Si Suryavarman II (Khmer: សូរ្យវរ្ម័នទី២) postumong pinapangalan bilang Paramavishnuloka, ay isang haring Khmer mula 1113 AD hanggang sa mga 1145-1150 AD at ang nagtayo ng Angkor Wat, ang pinakamalaking relihiyosong bantayog sa buong mundo na inihandog sa Diyos ng Hindu na si Vishnu. Nagdulot ang kanyang paghahari na may pambantayog na arkitektura, maraming kampanyang militar, at panunumbalik ng matibay na pamahalaan sa pagraranggo sa kanya ng mga dalubhasa sa kasaysayan bilang isa sa mga pinakadakilang hari ng imperyo.

Suryavarman II
Dakilang Hindu-Budistang Haring-Emperador ng Imperyong Khmer

Si Haring Suryavarman II na isinasalarawan sa isang bas-relief o pag-uukit
sa Angkor Wat
Hari ng Imperyong Khmer
Panahon 1113–1150
Sinundan Dharanindravarman I
Sumunod Dharanindravarman II
Buong pangalan
Suryavarman II
Pangalan pagkamatay
Paramavishnuloka
Ama Ksitindraditya
Ina Narendralakshmi
Kapanganakan ika-11 dantaon A.D.
Angkor
Kamatayan 1145/1150
Angkor
Pananampalataya Hinduismo

Maagang buhay

baguhin

Mukhang lumaki si Suryavarman sa isang panlalawigang ari-arian, sa panahon ng mahinang sentrong pagkontrol ng imperyo. Tinala ng isang inskripsyon na ang kanyang ama ay si Ksitindraditya at ang kanyang ina ay si Narendralakshmi. Bilang batang prinsipe, nagmaneobra siya sa kapangyarihan, nakikipagtalo na siya ang lehitimong tagapagmana ng trono. “Sa dulo ng kanyang pag-aaral,” sabi sa isang inskripsyon, “sinang-ayunan niya ang pagnanais na makaroon ng pahaharing dignidad ang kanyang pamilya.” Lumilitaw na nakipag-usap siya sa isang karibal na naghahabol sa trono mula sa linya ni Harshavarman IIII, marahil si Nripatindravarman, na humawak ng kapangyarihan sa timog, pagkatapos kailangan nilang paganahin ang matanda at higit sa lahat, di-epektibong haring Dharanindravarman I, ang kanyang abuwelo o lolo sa tiyuhin. “Ang pag-alis sa lupain ng labanan, ang karagatan ng kanyang hukbo, naghatid siya ng kakila-kilabot na laban,” sabi sa isang inskripsyon. “Ginapos sa ulo ng elepante ng kaaaway na hari, pinaslang niya siya, tulad kay Garuda sa gilid ng isang bundok na pinatay ang isang serpyente..”[1] Hindi sumang-ayon ang mga iskolar sa kung tumutukoy ang wikang ito sa pagkamatay ng naghahabol sa trono sa katimugan o si Haring Dharanindravarman. Nagpadala din ng misyon si Suryavarman II sa Dinastiyang Chola ng timog Indya at ipinakita ang isang mahalagang batong-hiyas sa Emperador ng Chola na si Kulothunga Chola I noong 1114 CE.[2]

Naluklok si Suryavarman noong 1113 AD.[3]:159 Pinangasiwaan ng isang may edad na pantas na Brahmin na nagngangalang Divakarapandita ang seremonya, ito ang pangatlong beses na pinangasiwaan ng pari ang koronasyon. Ang mga inskripsyong nakatala ay nagsasabing pinag-aralan ng bagong monarko ang mga banal na mga ritwal, nagdiwang ng mga pistang panrelihiyon, at nagbigay ng mga regalo sa mga pari tulad ng mga palangkin, pamaypay, korona, timba at singsing. Nagsimula ang pari sa isang mahabang paglilibot sa mga templo sa imperyo, kasama na ang tuktok ng bundok Preah Vihear, na inilaan niya ng isang gintong rebulto ng sumasayaw na Shiva.[4] Nangyari ang pormal na koronasyon ng hari noong 1119 AD, na si Divakarapandita muli ang nagsagawa ng mga seremonya.

Ang unang dalawang mga pantig sa pangalan ng monarko ay isang salitang-ugat sa wikang Sanskrit na nangangahulugang "araw." Tradisyunal ang hulapi ang Varman ng dinastiyang Pallava na pangkalahatang sinasalin bilang "kalasag" o "tagapagtanggol," at hiniram ng mga lahi ng haring Khmer.

Buhay at paghahari

baguhin

Noong mga dekada sa kapangyarihan, pinag-isa ng hari ang imperyo. Pinarangalan siya ng mga kakampi. Nagsagawa siya ng malaking operasyong militar sa silangan laban sa mga Cham, subalit hindi ito ganoong matagumpay.[5]:113–114

Kamatayan at pagmamana

baguhin

Ipinapahiwatig ng ebidensya sa inskipsyon na namatay si Suryavarman II noong sa pagitan ng 1145 AD at 1150 AD, posible noong kampanyang militar laban sa Champa. Si Dharanindravarman II, isang pinsan, anak ng kapatid ng ina ng hari, ang humalili sa kanya. Nagsimula ang isang panahon ng mahinang pamumuno at pagtatalo.[5]:120

Nagbigyan si Suryavarman ng postumong pangalan na Paramavishnuloka, na ang ibig sabhin ay "Siya Na Pumasok sa Makalangit na Mundo ni Vishnu." Lumalabas na natapos lamang ang paggawa ng Angkor Wat pagkatapos niyang namatay.[5]:118

Mga sanggunian

baguhin
  1. Briggs, "The Ancient Khmer Empire," p. 187. (sa Ingles)
  2. A History of India Hermann Kulke, Dietmar Rothermund: p.125 (sa Ingles)
  3. Coedès, George (1968). Walter F. Vella (pat.). The Indianized States of Southeast Asia (sa wikang Ingles). trans.Susan Brown Cowing. University of Hawaii Press. ISBN 978-0-8248-0368-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Higham, "The Civilization of Angkor," p. 113 (sa Ingles).
  5. 5.0 5.1 5.2 Higham, C., 2001, The Civilization of Angkor, London: Weidenfeld & Nicolson, ISBN 9781842125847 (sa Ingles)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy