerebisa ne salin, & EBALWASYON NG SALIN rat Mainam na maging bahagi ng proseso ang pansariling subok at maisagawa ito nang unti-unti, Kung minsan, hindi gaanong nagiging maingat at sapat ang pagsubok kung napaparami o kung kompleto na ang salin. Higit na matitiyak ng tagasalin kung may kulang, dagdag, o kasapatan ang salin kung ang pagsubok ay isinasagawa sa bawat bahagi o yunit na maisalin. Pagkonsulta sa Eksperto. Ang pakikilahok ng iba pang mga eksperto sa wika’t pagsasalin ay isang kapaki-pakinabang na paraan ng pagsubok sa salin. Mainam na sa una pa lamang yugto ay kinokonsulta na ang mga eksperto tungkol sa mga suliranin na posibleng haharapin ng tagasalin. Sinusuri ng eksperto ang salin para matiyak ang tumbasan ng, mga impormasyon at mensahe sa simulaan at tunguhang wika. Pinagtutuunan din ng pansin ng nagsusuri ang kinakailangang pagbabago sa salin. Nagbibigay siya ng balikpuna sa isinagawang salin at nagtatanong sa tagasalin para sa higit na ikalilinaw at ikawawasto ng salin. Isang halimbawa ng pagkonsulta sa eksperto ay ang isinagawa ni Caisip (1994). Nais niyang subukin at tiyakin ang kaayusan ng isinagawa niyang salin sa kabanata 7 ng nobelang The Good Earth ni Pearl S. Buck. Iniharap niya sa ilang eksperto sa wika at pagsasalin ang kanyang produkto. » Narito ang isang bahagi- ng nasabing kabanata at ang komentaryo ni Aurora E. Batnag, ang nagsuri. 3 His uncle's wife had 3 Walang masigla sa katawan nothing active in her body ng asawang ito ng amain niya except her tongue and this maliban sa dila nito she now loosed upon Wang na ngayon ay walang habas Lung. na pinawalan kay Wang Lung. 4 “Well, and who will pay 4 "Kung gayon, sino naman for the dowry and for the Kaya ang magbibigay ng dote wedding and for the at gagastos sa kasal at ng 142 PATNUBAY SA PAGSASALIN middloman’s foes? It is all very well for those to talk who have more land than they know what to do with and who can yet go and buy more land from the great families with their spare silver, but your uncle is an unfortunate man and he has been so from the firts. His destiny is evil and through no fault of his own. Heaven wills it. Where others can produce good grain, for him the seed dies in the ground and nothing but weeds spring up, and this though he break his back!” butaw para sa kanyang magiging tagapamagitan? Magaling lang namang magsalita ang iba rlyan na nagmamay-ari ng maraming lupa nang higit pa sa nalalaman nila at makabibili pa rin ng marami pa mula sa mayayamang pamilya sa pamamagitan ng pamalit nilang mga pilak, ngunit ang pobreng amain mo'y malas na tao maging noong una pa man. Masama ang kapalaran niya at hindi niya kasalanan ito. Ginusto ito ng langit Samantalang ang iba rivan av nakaani ng mabubuting butil. para sa kanya ang mga butil ay nangangamatay na sa lupa pa lang at walang sumisibol kundi mga damong ligaw. at ito'y kahit baliin niva ang kanyang likod.” Minarkahan ni Batnag (nilagyan niya ng salungguhit sa orihinal) ang sumusunod na salita: “butaw,” “nalalaman,” at “baliin.” Sinabi rin niya sa mardyin na ang “butaw” ay karaniwang ginagamit sa bayad bilang kasapi ng isang kapisanan. Samantala, ang “nalalaman” at “baliin,” ayon sa kanya, ay masyadong literal na salin ng know at break. Baliksalin. Isa pang paraan ng pagsubok sa salin ang pagkuha ng teong may bilingguwal na kakayahan para maisagawa ang baliksalin sa simulaang wika ng isinaling teksto. Isinasagawa ito g lupa imang g it EBALWASYON NG SALIN 143 ng nagbabaliksalin nang hindi kailangan basahin ang simulaang teksto na ginamit ng tagasalin. Isinusulat ng nagbabaliksalin ang nakuha niyang diwa mula sa salin pabalik sa.simulaang wika. Sa pamamagitan ng baliksalin, natsetsek ng tagasalin kung ang ipinahahatid na mensahe ng salin ay katulad ng nakuha ng nagbaliksalin. ‘Ang baliksalin ay ginagamit lamang sa pagtsek o pagsubok ng salin, kaya’t hindi kailangang maging idyomatiko at malinis na teksto sa simulaang wika. Ito ay karaniwang literal na pagsasalin ng mga salita at anyo. Sa pamamagitan ng baliksalin, maingat na napaghahambing ng tagasalin ang salin at simulaang teksto, nakikita ang pagkakaiba sa diwa, at natutuklasan ang kahinaan ng isinagawang salin. May limitasyon ang baliksalin, lalo na’t kung ang nagsasagawa nito ay kulang sa kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa salin o hindi maingat sa pagbabalik-salin. Sa ganitong kalagayan, hindi natutugunang maigi ng baliksalin ang layunin nito. Isang di-sinasadyang baliksalin ang naganap sa isang workshop noong Oktubre 16-22, 1996. Sa isang sanaysay tungkol sa paggawa, sinipi ni Jose P Laurel ang ilang pangungusap mula diumano kay Emilio Jacinto ngunit nakasulat sa Ingles. Narito ang buong sipi: ~-Many are ashamed to work, especially the wealthy, the powerful, and the learned, who make a vain show of what they style the comforts of life or bodily well-being. And they end up in the mire, leading a miserable and abject existence that tends to bring about the destruction of the human race. Whatever is useful, whatever tends to make life easier, let us, Support because it is a result well worthy of our efforts. laa PATNUBAY SA PAGSASALIN He who toils keep away from a life of disorderly and bad habits and boredom, finds diversion in labor, and becomes strong, prosperous and cheerful... Ginamit ang sanaysay ni Laurel sa isang workshop sa pagsasalin sa Polytechnic University of the Philippines bilang ehersisyo sa pagsasalin mulang Ingles tungong Filipino. Sapagkat hindi inisip ng mga kalahok sa workshop na hindi marunong sumulat si Jacinto sa Ingles ay isinalin nila nang buo ang sanaysay ni Laurel pati ang sipi kay Jacinto, Narito ang isa sa mga salin ng sipi: .-Marami ang nahihiyang magsipagtrabaho lalo na yaong mga mariwasa, maykapangyarihan, at may pinag-aralan na nagsisipaggugo! ng panahon sa walang kawawaang kaluhuan sa buhay o kaalwanan ng katawan. At sila'y nasadlak sa lusak na humangga sa kahabag-habag at kasuklam-suklam na pamumuhay na nagbubuyo sa kopariwaraan ng sangkatauhag. Ang anumang bagay na kapaki-pakinabang, ang anumang nag-uudyok sa pagkakaroon ng maginkawang pamumuhay, ating tangkilikin sapagkat ito'y bunga ng ating karapat-dapat na pagsusumikap. Sinumang masikhay sa pagtatrabaho ay malayo sa masalimuot na pamumuhay at masasamang bisyo at pagkabagot, nakakatogpo ng aliw sa paggawa, nagiging malakas, maunlad at maligaya... Kung ang ituturing na orihinal ay ang Ingles sa artikulo ni Laurel ay maituturing nang mahusay ang halimbawa mula sa workshop. Masigasig na nailapit ng tagasalin ang-kanyang Filipino sa Ingles ni Laurel ( 0 ng sinumang nagsalin kay Jacinto sa Ingles). Ngunit kahit may hilig gumamit ng bokabular'yong Tagalo; ang tagasalin EBALWASYON NG SALIN 145 ay malayo pa rin ang kanyang salin sa orihinal na teksto ni Jacinto. . Unang sanhi ng kalayuan ng baliksalin ay ang pangyayaring masama ang salin mula sa teksto ni Jacinto tungo sa Ingles. Ang pagkakahanay mismo ng mga siping pangungusap ay labag sa orihinal na balangkas ni Jacinto. Ang mga sipi kay Jacinto ay mula sa sanaysay na “Ang _ Gumawa’ ni Jacinto. Maikli lamang ito at may siyam na talata. Ang unang sipi ni Laurel ay ang huling pangungusap sa ikaapat na talata ni Jacinto: .. Kaya’t ikinahihiya ng marami, lalong-lalo na ng mayayaman, malalaki, at nagmamarunong, at kanilang ipinagpaparangya ang tinatawag na layaw ng kanilang katawan. Ang ikalawang sipi ni Laurel ay mula naman sa ikawalong talata ni Jacinto, na bukod sa tinanggalan ng unang bahagi ang pangungusap ay nilagyan ng bagong simuno sa pagkasalin sa Ingles: Inibig ng Diyos na tayo'y magirabaho pagkat kung tayo'y nilibiran ng buong kailangan at kasaganaang aabutin na lamang natin at sukat, tayo’y walang salang lalong malulugmok sa lalong kahamak-hamak at kasuklam-suKlam na kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating pagkatao. Ang ikatlong sipi ni Laurel ang napakalayo sa orihinal. Ito ang ikasiyam at panghuling talata ni Jacinto: ‘Ang lahat ng pinakikinabangan, ang lalong ikinabubuhay at ikinaiiba sa hayop ay siyang kinakatawan at ibinubunga ng Paggawa na nararapat ng kapagalang hindi masisinsay ng matwid. Sa kabilang dako, ang huling sipi ni Laurel ang pinakamatapat kapag itinabi sa teksto ni Jacinto. Ito ang buong ikalimang talata n “Ang Gumawa”: ‘4 146 PATNUBAY SA PAGSASALIN Ang gumagawa ay nalalayo sa buhalhal na kasalanan, maruruming gawi, at kayamuan; nagtatamo ng aliw, tibay, ginhawa, at kesayahan. SUBOK-GAMIT Dapat linawin na ginagamit ang baliksalin para matsek ang tumbasan ng diwa sa simulaan at tunguhang teksto, Hindi ito magagamit sa pagsubok ng ibang katangiang dapat taglayin ng salin, tulad ng pagiging natural at idyomatiko. Nangangailangan ang ganitong layunin ng iba pang paraan ng pagsubok. Subok-Pang-unawa. Ang subok-pang-unawa ay isang mahusay na susi ng pagsubok sa isang salin. Sinusubok nito kung ano ang ipinararating sa mambabasang kinauukulan. Kinakailangang maibigay muli ng bumabasa ang nilalaman ng sagot at masagot din niya ang mga tanong tungkol dito. Higit na magiging mabisa kung ang ganitong pagsubok ay isasagawa ng ibang tao, maliban sa tagasalin, nang sa gayon ay mapalabas niya ang totoong nilalaman ng salin. Dapat maging matatas sa tunguhang lengguwahe ang mga taong binibigyan ng ganitong pagsubok. Ang unang pagsubok ay para sa pananaw. Ang sumusubok ng salin ang nagbibigay ng buod ng binasang salin. Ang ikalawang pagsubok ay pagbibigay ng tanong tungkol sa text na maaaring naunang naihanda upang makuha ang impormasyong ibig na matamo tungkol sa salin. Ang mga tanong ay maaaring ayon sa estilo, tema, o detalye sa teksto, Subok-Natural. Tinitingnan ng pagsubok na ito kung ang salin ay may natural o madulas na daloy ng Komunikasyon at angkop ang estilo. Binabasa ng tagasubok ang salin at binibigyan ito ng puna at mungkahi upang mapabuti ang estilo at maging natural ang takbo ng mga pahayag. Maaaring bigyang puna ng tagasubok. ang kawastuan sa rnin Sig tegen ain ng }bang aspekto ng salin upan- mapabuti ‘ EBALWASYON NG SALIN 147 ang kalinawan, pagkanatural ang daloy ng diskurso, at ang pandamdaming dating nito sa mambabasa. Subok-Madaling Basahin. Ipinababasa nang malakas sa tagasubok ang salin, Habang binabasa ito, ang tagasalin ay nagtatala ng mga bahaging may pagtigil sa binabasa, may pagkautal © ‘pagbabalik sa binasa. Maaari rin namang sa kanyang pagbasa, ang tagasubok ay nagpapakita ng pagkalito o di-pagkaunawa sa binabasa. Ang ganitong pagsubok ay isinasagawa rin upang matukoy kung may problema sa information load. Mainam kung kahit ‘maraming impormasyon ay mabilis na pumapasok o naiintindihan ng bumabasa. Masama kung nagiging napakabagal ang pagpasok ng impormasyon kaya nagiging kabagot-bagot ang salin. Ang isang teksto ay magaang basahin o readable kung ito ay may kaaya-ayang estilo, magaang na ritmo, at may katamtamang bilis na daloy ng pagpapahayag. Ang pagiging readable ng isang teksto ay dapat umayon sa uri, edad, at kakayahan ng bumabasa. Subok-Konsistensi. Bago pa man matapos ang salin, ang subok-konsistensi ay dapat nang isagawa sa nilalaman ng salin at sa detalyeng teknikal ng paglalahad. Ang subok-konsistensi ay lalong kailangan kung ang simulaang teksto ay mahaba at dapat matingnan ang konsistensi sa tumbasang leksikal ng mga “pangunahing katawagan. Ang subok-konsistensi ay isinasagawarin 'sa ispeling ng mga pangalan ng tao at lugar at sa mga hiram na salita. Tinitingnan din ang gamit ng malaking letra at pagbabantas. KRITISISMO SA SALIN Isa pang dulog sa ebalwasyon ng salin ang paggawa ng kritisismo © komentaryo sa pamamagitan ng pagkompara ng orihinal at ng (mga) saling teksto. Bahagi ng gawain pagkatapos ng pagsasalin ang hambingang pagbasa sa tekstong isinalin at sa tekstong salin para sa kaganapan at pagpapakahulugan ng huli. Kadalasang niriribyu tito ang idea/paksa, tema, at kabuluhan, gay2ndin ang pagribyu ng 148 PATNUBAY SA PAGSASALIN bokabularyo at pagpili ng mga salita. Mahalagang komponent din ng ebalwasyon ang paghahambing ng dalawang teksto ayon sa katangian ng target na babasa ng salin. Nangangailangan ito ng pagtiyak sa level ng wika ng dalawang teksto at ng pagiging elegante at konsistent ng wika. Samakatwid, pagtatangka itong suriin kung natamo ng tagasalin ang kanyang layunin sa pagsasalin, at kung saan siya nagkaroon ng kalakasan at kahinaan sa kabuuan ng salin. Walang magiging problema sa mga parteng mahusay na naisalin. Maaaring suriin ang salin sa paraang segmentasyon para matukoy ang kakulangan sa paglilipat ng mensahe at sa paraan ng paggamit ng TL. MGA MODELO SA PAGKRITIK NG SALIN Hindi simpleng gawain ang pagsunod sa proseso ng kritisismo ng salin. Nag-iiba-iba ang pamaraan nito ayon sa dalawang tekstong sangkot, ang teksto ng SL at ng TL. Narito ang ilang modelo o pamaraang magagamit sa kritisismo ng salin. Modelong Straight. Isang sistema ang inilahad ni Straight (1982 sa Jorge-Legaspi 1990). Isinasaalang-alang dito ang tatlong dimensiyon sa ebalwasyon: (1) kaalamang pangkultura at panlingguwistika ng tagasalin, (2) layunin ng tagasalin, at (3) Paggamit ng intuwisyon. Malawak ang saklaw ng ganitong sistema at siguradong mahirap isaalang-alang ang huling dimensiyon. Paano magiging obhetibo ang kritik sa pagsuri ng salin sa intuwisyon? Ano ang magiging batayan sa pagtsek ng kalidad ng Pagsasalin? Ang mga sumusunod na tanong ang magpapalinaw sa modelo ng kritisismo ni Straight. a. Ang salin ba ay kakikitaan ng sapat na Pagkaunawa o kaalaman sa kultura at wika ng ofthihal na awtor at ng tagasalin? (kaalaman) ir EBALWASYON NG SALIN 149 b, Ang salin ba ay naging matagumpay sa pagtatamo ng layuning ninais ng tagasalin para dito? (layunin) c. Kasiya-siya at maganda ba ang salin? (intuwisyon) Modelong Broeck. Isa pang modelo sa pagsuri ng salin ang ipinasok ni Broeck (1985 sa Jorge-Legaspi 1990). Binibigyang diin sa modelong ito ang hambingang analisis ng orihinal at ng saling teksto. Pangunahin sa pagsusuri ang mga sistema ng teksto sa paglilipat ng diwa. Sa unang hakbang ng modelo, binibigyan ng komparatibong analisis ang dalawang teksto ayon sa digri ng factual equivalence. * May tatlong proseso ang pagtiyak kung sapat ang pagtutumbasan ng impormasyon sa mga teksto. Una, ang analisis ng teksto (textemic analysis) ng orihinal na instrumento sa pagbuo ng isang sapat na salin. Pagsusuri ito sa lahat ng lingguwistikong komponent sa teksto tulad ng ponetika, lexikon, sintax, estruktura ng genre, varayti ng wika, metapora, elemento ng kumbensiyong panteksto, i.e. bantas, talataan, kapitalisasyon, -atbp. Ikalawa, pagkokompara ng mga elemento ng salin sa mgaaytem sa unang proseso. Matsetsek ng kritik sa bahaging ito kung may isa-sa-isang tapatan sa mga komponent. Kung matalinghaga ang SL, _nailipat din kaya ang ganoong uri sa TL? Kolokyal ang varayti ng wika sa SL, ganoon din kaya ang nangyari sa TL? Pagpapasiyahan ng kritik ang mga pagtulad o paglihis sa mga elementong sinusuri. Ikatlo, paglalagom ng mga deskripsiyon ng hambingan ng dalawang teksto batay sa pagkakaiba at pagkakatulad. Pagtiyak ito sbi ng kasapatan ng salin para makita ang digri ng Modelong Newmark. Maaaring isaalang-alang ang mga Sumusunod na bahagi sa pagpaplano ng kritisismo ng salin ayoz kay Newmark,

Vous aimerez peut-être aussi

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy