Ebolusyon ng tao

Prosesong ebolusyonaryo na humantong sa kasalukuyang tao

Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng species na homo sapiens (tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang paglitaw ng homo sapiens bilang isang species ng genus na Homo. Ang ebolusyon ng tao ay sinusuportahan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang henetika, antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, at embryolohiya.

Pagpapakita ng pagkakatulad ng mga kalansay ng mga bakulaw: (mula kaliwa) gibbon, orangutan, chimpanzee, gorilla, at modernong tao. Ito ang frontispiece ng aklat ni Thomas Huxley na Evidence as to Man's Place in Nature (1863) na nagbibigay ebidensiya para sa ebolusyon ng ibang mga bakulaw at tao mula sa isang karaniwang ninuno.

Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa pakikipaghiwalay ng tao sa karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo (paglalakad gamit ang dalawang hita), pagsasalita, nawalang balahibo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, at lumiit na dimorpismong seksuwal.[1]

Ang mga pagbabagong ito sa modernong tao ay resulta ng mga mutasyon sa kromosoma o DNA na napili sa ninuno ng tao sa pamamagitan ng natural na seleksiyon sa paglipas ng napakahabang panahon. Ang mutasyon ang pareho ngunit hindi ang tanging mekanismo na nagpalitaw sa mga iba ibang species na makikita sa mundo ngayon.

Kasaysayan ng pag-aaral

baguhin
 
Fossil Hominid Evolution Display sa The Museum of Osteology, Oklahoma City, Oklahoma, USA

Bago ng kapanahunan ni Darwin, si Carl Linnaeus at iba pang mga siyentipiko ay tumuring sa mga dakilang bakulaw o apes na mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga tao dahil sa mga pagkakatulad sa morpolohiya at anatomiya. Ang salitang homo na pangalan ng genus sa biolohiya na kinabibilangan ng mga tao ay salitang Latin para sa tao. Ito ay orihinal na pinili ni Linnaeus sa kaniyang sistema ng klasipikasyon. Ang salitang "human" ay mula sa Latin na humanus na anyong pang-panguri ng homo. Ang salitang homo naman ay hinango sa ugat na Indo-Europeo na *dhghem, o lupa. Ang posibilidad ng pag-uugnay ng mga tao sa mga mas naunang bakulaw o apes sa pamamagitan ng pinagmulan ay naging maliwanag lamang pagkatapos ng publikasyon noong 1859 ni Charles Darwin ng On the Origin of Species (Sa Pinagmulan ng mga Espesye). Ang unang mga debate tungkol sa kalikasan ng ebolusyon ng tao ay lumitaw sa pagitan nina Thomas Huxley at Richard Owen. Nangatwiran si Huxley para sa ebolusyon ng tao mula sa mga bakulaw sa pamamagitan ng pagpapakita ng maraming mga pagkakatulad sa pagitan ng mga tao at bakulaw sa kanyang 1863 na aklat na Evidence as to Man's Place in Nature (Patunay sa Puwesto ng Tao sa Kalikasan). Gayunpaman, ang maraming mga sinaunang tagasuporta ni Darwin (gaya nina Wallace at Lyell) ay hindi umayon na ang pinagmulan ng mga kakayahang pang-isip at mga sensibilidad na moral ng mga tao ay maipapaliwanag ng natural na seleksiyon. Inilapat ni Darwin ang kanyang teoriya ng ebolusyon at seksuwal na seleksiyon sa mga tao nang kanyang ilimbag ang The Descent of Man (Ang Pinagmulan ng Tao) noong 1871. Ang isang pangunahing problema sa panahong ito ang kakulangan ng mga pagitang fossil. Sa kabila ng pagkakatuklas noong 1891 ni Eugène Dubois ng Homo erectus sa Java noon lamang mga 1920 nang ang mga fossil ay natuklasan sa Aprika at ang mga pagitang species ay natipon. Noong 1925, inilarawan ni Raymond Dart ang isang specimen ng Australopithecus africanus na tinawag na Batang Taung. Ang mga labi nito ay isang mahusay na naingatang munting bungo at endocranial na cast ng utak. Bagaman ang utak ay maliit, ang hugis ay bilugan hindi tulad ng mga chimpanzee at gorilya at mas tulad ng utak ng tao. Ang specimen na ito ay nagpapakita rin ng maikling ngiping canine at ang posisyon ng foramen magnum ay ebidensiya ng lokomosyong bipedal. Ang lahat ng mga katangiang ito ay humikayat kay Dart na ang Batang Taung ay isang bipedal na ninuno ng tao na isang anyong transisyonal sa pagitan ng mga bakulaw at tao. Noong mga 1960 at 1970, ang daang daang fossil ay natagpuan partikular na sa Silangang Aprika sa mga rehiyon ng Olduvai gorge at Lake Turkana. Noong mga 1980, ang Ethiopia ay lumitaw na mainit na lugar ng paleoantropolohiya kung saan si "Lucy" na pinakakumpletong kasapi ng Australopithecus afarensis ay natagpuan. Ang lugar na ito ang naging lokasyon ng maraming mga natuklasang fossil na hominin noong mga 1990 gaya ng Ardipithecus ramidus.

Ang rebolusyong henetiko sa mga pag-aaral ng ebolusyon ay nagsimula nang sukatin nina Vincent Sarich at Allan Wilson ang lakas ng immunological cross-reactions ng blood serum albumin sa pagitan ng mga pares ng mga species kabilang ang mga tao at aprikanong bakulaw. Ang lakas ng reaksiyon ay maihahayag ng numerikal bilang distansiyang immunological na proporsiyonal sa bilang ng pagkakiba ng asidong amino sa pagitan ng mga homologous proteins sa iba't ibang espesye. Sa paglikha ng isang calibration curve ng ID ng mga pares ng species na may alam na panahon ng paghihiwalay sa fossil record, ang data ay magagamit bilang isang orasang molekular upang tantiyahin ang mga panahon ng paghihiwalay ng mga pares ng mababang uri o hindi alam na mga fossil. Sa kanilang papel noong 1967 sa magasing Science, sina Sarich at Wilson ay nagbigay ng estimasyon ng paghihiwalay ng mga tao at bakulaw na apat hanggang limang milyong mga taong nakakalipas. Ang paglalapat ng orasang molekular ay nagpabago sa pag-aaral ng ebolusyong molekular. Ang ebidensiya ng ebolusyon ng tao ay batay sa maraming mga larangan ng natural na agham. Ang pangunahing mga pinagkukunan ng kaalaaman sa prosesong ebolusyon ay tradisyonal na fossil record ngunit sa simula ng pag-unlad ng henetika noong mga 1970, ang mga analysis ng DNA ay nagkaroon ng katumbas na kahalagahan. Ang pag-aaral ng ontoheniya, piloheniya at biyolohiyang ebolusyonaryong pagpapaunlad sa parehong mga bertebrata at imbertebrado ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran sa ebolusyon ng lahat ng buhay kabilang ang ebolusyon ng tao.

Ebolusyon ng tao

baguhin
 
Ang Notharctus na nabuhay sa Europa at Hilagang Amerika noong 50 milyong taong nakakalipas. Ang mga modernong lemur ay nag-ebolb mula sa mga primadong katulad ng genus na ito.
 
Ang Proconsul na nabuhay mula 23 hanggang 25 milyong taong nakakalipas noong panahong Miocene.

Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas.[2][3][4] Ang pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang mga maagang primado ay lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species na lemur ng Madagascar, mga loris ng Timog Silangang Asya, mga galago ng Aprika, at mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng mga Lumang Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao.[5] Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (mga hominoid at mga Lumang Daigdig na unggoy).[6] Ang mga hominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas.[7] Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 12-15 milyong taong nakakalipas.[8] Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas.[9] Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyang Pan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.[10][11] Ang DNA ng tao ay 99.4% katulad sa DNA ng mga chimpanzee[12] samantalang ang DNA ng tao ay 96% katulad sa DNA ng gorilla.[13] Ang ilang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga chimpanzee at bonobo ay mas malapit na nauugnay sa mga tao kesa sa mga gorilla.[14] Dahil sa labis na pagkakatulad ng mga chimpanzee at bonobo sa tao, iminungkahi ng ilang mga siyentipiko na muling uriin ang mga chimpanzee at bonobo sa genus na Homo: Homo paniscus at Homo troglodytes.[15] Ang alternatibong mungkahi ay dapat muling uriin ang tao bilang Pan sapiens bagaman ito ay lalabag a prinsipyo ng prioridad dahil ang Homo ay unang pinangalanan bago ang Pan. Ang pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin na posibleng ang pinagsasaluhang karaniwang ninuno ng parehong tao at chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa henus na Australopithecus.[16] Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas mula sa Australopithecus. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo ergaster/Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb sa Homo heidelbergensis at ang Homo heidelbergensis ay nagsanga naman sa mga neanderthal sa Europa at mga Homo sapiens sa Aprika. Ayon sa teoriyang kamakailang pinagmulang Aprikano ng tao, ang mga homo sapiens ay nagebolb sa Aprika mula sa Homo heidelbergensis noong mga 200,000 taong nakakaraan at lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang paglipat tungo sa pag-aasal na moderno ay nangyari pagkatapos nito. Ang tumaas na sopistikasyon ng paggawa ng kasangkapan at pag-aasal ay mula 80,000 taong nakakalipas. Ang buong modernong pag-aasal na kinabibilangan ng sining, musika, paghihiyas sa sarili, kalakal, mga libingang ritwal at iba pa ay ebidente noong 30,000 taong nakakalipas. Ang pinakamatandang mga halimbawa ng mga prehistorikong sining gaya ng mga pigurinang Venus at pagpipinta sa kweba sa kwebang Chauvet ay pinetsahan sa panahong ito.[17]

Mga genus

baguhin

Genus Australopithecus

baguhin
Homo ergaster na pinaniniwalaang ninuno ng Homo heidelbergensis

Ang genus na Australopithecus ay nagebolb sa silangang Aprika noong mga 4 milyong taong nakakalipas bago kumalat sa kontinente. Ito ay naging ekstinto noong 2 milyong taong nakakalipas. Sa panahon ng pag-iral nito, ang iba't ibang mga anyo nito ay lumitaw kabilang ang Australopithecus anamensis, Australopithecus afarensis, Australopithecus sediba, at Australopithecus africanus. Ang fossil record ay tila nagpapakita na ang Australopithecus ang karaniwang ninuno ng genus na Paranthropus(ang mga matipunong australopith) at ng genus na Homo na kinabibilangan ng mga homo sapiens. Bagaman ang katalinuhan ng mga Australopithecus ay malamang na hindi mas sopistikado kesa sa mga modernong bakulaw, ang pagtindig nitong bipedal(gamit ang dalawang hita) ang mahalagang ebidensiya na nagtatangi ng pangkat na ito mula sa mga naunang primado dito na mga quadruped(gamit ang apat na hita).

Genus Homo

baguhin

Bagaman ang ilang mga species ng genus na homo ay maaaring mga ninuno ng homo sapiens(modernong tao), ang marami sa mga ito ay malamang na mga pinsan ng homo sapiens na kapwa humiwalay sa linya na pang-ninuno. Ang henus na Homo ay nag-ebolb mula sa henus na Australopithecus. Ang Australopithecus garhi o Australopithecus sediba[18] ay pinaniniwalaang ang posibleng direktang ninuno ng henus na Homo. Ang paglitaw ng Homo ay tinatayang kasabay ng pagsisimula ng pagyeyelong quartenary. Malawakang pinaniniwalaan ng mga arkeologo at paleontologo na ang mga australopithecus ay gumampan ng isang mahalagang bahagi sa ebolusyon ng tao. Ito ang unang hominin na nagpakita ng presensiya ng isang gene na dinuplikang SRGAP2 na nagsanhi ng isang tumaas na haba at kakayahan ng mga neuron sa utak.[19] Ang homo habilis na nag-ebolb mula sa Australopithecus ay pinaniniwalaang nag-ebolb tungo sa homo ergaster na nagpalitaw sa Homo erectus. Gayunpaman, ito ay pinagtatalunan dahil ang ilang mga natuklasang fossil ay nagmumungkahi na ang H. habilis at H. erectus ay sabay nabuhay.[20] Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[21] Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa homo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang ilang homo ergaster ay lumipat sa Asya kung saan ang mga ito ay naging homo erectus sa Asya at homo georgicus sa Europa. Ang linya ng ergaster na lumisan sa Aprika at ninuno ng Asyanong homo erectus ay humiwalay mula sa linya ng homo egaster. Ang homo rhodesiensis na nag-ebolb mula sa homo ergaster ay lumipat mula sa Aprika tungo sa Europa at naging homo heidelbergensis. Ang H. heidelbergensis ay nagsanga sa mga species na Neanderthal at Homo sapiens at marahil ay pati sa denisova hominin sa Asya. Ang mga neanderthal ay nag-ebolb mula sa H. heidelbergensis noong mga 400,000 taong nakakalipas sa Europa[22] samantalang ang Homo sapiens(modernong tao) ay hiwalay na nag-ebolb mula sa H.heidelbergensis noong mga 200,000 at 100,000 taong nakakalipas sa Aprika. Noong mga 100,000 taong nakakalipas, ang ilang homo sapiens sapiens ay lumisan sa Aprika tungo sa levant at nakatagpo ang mga Homo neanderthalensis na may ilang mga admixture.[23] Kalaunan noong mga 70,000 taong nakakalipas marahil pagkatapos ng katastropiyang Toba, ang isang maliit na pangkat ay lumisan sa levant at pumuno sa Eurasya, Australya at kalaunan ay sa mga Amerika. Ang isang subgrupo ng mga ito ay nakatagpo ang mga denisovan[24] at pagkatapos ng karagdagang admixture, ay tumira sa Melanesia. Sa scenario na ito, ang mga hindi Aprikanong taong nabubuhay sa kasalukuyan ay halos may pinagmulan sa Aprika. Gayunpaman, may ilang admixture ang mga tao sa mga neanderthal at denisovan na nagebolb ng lokal. Ang resulta ng pag-aaral ng genome ay nagpapakita na noong mga 30,000 taong nakakalipas, ang tatlong mga pangunahing subspecies ng genus na homo ay sabay umiral: ang mga denisovan, ang mga neanderthal at ang mga anatomikal na modernong tao.[25] Ngayon, ang tanging H. sapiens sapiens ang tanging species na natitira ng genus na ito.

Paghahambing na talaan ng mga species ng henus na Homo
Species Nabuhay (milyong taong nakakalipas) Lugar kung saan nabuhay Taas ng matanda Masa ng matanda Cranial capacity (cm³) Fossil record Pagkakatuklas/ publikasyon ng pangalan
Denisova hominin 0.04 Altai Krai 1 lugar 2010
H. antecessor 1.2 – 0.8 Espanya 1.75 m (5.7 tal) 90 kg (200 lb) 1,000 2 sites 1997
H. cepranensis 0.5 – 0.35 Italy 1,000 1 skull cap 1994/2003
H. erectus 1.8 – 0.2 Africa, Eurasia (Java, China, India, Caucasus) 1.8 m (5.9 tal) 60 kg (130 lb) 850 (early) – 1,100 (late) Marami 1891/1892
H. ergaster 1.9 – 1.4 Silanganin at Katimugang Aprika 1.9 m (6.2 tal) 700–850 Marami 1975
H. floresiensis 0.10 – 0.012 Indonesia 1.0 m (3.3 tal) 25 kg (55 lb) 400 7 individuals 2003/2004
H. gautengensis >2 – 0.6 South Africa 1.0 m (3.3 tal) 1 individual 2010/2010
H. habilis 2.3 – 1.4 Aprika 1.0–1.5 m (3.3–4.9 tal) 33–55 kg (73–121 lb) 510–660 Marami 1960/1964
H. heidelbergensis 0.6 – 0.35 Europe, Africa, China 1.8 m (5.9 tal) 90 kg (200 lb) 1,100–1,400 Marami 1908
H. neanderthalensis 0.35 – 0.03 Europe, Western Asia 1.6 m (5.2 tal) 55–70 kg (121–154 lb) (heavily built) 1,200–1,900 Marami (1829)/1864
H. rhodesiensis 0.3 – 0.12 Zambia 1,300 Napakakaunti 1921
H. rudolfensis 1.9 Kenya 700 2 lugar 1972/1986
H. sapiens idaltu 0.16 – 0.15 Ethiopia 1,450 3 cranium 1997/2003
H. sapiens sapiens (modernong tao) 0.2 – kasalukuyan Buong mundo 1.4–1.9 m (4.6–6.2 tal) 50–100 kg (110–220 lb) 1,000–1,980 Kasalukuyang nabubuhay —/1758


Paglisan ng mga modernong tao mula sa Aprika

baguhin
 
Pagtawid sa Pulang Dagat

Sa kanyang aklat na Descent of Man, and Selection in Relation to Sex, iminungkahi ni Darwin ang mga tao ay nagmula sa mga bakulaw o apes na may mga maliliit pa ring mga utak ngunit naglalakad ng patayo na nagpalaya sa mga kamay nito para sa mga paggamit na pumapabor sa katalinuhan. Ang paghulang ito ni Darwin ay nag-aangkin ng kabatiran dahil noong 1871, wala pang mga anumang fossil ng mga sinaunang hominid na nakuha. Pagkatapos ng halos 50 taon mula kay Darwin, ang mungkahi ni Darwin ay sinuportahan nang ang mga antropologo ay nagsimulang makapaghukay ng maraming mga fossil ng mga sinaunang may maliit na utak na mga hominid sa ilang mga lugar sa Aprika. Ito ay karagdagang sinuportahan sa pag-unlad ng henetika at sa pagkakatuklas noong mga 1980 na ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa isang babae(o Mitochondrial Eve na umiral sa Aprika) sa panig ng ina ng lahat ng mga tao.

Ang ebidensiyang fossil at henetika ay nagpapakita na ang mga sinaunang homo sapiens ay nagebolb tungo sa mga modernong tao sa Aprika sa pagitan ng 200,000 at 150,000 taong nakakalipas[26] . Ang mga kasapi ng isang sangay ng homo sapiens ay lumisan mula sa Aprika sa pagitan ng 125,000 at 60,000 taong nakakalipas at sa paglipas ng panahon ay pumalit sa mas naunang mga populasyon ng Neanderthal at Homo erectus.[27] Ang petsa ng pinakamaagang matagumpay na paglisan mula sa Aprika ay noong mga 60,000 taong nakakalipas.

May mahalagang pagkakaibang biolohikal sa mga homo sapiens. Ang mga katangian gaya ng kulay ng balat, kulay ng mata, kulay at tekstura ng buhok, taas at anyo ng katawan, at mga katangiang pang bungo ay iba iba sa buong mundo. Halimbawa, ang mga gene na nagsasanhi sa mga matandang tao na magdigest na lactose ay matatagpuan sa mga populasyon na may mahabang mga kasaysayan ng domestikasyon ng mga baka na nagmumungkahi na ang natural na seleksiyon ay pumabor sa gene na nakasalalay sa gatas ng baka. Ang ilang mga sakit na namamana sa gene gaya ng Sickle cell anemia ay madalas sa mga populasyon mula sa mga lugar na ang malaria ay endemiko sa buong kasaysayan. Ang mga populasyon na tumira sa mga spesipikong klima gaya ng arktiko o tropikal o matataas na altitudo ay mas malamang na magkaroon ng mga phenotype na mapapakinabangan sa pagtitipid ng enerhiya sa mga kapaligirang ito. Ang pagiging maliit at mataba sa mga malalamig na klima, ang pagiging matangkad at payat sa mga maiinit na rehiyon at ang mga may mataas na kakayahan ng baga sa mga matataas na altitudo. Ang pagkakaiba sa kulay ng balat ng mga tao ay nag-iiba iba na ang mga may mas matiim na balat ay nasa ekwador kung saan ang karagdagang proteksiyon mula sa araw ay nagbibigay ng kapakinabangang pang-ebolusyon. Ang mga may mas maputla o puting balat ay nasa mga taong nasa polo kung saan ang kaunting liwanag ng araw at ang mas maputlang balat ay nagpapabuti ng sintesis ng bitamina D.

Mga ebidensiya ng ebolusyon ng tao

baguhin
 
Dalawang kromosomang nagsanib na naging kromosoma 2 sa tao.

Ang ebidensiya para sa ebolusyon ng mga homo sapiens mula sa isang karaniwang ninuno na pinagsasaluhan rin ng ibang mga dakilang bakulaw ay kinukumpirma ng mutasyon sa tao na nagsanhi ng isang dulo sa dulong pagsasanib ng dalawang mga kromosomang pangninuno na pinagsasaluhan ng mga bakulaw.[28][29][30]. Ang lahat ng mga kasapi ng hominidae ay mayroon 24 pares ng mga kromosoma maliban sa mga kasapi nitong tao, neanderthal at denisova hominin na may 23 pares lamang ng mga kromosoma. Ang mga ebidensiya ng pagsasanib na ito sa kromosoma 2 ng tao: ang pagtugma ng kromosoma 2 ng tao sa dalawang mga magkahiwalay na kromosoma ng mga malalaking bakulaw gaya ng chimpanzee, gorilya at orangutan,[31][32] ang presensiya sa kromosomang 2 ng tao ng mga labi ng isang ikalawang centromere na sa normal na kromosoma ay isa lamang[33], at ang presensiya ng mga bestihiyal na telomere na normal na matatagpuan lamang sa mga dulo ng isang kromosoma ngunit sa kromosomang 2 ng tao ay may karagdagang mga sekwensiya ng telomere sa gitna.[34] Dahil dito, ang kromosoma 2 ay nagbibigay ng napakalakas ng ebidensiya na pabor sa karaniwang pinagmulan ng mga tao at ibang kasapi ng hominidae(malalaking bakulaw).[34]

Sa pagsesekwensiya ng parehong mga genome ng mga tao at chimpanzee, ang mga kasalukuyang pagtatantiya ng pagkakapareho sa pagitan ng kanilang mga sekwensiya ng DNA ay sa pagitan ng 96% at 99%.[12][35][36] Sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraan na tinatawag na molecular clock na nagtataya ng panahong kailangan para sa bilang ng mga mutasyon naghihiwalay na natipon sa pagitan ng dalawang mga angkan, ang tinatayang petsa sa paghihiwalay sa pagitan ng mga angkan ay makukwenta. Ang petsa ng paghahati sa pagitan ng mga linyang tao at chimpanzee ay noong mga 4-8 milyong taong nakakalipas noong panahong Miocene.[37][38][39]

Ang istrukturang bestihiyal ang mga bahagi ng katawan na maliwanag na nawalan ng karamihan o lahat ng mga silbi sa isang species. Ang mga istrukturang bestihiyal ay kadalasang homologoso sa mga istruktura na normal na gumagana sa ibang species. Dahil dito, ang mga istrukturang bestihiyal ay itinuturing na ebidensiya para sa ebolusyon. Ang mga halimbawa ng mga istrukturang bestihiyal sa tao ay kinabibilangan ng appendix, butong buntot, wisdom teeth, ekstrang utong, Darwin's tubercle, loob ng sulok ng mata, mga goose bump, palmar grasp reflex, nabawasang olpaksiyon at junk DNA at iba pa. May mga istrukturang molekular na bestihiyal sa tao na hindi na ginagamit ngunit nagpapakita ng karaniwang ninuno sa ibang species. Ang isang halimbawa nito ang gene na L-gulonolactone oxidase na gumagana sa karamihan ng ibang mga mammal at lumilikha ng ensima na nagsisynthesize ng bitamina C.[40] Sa mga tao at ibang mga kasapi ng suborden na Haplorrhini, ang isang mutasyon ay hindi nagpagana ng gene at gumawa ritong walang kakayahang lumikha ng ensima. Gayunpaman, ang mga labi ng gene ay umiiral pa rin sa genome ng tao bilang isang bestihiyal na henetikong sekwensiya na tinatawag na pseudogene.[41] Ang isang mutasyon ay hindi nagpagana ng MYH16 gene sa tao ngunit gumagana sa ibang mga primado.[42] Ang mutasyon sa FOXP2 gene sa tao ay maaaring nakatulong sa ebolusyon ng pagsasalita at wika sa tao.[43] Ang gene na ito ay umiiral rin sa mga chimpanzee ngunit iba sa tao sa paghahalili ng dalawang asidong amino sa tao.[44] Sa mga tao na nagkaroon ng mutasyon sa kanilang FOXP2 gene, ito ay nagsasanhi ng malalang kahirapan sa kanilang pagsasalita at paggamit ng wika.[45]

Kasalukuyang ebolusyon ng mga tao

baguhin

Ang natural na seleksiyon ay nangyayari sa mga kasalukuyang modernong populasyon ng tao.[46] Halimbawa, ang populasyon na nanganganib sa malalang sakit na kuru ay may malaking sobrang representasyon ng anyo ng immune na prion protein gene G127V kesa sa hindi mga immune na allele. Ang prekwensiya ng mutasyon na ito ay sanhi ng survival ng mga taong immune.[47][48] Ang ibang mga direksiyong pang-ebolusyon sa ibang mga populasyon ng tao ay kinabibilangan ng paghaba ng panahong reproduktibo, pagbawas sa mga lebel ng cholesterol, blood glucose at blood pressure.[49] Ang Lactase persistence ang isang halimbawa ng kamakailang ebolusyon sa tao. Ang karamihan ng mga mammal ay normal na tumitigil sa paglikha ng ensima na lactase at nagiging lactose intolerant pagkatapos ng weaning. Gayunpaman, ang ilang mga populasyon ng tao ay nag-ebolb ng lactase persistence kung saan ang produksiyon ng lactase ay nagpapatuloy hanggang sa pagtanda ng mga ito. Tinatayang ang 75% ng mga matatandang tao sa buong mundo ay may isang nabawasang paglikha ng lactase.[50] Ang prekwensiya ng nabawasang gawaing paglikha ng lactase ay mula 5% sa hilagang Europa hanggang 71% sa Sicily hanggang sa 90% sa ilang mga bansang Aprikano at Asyano.[51] Ang distribusyon ng mga pagkakaiba sa paglikha ng lactase sa mga populasyon ng tao ay pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na sanhi ng natural na seleksiyon na pumabor sa mga patuloy paglikha ng lactase sa mga kultura ng tao na ang produktong gatas ay pinagkukunan ng pagkain.[52] Ito ay sanhi ng mga independiyenteng nangyaring mutasyon sa ilang mga populasyon ng taong meron nito.[53]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Boyd, Robert; Silk, Joan B. (2003). How Humans Evolved. New York, New York: Norton. ISBN 0-393-97854-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Lee, M. (1999). "Molecular Clock Calibrations and Metazoan Divergence Dates". Journal of Molecular Evolution. 49 (3): 385–391. doi:10.1007/PL00006562. PMID 10473780. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Scientists Push Back Primate Origins From 65 Million To 85 Million Years Ago". Science Daily. Nakuha noong 2008-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tavaré, S., Marshall, C. R., Will, O., Soligo, C. & Martin R.D. (Abril 18, 2002). "Using the fossil record to estimate the age of the last common ancestor of extant primates". Nature. 416 (6882): 726–729. doi:10.1038/416726a. PMID 11961552.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Kordos L, Begun D R (2001). "Primates from Rudabánya: allocation of specimens to individuals, sex and age categories". J. Hum. Evol. 40 (1): 17–39. doi:10.1006/jhev.2000.0437. PMID 11139358.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Robert W. Shumaker & Benjamin B. Beck (2003). Primates in Question. Smithsonian Institution Press. ISBN 1-58834-176-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Apes, Monkeys Split Earlier Than Fossils Had Indicated/". redOrbit.com. 8 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2011. Nakuha noong 6 Pebrero 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://www.orangutan.org/orangutan-facts/orangutan-biology
  9. http://www.abc.net.au/science/articles/2012/03/08/3448783.htm
  10. Won, Yong-Jin; Hey, Jody (13 Oktubre 2004). "Divergence population genetics of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 22 (2): 297–307. doi:10.1093/molbev/msi017. PMID 15483319.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Fischer, Anne; Wiebe, Victor; Pääbo, Svante; Przeworski, Molly (12 Pebrero 2004). "Evidence for a complex demographic history of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 21 (5): 799–808. doi:10.1093/molbev/msh083. PMID 14963091.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 http://news.bbc.co.uk/2/hi/science/nature/3042781.stm
  13. http://www.guardian.co.uk/science/2012/mar/07/gorilla-genome-analysis-new-human-link
  14. Takahata, N.; Satta, Y.; Klein, J. (1995). "Divergence time and population size in the lineage leading to modern humans". Theoretical Population Biology. 48 (2): 198–221. doi:10.1006/tpbi.1995.1026. PMID 7482371.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. http://news.nationalgeographic.com/news/2003/05/0520_030520_chimpanzees.html
  16. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-08. Nakuha noong 2013-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Musical behaviours and the archaeological record: a preliminary study" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-13. Nakuha noong 2013-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Reardon, Sara (2012), The Humanity Switch, New Scientist (AU/NZ), 12 May 2012 No2864, Pp. 10-11. ISSN 1032-1233
  20. Spoor F, Leakey M.G, Gathogo P.N, Brown F.H, Antón S.C, McDougall I, Kiarie C, Manthi F.K. & Leakey L.N. (2007), "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya", Nature 448(7154): p. 688-691.
  21. F. Spoor, M. G. Leakey, P. N. Gathogo, F. H. Brown, S. C. Antón, I. McDougall, C. Kiarie, F. K. Manthi & L. N. Leakey (2007-08-09). "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya". Nature. 448 (7154): 688–691. doi:10.1038/nature05986. PMID 17687323.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) "A partial maxilla assigned to H. habilis reliably demonstrates that this species survived until later than previously recognized, making an anagenetic relationship with H. erectus unlikely" (Emphasis added).
  22. http://www.theguardian.com/science/2013/jun/02/why-did-neanderthals-die-out
  23. Green RE, Krause J, et al. A draft sequence of the Neandertal genome. Science. 2010 May 7;328(5979):710-22. doi:10.1126/science.1188021 PMID 20448178
  24. ^ Reich D, Green RE, Kircher M, et al. (December 2010). "Genetic history of an archaic hominin group from Denisova Cave in Siberia". Nature 468 (7327): 1053–60. doi:10.1038/nature09710. PMID 21179161.
  25. Reich D ., et al. Denisova admixture and the first modern human dispersals into southeast Asia and Oceania. Am J Hum Genet. 2011 Oct 7;89(4):516-28, doi:10.1016/j.ajhg.2011.09.005 PMID 21944045.
  26. Reid GBR, Hetherington R (2010). The climate connection: climate change and modern human evolution. Cambridge, UK: Cambridge University Press. p. 64. ISBN 0-521-14723-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Meredith M (2011). Born in Africa: The Quest for the Origins of Human Life. New York: PublicAffairs. ISBN 1-58648-663-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  28. http://www.pbs.org/wgbh/evolution/library/07/3/l_073_47.html
  29. Human Chromosome 2 is a fusion of two ancestral chromosomes by Alec MacAndrew; accessed 18 May 2006.
  30. Evidence of Common Ancestry: Human Chromosome 2 (video) 2007
  31. Yunis and Prakash; Prakash, O (1982). "The origin of man: a chromosomal pictorial legacy". Science. 215 (4539): 1525–1530. Bibcode:1982Sci...215.1525Y. doi:10.1126/science.7063861. PMID 7063861. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Human and Ape Chromosomes Naka-arkibo 2017-09-06 sa Wayback Machine.; accessed 8 September 2007.
  33. Avarello, Rosamaria; Pedicini, A; Caiulo, A; Zuffardi, O; Fraccaro, M (1992). "Evidence for an ancestral alphoid domain on the long arm of human chromosome 2". Human Genetics. 89 (2): 247–9. doi:10.1007/BF00217134. PMID 1587535. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. 34.0 34.1 Ijdo, J. W.; Baldini, A; Ward, DC; Reeders, ST; Wells, RA (1991). "Origin of human chromosome 2: an ancestral telomere-telomere fusion". Proceedings of the National Academy of Sciences. 88 (20): 9051–5. Bibcode:1991PNAS...88.9051I. doi:10.1073/pnas.88.20.9051. PMC 52649. PMID 1924367. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Ajit, Varki and David L. Nelson. 2007. Genomic Comparisons of Humans and Chimpanzees. Annu. Rev. Anthropol. 2007. 36:191–209: "Sequence differences from the human genome were confirmed to be ∼1% in areas that can be precisely aligned, representing ∼35 million single base-pair differences. Some 45 million nucleotides of insertions and deletions unique to each lineage were also discovered, making the actual difference between the two genomes ∼4%."
  36. Ken Sayers, Mary Ann Raghanti, and C. Owen Lovejoy. 2012 (forthcoming, october) Human Evolution and the Chimpanzee Referential Doctrine. Annual Review of Anthropology, Vol. 41
  37. Dawkins, R. (2004) The Ancestor's Tale: A Pilgrimage to the Dawn of Life ISBN 0-618-00583-8
  38. Ruvolo, M. 1997. Genetic Diversity in Hominoid Primates. Annual Review of Anthropology , Vol. 26, (1997), pp. 515-540
  39. Ruvolo, Maryellen (1997). "Molecular phylogeny of the hominoids: inferences from multiple independent DNA sequence data sets". Molecular Biology and Evolution. 14 (3): 248–265. PMID 9066793.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Ohta, Y; Nishikimi, M (1999). "Random nucleotide substitutions in primate nonfunctional gene for L-gulono-gamma-lactone oxidase, the missing enzyme in L-ascorbic acid biosynthesis". Biochimica et Biophysica Acta. 1472 (1–2): 408–11. doi:10.1016/S0304-4165(99)00123-3. PMID 10572964.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Nishikimi M, Fukuyama R, Minoshima S, Shimizu N, Yagi K (Mayo 6, 1994). "Cloning and chromosomal mapping of the human nonfunctional gene for L-gulono-gamma-lactone oxidase, the enzyme for L-ascorbic acid biosynthesis missing in man". J. Biol. Chem. 269 (18): 13685–8. PMID 8175804. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 2, 2009. Nakuha noong Hunyo 9, 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  42. http://www.genecards.org/cgi-bin/carddisp.pl?gene=MYH16
  43. http://www.nature.com/news/language-gene-speeds-learning-1.9395
  44. http://www.livescience.com/5463-mice-human-version-speech-gene.html
  45. MacDermot KD, Bonora E, Sykes N, Coupe AM, Lai CS, Vernes SC, Vargha-Khadem F, McKenzie F, Smith RL, Monaco AP, Fisher SE (2005). "Identification of FOXP2 truncation as a novel cause of developmental speech and language deficits". Am. J. Hum. Genet. 76 (6): 1074–80. doi:10.1086/430841. PMC 1196445. PMID 15877281.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  46. "Darwin Lives! Modern Humans Are Still Evolving". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-17. Nakuha noong 2012-11-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Medical Research Council (UK) (Nobyembre 21, 2009). "Brain Disease 'Resistance Gene' evolves in Papua New Guinea community; could offer insights Into CJD". Science Daily (online). Science News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-22. Nakuha noong 2009-11-22. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Mead, Simon; Whitfield, Jerome; Poulter, Mark; Shah, Paresh; Uphill, James; Campbell, Tracy; Al-Dujaily, Huda; Hummerich, Holger; Beck, Jon; Mein, Charles A.; Verzilli, Claudio; Whittaker, John; Alpers, Michael P.; Collinge, John (2009). "A Novel Protective Prion Protein Variant that Colocalizes with Kuru Exposure". New England Journal of Medicine. 361 (21): 2056–2065. doi:10.1056/NEJMoa0809716. ISSN 0028-4793.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Byars, S. G.; Ewbank, D.; Govindaraju, D. R.; Stearns, S. C. (2009). "Natural selection in a contemporary human population". Proceedings of the National Academy of Sciences. 107 (suppl_1): 1787–1792. doi:10.1073/pnas.0906199106. ISSN 0027-8424.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Pribila, BA; Hertzler, SR; Martin, BR; Weaver, CM; Savaiano, DA (2000). "Improved lactose digestion and intolerance among African-American adolescent girls fed a dairy-rich diet". Journal of the American Dietetic Association. 100 (5): 524–8, quiz 529–30. doi:10.1016/S0002-8223(00)00162-0. PMID 10812376. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-24. Nakuha noong 2009-02-03. Approximately 75% of the world's population loses the ability to completely digest a physiological dose of lactose after infancy{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Bulhões, A.C.; Goldani, H.A.S.; Oliveira, F.S.; Matte, U.S.; Mazzuca, R.B.; Silveira, T.R. (2007). "Correlation between lactose absorption and the C/T-13910 and G/A-22018 mutations of the lactase-phlorizin hydrolase (LCT) gene in adult-type hypolactasia". Brazilian Journal of Medical and Biological Research. 40 (11): 1441–6. doi:10.1590/S0100-879X2007001100004. PMID 17934640.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Beja-Pereira A et al. Gene-culture coevolution between cattle milk protein genes and human lactase genes. Nat Genet 2003; 35: 311−313.
  53. Ingram CJ, Mulcare CA, Itan Y, Thomas MG, Swallow DM. 2009.Lactose digestion and the evolutionary genetics of lactase persistence. Hum Genet. 2009 Jan;124(6):579-91. Epub 2008 Nov 26.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy