Kalakhang Maynila
Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metropolitan Manila), tinatawag din bilang Pambansang Rehiyong Kapital[5] (Ingles: National Capital Region), ay ang kabiserang rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng Pilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod: ang Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Quezon, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may sukat na 619.57 square kilometre (239.22 mi kuw) at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015.
Kalakhang Maynilà Metro Manila ᜃᜎᜃ᜔ᜑᜅ᜔ ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ Kamaynilaan | |
---|---|
Pambansang Punong Rehiyon National Capital Region (NCR) | |
Pakanan (mula sa taas): Estasyong J. Ruiz, Kutang Santiago, Abenida Epifanio de los Santos, Bantayog ni Rizal, Katedral ng Maynila, Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino | |
Lokasyon sa Pilipinas | |
Mga koordinado: 14°35′N 121°00′E / 14.58°N 121°E | |
Bansa | Pilipinas |
Nangangasiwang entidad | Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila |
Naitatag | 7 Nobyembre 1975[1] |
Binubuo ng | |
Pamahalaan | |
• Uri | Kalakhang pamahalaan sa ilalim ng desentralisadong balangkas[2] |
• Konseho | Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila |
• Tagapangulo | Danilo Lim (LP) |
• Konsehal ng kalakhan | Konseho ng kalakhang Maynila |
Lawak | |
• Kalakhan at Rehiyon | 619.57 km2 (239.22 milya kuwadrado) |
Populasyon (senso ng 2020)[3] | |
• Kalakhan at Rehiyon | 12,877,253 |
• Kapal | 21,000/km2 (54,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 24,100,000 (Hindi pagtitipon, lugar ng kalakhan) |
mga demonym | Tagalog: Manileño(-a), Manilenyo(-a), Taga-Maynila Ingles: Manilan; Kastila: manilense,[a] manileño(-a) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
IDD : area code | +63 (0)2 |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-00 |
GDP (2020) | ₱5.8 trilyon $120.56 bilyon |
Bilis ng paglago | (7.5%) |
Pulisya | NCRPO |
Palatandaan ng pagunlad ng mga mamamayan (HDI) | 0.837 (Sobrang taas) |
Antas ng HDI | Pangalawa (2015) |
Websayt | mmda.gov.ph |
|
Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.
Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.
Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.
Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427[6]. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon[7][8].
Kasaysayan
baguhinKaharian ng Lusong
baguhinIsang makasaysayang kaharian na kilala bilang Maynila ang kabilang sa mga teritoryo na minsang nasaklaw sa mga sinaunang kaharian. Kasama rin dito ang mga isla sa paligid ng Maynila at Tondo, ngunit may mas maliit na kaharian din katulad ng Tambobong, Taguig, Pateros, at ang pinagtibay na kaharian ng Cainta.
Panahon ng Kastila, Himagsikan at Panahon ng Amerikano
baguhinNaging kabisera ito ng kolonyal na Pilipinas, at ang Intramuros ay nagsilbi bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal. Noong 1898, isinama ang lungsod ng Manila at 23 iba pang mga bayan. Ang Mariquina ay nagsilbi ring kabisera ng Pilipinas mula 1898–1899, noong inilipat ang soberanya ng Pilipinas sa Estados Unidos. Noong 1901, ang lalawigan ng Maynila ay pinawalangbisa at halos lahat ng teritoryo nito ay inilipat sa noo'y bagong lalawigan ng Rizal.
Mula pa noong panahong kolonyal ng mga Espanyol, ang Maynila ay itinuturing bilang isang orihinal na lungsod pandaigdig.
Ang galeon ng Maynila ay ang pinaka-unang kilalang kalakalan na naglayag sa rutang pangkalakaran sa Karagatang Pasipiko sa loob ng 250 taon, na nagdadala sa Espanya ng mga karagamentong may luho, benepisyong pang-ekonomiya, at pagpapalit ng kultura.
Heograpiya
baguhinMatatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan.
Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila.
Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.
Klima
baguhinAyon sa pagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon ay may tropikong basa at tuyo na klima at tropikong balaklaot na klima. Ang Kalakhang Maynila ay may maikling tagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at may pagkahabang tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.
Buwan | Enero | Pebrero | Marso | Abril | Mayo | Hunyo | Hulyo | Agosto | Setyembre | Oktubre | Nobyembre | Disyembre | Taon |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Katamtamang Mataas na Temperatura°C | 30 | 31 | 32 | 33 | 33 | 32 | 31 | 30 | 31 | 30 | 30 | 30 | 31 |
Katamtaman Kababaan ng Temperatura°C (°F) | 21 | 22 | 22 | 24 | 25 | 25 | 24 | 23 | 23 | 23 | 23 | 22 | 23 |
Ulan (cm) | 2 | 1 | 1 | 3 | 12 | 26 | 40 | 36 | 34 | 19 | 13 | 6 | 197 |
Pinagkunan: Weatherbase Naka-arkibo 2012-03-07 sa Wayback Machine. |
Pamahalaan at politika
baguhinMga lungsod at bayan
baguhinAng labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mga malayang lungsod na iniuri bilang "mga lungsod na mataas na urbanisado", at isang malayang bayan: Pateros.
Lungsod o bayan |
Retrato | Populasyon (2015)[3] | Lawak[a] | Densidad | Petsa ng pagsapi bilang lungsod | |||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
km2 | sq mi | /km2 | /sq mi | |||||
Caloocan | 12.3% | 1,583,978 | 53.20 | 20.54 | 30,000 | 78,000 | 1962 | |
Las Piñas | 4.6% | 588,894 | 32.02 | 12.36 | 18,000 | 47,000 | 1997 | |
Makati | 4.5% | 582,602 | 21.73 | 8.39 | 27,000 | 70,000 | 1995 | |
Malabon | 2.8% | 365,525 | 15.96 | 6.16 | 23,000 | 60,000 | 2001 | |
Mandaluyong | 3.0% | 386,276 | 11.06 | 4.27 | 35,000 | 91,000 | 1994 | |
Maynila | 13.8% | 1,780,148 | 42.88 | 16.56 | 42,000 | 110,000 | 1571 | |
Marikina | 3.5% | 450,741 | 22.64 | 8.74 | 20,000 | 52,000 | 1996 | |
Muntinlupa | 3.9% | 504,509 | 41.67 | 16.09 | 12,000 | 31,000 | 1995 | |
Navotas | 1.9% | 249,463 | 11.51 | 4.44 | 22,000 | 57,000 | 2007 | |
Parañaque | 5.2% | 664,822 | 47.28 | 18.25 | 14,000 | 36,000 | 1998 | |
Pasay | 3.2% | 416,522 | 18.64 | 7.20 | 22,000 | 57,000 | 1947 | |
Pasig | 5.9% | 755,300 | 31.46 | 12.15 | 24,000 | 62,000 | 1995 | |
Pateros | 0.5% | 63,840 | 1.76 | 0.68[b] | 36,000 | 93,000 | Hindi pa isang lungsod | |
Lungsod Quezon | 22.8% | 2,936,116 | 165.33 | 63.83 | 18,000 | 47,000 | 1939 | |
San Juan | 0.9% | 122,180 | 5.87 | 2.27 | 21,000 | 54,000 | 2007 | |
Taguig | 6.3% | 804,915 | 45.18 | 17.44 | 18,000 | 47,000 | 2004 | |
Valenzuela | 4.8% | 620,422 | 45.75 | 17.66 | 14,000 | 36,000 | 1998 | |
Kabuuan | 12,877,253 | 613.94 | 237.04 | 21,000 | 54,000 | |||
Mga distrito
baguhinHindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Kalakhang Maynila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito gamit ang Ilog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal.
Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod:
Mga distrito ng Kalakhang Maynila
| |||
---|---|---|---|
Distrito | Mga lungsod/bayan | Populasyon (2015) | Lawak |
Kabiserang Distrito (Unang Distrito) |
Maynila | 1,780,148 | 42.88 km2 (16.56 mi kuw) |
Silangang Distrito ng Maynila (Ikalawang Distrito) |
4,650,613 | 236.36 km2 (91.26 mi kuw) | |
Hilagang Distrito ng Maynila (CAMANAVA) (Ikatlong Distrito) |
2,819,388 | 126.42 km2 (48.81 mi kuw) | |
Katimugang Distrito ng Maynila (Ikaapat na Distrito) |
3,626,104 | 208.28 km2 (80.42 mi kuw) | |
Kalakhang Maynila | 12,876,253 | 613.94 km2 (237.04 mi kuw) | |
Mga pinagkunan: |
Ekonomiya
baguhinAng Pambansang Punong Rehiyon ay bumuo ng 36% ng pambansang kita noong 2018.[15]
Lugar ng Libangan at Palatandaan
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Transportasyon
baguhinAyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mga dyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemang daambakal.[16] Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan sa Metro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga impraestruktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan.[17][18]
Mga daan at lansangan
baguhinItinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads).
Isang mahalagang daang palibot ay ang Daang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon, Daang Samson sa Caloocan, at EDSA (Abenida Epifanio de los Santos]]. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ng Linya 3 ng MRT ang pagkakalinya ng EDSA mula Abenida Taft sa Pasay hanggang Trinoma malapit sa sangandaan nito sa Abenida North. Ang Daang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang panrehiyon ng Kamaynilaan at nagsisibi ring alternatibong ruta para sa C-4.
Ang pinakatanyag na daang radyal ay ang Daang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ng Kalye Bonifacio (Bonifacio Drive), Bulebar Roxas, at Manila–Cavite Expressway (o Coastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay ang Daang Radyal Blg. 3 (R-3), o ang South Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Laguna; Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ng Bulebar Ramon Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungong Rizal; Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon at San Jose del Monte, Bulacan; at Daang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ng Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan at Pampanga.
Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isang bagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping "E" (nangangahulugang "expressway" o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo.
Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang NAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatayo ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal. Metro Manila Interchange Project Phase IV).
Mga sistemang daambakal
baguhinKailangang isapanahon ang artikulong ito. |
May tatlong linyang daambakal ang Kalakhang Maynila, na pinangangasiwaan ng dalawang entidad. Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nagtatakbo ng Linya 1 (Linyang Lunti) at Linya 2 (Linyang Bughaw). Sa kabilang banda, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay nagtatakbo ng Linya 3 (Linyang Dilaw) na dumadaan sa EDSA.
Ang Unang Linya ay may 560,000 bilang ng mga mananakay kada linggo.[19] Noong Pebrero 2014, ang kabuuang bilang na 14.06 milyong pasahero ang gumamit ng Unang Linya habang 6.13 milyon naman ang gumamit ng Ikalawang Linya.[20]
Sa kasalukuyan, itinatayo ang Ikapitong Linya ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linyang Pula). Pag-nakumpleto, uugnayin nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Bulacan. Bukod pa riyan, isang common station na mag-uugnay ng Unang Linya, Ikatlong Linya, at Ikapitong Linya ay nakapanukala, subalit ang pagtatayo nito ay hinahadlangan ng burukrasya sa Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), mahigpit na alitan sa korporasyon, at mga usapin ukol sa ipinapanukalang lokasyon nito.[21][22][23][24]
Ipinanukala na ipapahaba ang Linya 1 papuntang Bacoor sa lalawigan ng Kabite.[19] Isang ikalawang pagpapahaba, ang Ika-anim na Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, ang mag-uugnay ng Bacoor sa Dasmarinas sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo. Sa ngayon, itinatayo ang Silangang Ekstensyon ng Linya 2. Ang silangang ekstensyon na ito ang mag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Rizal. Ipapahabain rin ito pakanluran sa hinaharap, at dahil diyan mas-dadami ang ugnayan sa mga lugar ng Divisoria at Pier 4 at ang Pantalan ng Maynila.
Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong riles pang-komyuter sa Kalakhang Maynila na tinatawag na PNR Metro South Commuter. Ang pangunahing estasyong terminal nito ay matatagpuan sa Tutuban sa Tondo. Kapag nakumpleto na ang kanlurang karugtong ng Linya 2, ang Tutuban ay magiging pinaka-maabalang estasyong palitan sa buong kalakhan, na may dagdag na isa pang 400,000 tao mula sa kasalukuyang 1 milyong tao na pumupuntang Tutuban Center.[25]
Himpapawid
baguhinAng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) na matatagpuan sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque ay ang primerang pasukan sa Kalakhang Maynila. Ito lamang ang paliparan na naglilingkod sa rehiyon at ito ang pinaka-abalang paliparan sa bansa.[26] Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay nahahati sa mga apat na terminal: ang Terminal 1, ang Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ng Philippine Airlines, ang Terminal 3 na pinakabago at pinakamalaki sa NAIA komplex, at ang Terminal 4 na kilala rin bilang Manila Domestic Passenger Terminal. Ang isa pang paliparan na naglilingkod sa Kalakhang Maynila ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark na matatagpuan sa Angeles, Pampanga.
Ferry
baguhinAng Pasig River Ferry Service na pinapatakbo ng MMDA ay ang sistemang shuttle na lantsang pantawid ng Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa Ilog Pasig mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Barangay Pinagbuhatan sa Pasig. Bagamat itinuturi itong ferry, mas-kahawig nito ang isang taksi na pantubig. Ito ay may labimpitong (17) estasyon, subalit labing-apat (14) lamang ang gumagana.
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1980 | 5,925,884 | — |
1990 | 7,948,392 | +2.98% |
1995 | 9,454,040 | +3.30% |
2000 | 9,932,560 | +1.06% |
2007 | 11,553,427 | +2.11% |
2010 | 11,855,975 | +0.95% |
2015 | 12,877,253 | +1.59% |
Sanggunian: Philippine Statistics Authority[6][27][28][3] |
Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na Bulacan, Kabite, Laguna, Rizal, at Batangas ay may populasyon na 24,123,000.[29] Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo.
12,877,253, ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungongAng mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ay Lungsod Quezon (2,936,116), Maynila (1,780,148), Caloocan (1,583,978), Taguig (804,915), Pasig (755,300), Parañaque (665,822), Valenzuela (620,422), Las Piñas (588,894), Makati (582,602), at Muntinlupa (504,509).
Mga slum
baguhinNoong 2014, tinatayang may apat na milyong mga tumitira sa mga slum sa Kalakhang Maynila. Isang pangunahing suliranin sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila ang kawalan ng tirahan.[30]
Edukasyon
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Kalusugan
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Seguridad at Pulisya
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Palingkurang-bayan
baguhinKuryente
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Tubig
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Komunikasyon
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Pamamahala ng mga Basura
baguhinAng parteng ito ay bakante. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ "Presidential Decree No. 824 November 7, 1975". lawphil.net. Arellano Law Foundation. Nakuha noong 14 Enero 2014.
- ↑ Manasan, Rosario; Mercado, Ruben (Pebrero 1999). "Governance and Urban Development: Case Study of Metro Manila" (PDF). Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series (99–03). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Disyembre 2018. Nakuha noong 15 Disyembre 2018.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3
Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑ "The Principal Agglomerations of the World". citypopulation.de. Nakuha noong 8 Disyembre 2017.
- ↑ "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 September 2021. Nakuha noong 27 Marso 2018.
- ↑ 6.0 6.1 "Final Results - 2007 Census of Population". Census Bureau of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 29-03-10.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Demographia World Urban Areas & Population Projections" (PDF). 2010. Nakuha noong 29 Marso 2010.
- ↑ "Official population count reveals..." Philippine National Statistics Office. 16-04-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-02. Nakuha noong 29-30-10.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
,|date=
, at|year=
/|date=
mismatch (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong) - ↑ "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology. November 14, 2013. Nakuha noong May 16, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)[patay na link] - ↑ "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology and Geoscience Australia. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Agosto 6, 2016. Nakuha noong May 16, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ "Land Use Classification". Municipality of Pateros. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 September 2008. Nakuha noong 7 April 2016.
- ↑ "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology. November 14, 2013. Nakuha noong May 16, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology and Geoscience Australia. Nakuha noong May 16, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ Pateros; Land Use Classification
- ↑ https://psa.gov.ph/grdp/grdp-id/138508. Philippine Statistics Authority.
- ↑ Katerina Francisco (5 Marso 2015). "Fixing traffic: Jeeps eyed as feeders to bus routes". Rappler. Nakuha noong 5 Marso 2015.
- ↑ "JICA transport study lists strategies for congestion-free MM by 2030". Japan International Cooperation Agency. 2 Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2015. Nakuha noong 27 Marso 2015.
- ↑ Jerry E. Esplanada (20 Abril 2014). "Japan presents $57-B 'dream plan' to solve Metro congestion". INQUIRER.net. Nakuha noong 27 Marso 2015.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ 19.0 19.1 "Line 1 Cavite Extension and Operation & Maintenance". Public-Private Partnership Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-16. Nakuha noong 24 Marso 2015.
- ↑ Marielle Medina. "Did you know: Lines 1 and 2 ridership". INQUIRER.net. Nakuha noong 24 Marso 2015.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ Kris Bayos (4 Pebrero 2015). "Common station at SM North EDSA pushed for LRT1, MRT3, and MRT7". Manila Bulletin. Nakuha noong 24 Marso 2015.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ Judith Balea (14 Hunyo 2014). "Why SM is after the MRT-LRT common station". Rappler. Nakuha noong 26 Marso 2015.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ Mick Basa (20 Nobyembre 2014). "DOTC eyeing another LRT-MRT common station". Rappler. Nakuha noong 26 Marso 2015.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ Danessa O. Rivera (1 Agosto 2014). "SC stops DOTC, LRTA from building common station in front of Trinoma". GMA News. Nakuha noong 26 Marso 2015.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ "Tutuban Center may become Manila's busiest transfer station". ABS-CBN News. Nakuha noong 21 Marso 2015.[patay na link]
- ↑ Darwin G. Amojelar (03 Hulyo 2012). "NAIA is Philippines' busiest airport - NSCB". InterAksyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-15. Nakuha noong 29 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong); no-break space character in|date=
at position 9 (tulong) - ↑ "2010 Census of Population and Housing: National Capital Region" (PDF). National Statistics Office of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 25 June 2012. Nakuha noong 6 April 2012.
- ↑ "National Capital Region. Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010" (PDF). National Statistics Office of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 November 2012. Nakuha noong 22 December 2012.
- ↑ Demographia (January 2015). Demographia World Urban Areas (PDF) (ika-11th (na) edisyon). Nakuha noong 2 March 2015.
- ↑ Paul Roy (18 September 2014). "In the slums of Manila, inequality is so bad that the worst off have no chance to protest". The New Statesman. Nakuha noong 4 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)