Pumunta sa nilalaman

Ika-6 na dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 526)
Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  500 dekada 510 dekada 520 dekada 530 dekada 540
dekada 550 dekada 560 dekada 570 dekada 580 dekada 590
Ang mundo noong simula ng mundo noong ika-6 na siglo AD.

Ang ika-6 na dantaon ay isang panahon mula 501 hanggang 600 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Sa Kanluran, minarka ang panahon na ito bilang ang katapusan ng Klasikong Antikwidad at ang simula ng Gitnang Panahon. Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano noong huling bahagi ng nakaraang siglo ay nag-iwan sa Europa ng pagbali sa maraming maliit na Alemang kaharian na mabangis na nakikipagkumpitensya para sa lupain at yaman. Mula sa pag-aalsa, bumangon sng mga Pranko sa katanyagan at inukit ang isang may kalakihan dominyo na tinatakpan ang karamihan ng makabagong Pransya at Alemanya. Habang, nagsimula ang natitirang Kanlurang Imperyong Romano na lumaki sa ilalim ni Emperador Justiniano I, na muling binihag ang Hilagang Aprika mula sa Vandals at sinubok na ganap na muling makuha ang Italya, sa pag-asa na muling ibalik ang kontrol ng Romano sa mga lupain ng minsa'y pinamunuan ng Kanlurang Imperyong Romano.

Sa ikalawang nitong Ginintuang Panahon, naabot ng Imperyong Sasanida ang tuktok ng kapangyarihan nito sa ilalim ni Khosrau I noong ika-6 na siglo.[1] Ang klasikong Imperyong Gupta ng Hilagang Indya, ay higit na nasobrahan ng mga Huna, ay natapos noong gitnang ika-6 na dantaon. Sa Hapon, ang panahong Kofun ay nagbigay-daan sa panahong Asuka. Pagkatapos na mahati sa higit sa 150 taon sa mga Dinastiya sa Katimugan at Hilaga, muling napag-isa ang Tsina sa ilalim ng Dinastiyang Sui tungo sa dulo ng ika-6 na siglo. Nanatili ang Tatlong Kaharian ng Korea sa buong siglo. Naging pangunahing kapangyarihan ang Göktürks sa Gitnang Asya na tinalo ang Rouran.

Sa mga Amerika, nagsimulang manghina ang Teotihuacan noong ika-6 na siglo pagkatapos ng maabot ang tugatog nito sa pagitan ng AD 150 and 450.

Mahalagang tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Haring Arturo, malaamat na Britong hari at nagtagumpay sa mga Anglosahon
Haring Arturo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Roberts, J: "History of the World.". Penguin, 1994. (sa Ingles)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy