Pumunta sa nilalaman

Meson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mesonikong molekula)

Sa pisikang partikula, ang isang meson ( /ˈmzɒn,_ˈmɛzɒn/) ay isang uri ng partikulang subatomikong hadroniko na binubuo ng pantay na bilang ng mga quark at antiquark, na kadalasang isa sa bawat isa, magkasamang nakagapos ng interaksiyong malakas. Dahil binubuo ang mga meson ng subpartikulang quark, mayroon silang makabuluhang pisikal na laki, isang diyametro ng halos isang pemtometro (10−15 m),[1] na mga 0.6 beses ang laki sa proton o neutron. Hindi matatag ang lahat ng meson, na ang pinakamahabang tumagal ay hanggang sa iilang ikasampung ng isang nanosegundo. Nabubulok ang mga mas mabigat na mga meson sa mas magaang meson at sa huli, sa mas matatag na mga elektron, neutrino at poton.

Sa labas ng nukleyo, lumilitaw lamang ang mga meson sa kalikasan bilang mga produktong may maikling tagal ng napakataas na enerhiyang mga banggaan sa pagitan ng mga partikula na gawa sa quark, tulad ng mga sinag kosmiko (mataas na enerhiyang mga proton at neutron) at materyang baryoniko. Nakagawiang artipisyal na gawin ang mga meson sa mga siklotron o ibang mga akselerador ng partikula sa mga pagbabangga ng mga proton, antiproton, o ibang partikula.

Nilikha ang mas mataas na enerhiya (mas malaki at mabigat) na meson saglit sa Big Bang, subalit hindi inisip na may gampanin sa kalikasan ngayon. Bagaman, ang mga ganitong mabigat na meson ay regular na nililikha sa mga eksperimento sa akselerador ng partikula na sinisiyasat ang kalikasan ng mas mabigat na quark na binubuo ng mas mabigat na meson.

Mula sa mga konsiderasyong teoretikal, noong 1934, hinulaan ni Hideki Yukawa[2][3] ang pagkakaroon at ang tinatayang masa ng "meson" bilang tagadala ng puwersang nukleyar na sama-samang hinahawak ang nukleyong atomiko.[4]

Molekulang mesoniko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang molekulang mesoniko ay isang pangkat ng dalawa o higit pa na meson na magkasamang ginagapos ng puwersang malakas.[5][6] Hindi tulad ng mga molekulang baryoniko, na binubuo ang mga nukleyo ng lahat ng mga elemento sa kalikasan maliban sa hidroheno-1, hindi pa tiyak na mamasid ang molekulang mesoniko.[7] Ang X(3872) na natuklasan noong 2003 at ang Z(4430) na natuklasan noong 2007 sa pamamagitan ng eksperimentong Bell ay ang pinakamainam na mga kandidato para sa ganoong oberbasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Griffiths, D. (2008). Introduction to Elementary Particles (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Wiley-VCH. ISBN 978-3-527-40601-2.
  2. "Nobel Prize in Physics 1949". Presentation Speech (sa wikang Ingles). The Noble Foundation. 1949.
  3. Yukawa, H. (1935). "On the Interaction of Elementary Particles" (PDF). Proc. Phys.-Math. Soc. Jpn. (sa wikang Ingles). 17 (48).
  4. Yukawa, Hideki (1935). "On the Interaction of Elementary Particles. I". Nippon Sugaku-Buturigakkwai Kizi Dai 3 Ki (sa wikang Ingles). 17. 日本物理学会、日本数学会: 48–57. doi:10.11429/ppmsj1919.17.0_48.
  5. Trutnev, Yuri A. (1998). In The Intermissions: Collected Works On Research Into The Essentials Of Theoretical Physics In R (sa wikang Ingles). World Scientific. p. 106. ISBN 978-981-4495-65-3. Nakuha noong 23 Hunyo 2020.
  6. Hughes, Vernon (2012). Muon Physics V3: Chemistry and Solids (sa wikang Ingles). Elsevier. p. 189. ISBN 978-0-323-15616-5. Nakuha noong 23 Hunyo 2020.
  7. Jungmann, Klaus; Hughes, Vernon W.; Putlitz, Gisbert zu (2012). The Future of Muon Physics: Proceedings of the International Symposium on The Future of Muon Physics, Ruprecht-Karls-Universität Heidelberg, Heidelberg, Federal Republic of Germany, 7–9 May, 1991 (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. ISBN 978-3-642-77960-2.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy