Omar Khayyam

(Idinirekta mula sa Omar Khayyám)

Si Omar Khayyam, binabaybay din bilang Omar Khayham, ay isang Persa na makata, astronomo, manunulat, at iskolar na namuhay noong ika-11 daantaon AD. Siya ang may-akda ng kalipunan ng kanyang mga gawa, ang Rubaiyat (bagaman hindi lahat ng mga dalubhasa ang naniniwalang siya ang umakda nito), na nalathala lamang dalawang daang taon pagkaraan ng kanyang kamatayan, at lumaong isinalin sa Ingles ni Edward Fitzgerald. Ipinanganak siya sa lungsod ng Nishapur, kasalukuyang Neyshabur ng Persiya (kasalukuyang Iran). Bilang isang dalubhasa, naitalaga siya sa tungkulin bilang royal na astronomo. Ginawa niya ang modernisasyon o pagiging makabago ng kalendaryong Persa. Kasama ng iba pang mga astronomo, itinayo niya ang isang obserbatoryo sa lungsod ng Isfahan. Bilang manunulat, nagsulat siya tungkol sa agham, batas, kasaysayan, matematika, at medisina.[2]

Omar Khayyam
Kapanganakan18 Mayo 1048 (Huliyano)
  • (Central District, Nishapur County, Razavi Khorasan Province, Iran)
Kamatayan4 Disyembre 1131 (Huliyano)
  • (Central District, Nishapur County, Razavi Khorasan Province, Iran)
Trabahomatematiko,[1] astronomo,[1] makatà,[1] lyricist, pilosopo, musiko, astrologo, manunulat, pisiko[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 https://cs.isabart.org/person/122075; hinango: 1 Abril 2021.
  2. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Was Omar Khayyam?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 74.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy