Halamang-ugat

halamang malaman at nakakain ang ugat

Ang mga halamang-ugat[1] (Ingles: root vegetables) ay halaman na malaman ang ugat o may nakabaon na bahagi na nakakain ng tao. Lamang-ugat[2] naman ang tawag sa bunga o sa malamang bahagi nito. Nabubuhay at naglalaman ang mga halamang ito sa mga lupang madalas nasasairan ng tubig. Sinaunang pagkain ito ng mga tao. Sa katunayan, ito ang pagkain na panawid o pamawi gutom sa kabukiran pag hindi pa hinog ang mga butil ng palay sa kaingin, sa maraming bahagi ng Pilipinas noon at sa kasalukuyan. Ilan sa mga kilalang halamang-ugat sa bansa ang gabi, ube, kamoteng-kahoy, at kamote. Ang mga kakaning halaya, minatamis, ginataan, at suman ay gawa mula sa mga nasabing halaman, na madalas makita sa mga pamilihan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "halamang-ugat". UP Diksiyonaryong Filipino Online. Nakuha noong 15 Abril 2023. mga halámang gaya ng kamote, patatas, at katulad na itinatanim dahil sa malakí at nakakaing ugat.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "lamang-ugat". UP Diksiyonaryong Filipino Online. Nakuha noong 15 Abril 2023. bunga ng mga halámang-ugat na nakukuha sa ilalim ng lupa gaya ng kamote, gabe, ube, at iba pa.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy