Chōjū-jinbutsu-giga

Ang Chōjū-jinbutsu-giga (鳥獣人物戯画, literal bilang "Mga Karikaturang tao-hayop"), karaniwang pinapaikli bilang Chōjū-giga (鳥獣戯画, literal bilang "Mga Karikaturang hayop"), ay isang tanyag na apat na magkakasamang balumbong larawan, o emakimono, na pagmamay-ari ng templo ng Kōzan-ji sa Kyoto, Hapon. Tinutukoy din ang mga balumbon ng Chōjū-giga bilang ang Mga Balumbon ng mga Nagkakatuwaang Hayop at Mga Balumbon ng mga Nagkakatuwaang Hayop at Tao sa Tagalog. May ilan ang nag-akala na si Toba Sōjō ang lumikha ng mga balumbon; bagaman, parang malinaw na ginawa ito ng higit sa isang tao batay sa istilo.[1] Tradisyunal sa Silangang Asya na ang direksyon sa pagbabasa bilang kanan-tungo-kaliwa tulad ng Chōjū-jinbutsu-giga, at karaniwan pa rin ito sa Hapon. Nabibigyan din ng kredito ang Chōjū-jinbutsu-giga bilang ang pinakamatandang gawang manga. Ipinagkatiwala na sa pag-iingat ang mga balumbon sa Pambansang Museo ng Kyoto at Pambansang Museo ng Tokyo.

Ang panel mula sa unang balumbon, isang magnanakaw na unggoy na tumatakbo mula sa mga hayop na may mga mahabang patpat
Ang panel mula sa ikatlong balumbon, na isinasalarawan ang dalawang tao na nagbibiruang naglalaro ng hilahang lubid sa pamamagitan ng kanilang mga ulo
Piraso mula sa ikaapat na balumbon, isang lalaki ang natalo sa pakikipagbuno. Nahiwalay mula sa orihinal sa isang punto. Museo ng Miho
Ang panel mula sa ikaapat na balumbon, nakikinig ang isang samurai sa kanilang pinuno na nagsasalita ng mabuti

Ang mga balumbon ay ang pinakamaaga sa isang monokromong lineyal na istilo sa pagguhit na nagpatuloy sa paggamit sa pagpintang Hapones (dahil ginagawa ang lahat ng ito sa karaniwang pagsulat at sepilyong pagpipinta, nabibilang ang mga ito bilang pinta).[2]

Habang bukas, isinisilarawan ang unang balumbon ng mga antropomorpikong kuneho at unggoy na naliligo at naghahanda para isang seremonya, isang magnanakaw na unggoy na tumatakbo mula sa mga hayop na may patpat at tinumba ang isang palaka mula sa isang masiglang seremonya. Dagdag dito, naglalaro at nakikipagbuno ang mga kuneho at unggoy habang lumahok ang isa pang pangkat ng mga hayop sa isang libing at nagdarasal ang palaka kay Buddha habang nagsasara ang balumbon.

Hinalaw din ang mga balumbon sa ilang mga nobela na nilathala ng Geijutsuhiroba, ang unang aklat na simpleng pinagsama ang mga balumbon sa isang paglalathala, na wala na ngayon sa imprenta. Lumahok ang isa sa mga aklat bilang bahagi ng seryeng Fine Arts Log ng kumpanya, gayon din ang ilan na eksklusibo sa ilang eksibisyon. Naglathala din ang ibang mga kumpanya tulad ng Misuzu Shobo at Shibundō ng mga aklat na batay sa Chōjū-jinbutsu-giga emakimono.

Bagaman kinikredito minsan ang Chōjū-jinbutsu-giga bilang unang manga,[3] may mga ilang alitan sa pahayagang Yomiuri Shimbun.

Kasaysayan

baguhin

Ang Chōjū-jinbutsu-giga emakimono, na pagmamay-ari ng templo ng Kōzan-ji sa Kyoto, Hapon bilang isang sinaunang pag-aaring pangkalinangan,[4][5] ay kadalasang inakala na pininta noong kalagitnaan ng ika-12 dantaon, samantalang, maaring nakapetsa ang ikatlong at ikaapat na mga balumbon mula sa ika-13 dantaon.[6][7]

Inakala ng karamihan na si Toba Sōjō ang lumikha ng Chōjū-jinbutsu-giga, na nilikha ang isang pinta na parang tulad ng Chōjū-jinbutsu-giga;[6] bagaman, mahirap itong iberipika.[8][9][10] Kinukutya ng mga guhit ng Chōjū-jinbutsu-giga ang mga paring Hapones noong panahon ng lumikha, nilalarawan sila bilang mga palaka, kuneho at matsing. Binabasa at nirorolyo ang Chōjū-jinbutsu-giga mula kanan patungong kaliwa na makikita pa rin sa manga at mga aklat na Hapones.[11] Nakredito ang Chōjū-jinbutsu-giga bilang ang pinakalumang gawa ng manga sa Hapon, at ito ay pambansang kayamanan, gayon din maraming animador na Hapon ang naniniwala na ito rin ang pinagmulan ng mga pelikulang animasyong Hapon.[6][12] Sa Chōjū-jinbutsu-giga, ginuhit ang mga hayop na may napakanagpapahayag na mga mukha at ginagamit din minsan bilang "mabilis na mga linya," isang kapamaraanan na ginagamit sa manga hanggang sa ngayon.[13] Ang emakimono tulad ng Chōjū-jinbutsu-giga at maraming iba pa ay bahagyang nakikita sa publiko hanggang napunta sila sa popular na kultura, na ginagaya ang istilo ng maraming karaniwang tao. Umusbong ang emakimono na napakapopular sa lungsod ng Ōtsu, Shiga, at binansagang Ōtsu-e pagkatapos ng popularidad nito sa lungsod noong mga ika-17 dantaon.[14] Ipinagkatiwala ang unang dalawang balumbon sa Pambansang Museo ng Tokyo, at ipinagkatiwala ang ikalawang dalawa sa Pambansang Museo ng Kyoto. Ang kasalukuyang mga balumbon na nakikita sa Kōzan-ji ay mga reproduksyon.[4][6][15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Paine and Soper, 139 (sa Ingles)
  2. Paine and Soper, 139-140 (sa Ingles)
  3. Ivanov, Boris (2001). Vvedenie v iaponskuiu animatsiiu (sa wikang Ruso) (ika-2 (na) edisyon). Moscow: Фонд развития кинематографии; РОФ «Эйзенштейновский центр исследований кинокультуры». p. 11. ISBN 5-901631-01-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Emaki Unrolled: Master Works of Illustrated Narrative Handscrolls" (sa wikang Ingles). Kyoto National Museum. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-18. Nakuha noong 2008-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Kozan - ji Temple" (sa wikang Ingles). Welcome to Kyoto. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-10. Nakuha noong 2009-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "Choju-Giga" (sa wikang Ingles). The Physiological Society of Japan. Nakuha noong 2008-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Paine and Soper, 139-140 (sa Ingles)
  8. Encyclopedia Nipponica (sa wikang Ingles). Tokyo-to, Chiyoda-ku: Shogakukan. ISBN 4-09-526022-X. OCLC 47377011.
  9. Shinmura, Izura (1993). Kōjien (sa wikang Ingles). Tokyo-to, Chiyoda-ku: Iwanami Shoten Publishing. ISBN 4-00-080111-2. OCLC 40787153.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Matsumura, Akira. Daijirin (sa wikang Ingles). Tokyo: Sanseidō Shoten. ISBN 4-385-14001-4. OCLC 19685451.
  11. Aoki, Deb. "Manga 101: The Pre-History of Japanese Comics" (sa wikang Ingles). About.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-26. Nakuha noong 2009-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Discovering the Origins of Animé in Ancient Japanese Art" (sa wikang Ingles). Web Japan. Nakuha noong 2009-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The Ancient Roots of Manga: The Choju Giga Scrolls" (sa wikang Ingles). Consulate-General of Japan in New York. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-03. Nakuha noong 2009-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Brenner, Robin E. (2007). "1". Understanding Manga and Anime (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Westport, Connecticut: Libraries Unlimited. p. 2. ISBN 978-1-59158-332-5. OCLC 85898238. uY8700WJy_gC. Nakuha noong 2009-01-18. [...] were rarely seen by the public but soon made their way into the culture of common people [...] and were dubbed Otsu-e because of their emergence and popularity around the city of Otsu around the seventeenth century [...] {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 鳥獣人物戯画巻断簡(ちょうじゅうじんぶつぎがかんだんかん) [Chōjū-jinbutsu-giga volume two letter] (sa wikang Hapones). Tokyo National Museum. Nakuha noong 2009-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy