Pamantayang Oras ng Pilipinas

sona ng oras

Ang Pamantayang Oras ng Pilipinas (Ingles: Philippine Standard Time, dinadaglat bilang PST) o, sa paraang 'di-opisyal, ang Oras ng Pilipinas (Ingles: Philippine Time, dinadaglat bilang PHT), ay ang pangalang ginagamit sa Pilipinas upang mailarawan ang lokasyon nito sa mga sona ng oras ng daigdig. Ang modernong Pamantayang Oras ng Pilipinas ay itinatag sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 8, ang batas na nagbibigay-katuturan sa sistemang metriko, na inapruba noong Disyembre 2, 1978 at ipinatupad noong Enero 1, 1983.

Mga bansang nasa UTC+08:00 ay nasa dilaw.

Sa heograpiya, nakalagay ang Pilipinas sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' kanluran ng Punong Meridyano (Prime Meridian), at dahil dito, nasa loob ito ng UTC+8 na sona ng oras. Pinapanatili ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas, o PAGASA, ang Pamantayang Oras ng Pilipinas.

Noong dekada '90, dahil sa madalas na kawalan ng kuryente, ipinatupad ang oras ng tag-init (summer time o daylight saving time). Habang patuloy na gumaganda ang kalagayan ng mga sistemang pantransmisyon at pansuplay ng kuryente, pinawalang-bisa ang oras ng tag-init, at kasalukuyang hindi ito ginagamit.

Pormat ng petsa at oras

baguhin
  • Ingles: 11th (day) of April(,) 2015 at April 11, 2015
  • Kastila: 11 de abril de 2015
  • Filipino: ika-11 ng Abril, (taong) 2015 o Abril 11, 2015 (Ikalabing-isa ng Abril, (taong) dalawanlibo't labinlima o Abril (ika)labing-isa, (taong) dalawanlibo't labinlima)
Oras Ingles Kastila Filipino
1:00-11:59 am Morning Mañana Umaga
12:00-12:59 pm Noon Mediodía Tanghali
1:00-5:59 pm Afternoon Tarde Hapon
6:00-11:59 pm Evening/Night Noche Gabi
12:00-12:59 am Midnight Medianoche Hatinggabi
Oras Ingles Kastila Filipino
1:00 am One o'clock in the morning Una de la mañana Ika-isa ng umaga
7:00 pm Seven o'clock in the evening
Seven o'clock at night
Siete de la noche Ikapito ng gabi
1:15 Quarter past one
Fifteen past one
Forty-five to two
Three-quarter to two
Una y cuarto Kapat makalipas ikaisa
Labinlima makalipas ikaisa
Apatnapu't-lima bago mag-ikalawa
Tatlong-kapat bago mag-ikalawa
2:30 Half past two
Thirty past two
Half-way to three
Thirty to three
Dos y media Kalahati makalipas ikalawa
Tatlumpu makalipas ikalawa
Kalahating daan bago mag-ikatlo
Tatlumpu bago mag-ikatlo
3:45 Three-quarter past three
Forty-five past three
Fifteen to four
Quarter to four
Tres y cuarenta y cinco
Cuatro menos cuarto
Tatlong-kapat makalipas ikatlo
Apatnapu't-lima makalipas ikatlo
Labinlima bago mag-ikaapat
Kapat bago mag-ikaapat
4:25 Twenty-five past four
Thirty-five to five
Cuatro y veinticinco Dalawampu't-lima makalipas ikaapat
Tatlumpu't-lima bago mag-ikalima
5:35 Thirty-five past five
Twenty-five to six
Cinco y treinta y cinco
Seis menos veinticinco
Tatlumpu't-lima makalipas ikalima
Dalawampu't-lima bago mag-ikaanim

Silipin din

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy