Pumunta sa nilalaman

Teorya ng probabilidad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teoriya ng probabilidad)

Ang teoriya ng probabilidad ang sangay ng matematika na humihinggil sa pagsusuri ng mga randomang penomena. Ang sentral na mga obhekto ng teoriya ng probabilidad ang mga randomang bariabulo, mga prosesong stokastiko at mga pangyayari na mga matematikal na abstraksiyon ng mga hindi-deteministikong mga pangyayari o mga sinusukat na kantidad na maaaring isang pangyayari o nagbabago sa paglipas ng panahon sa isang maliwanag na paraang randoma. Kung ang isang indibidwal na paghagis ng barya o pag-ikot ng isang dice ay itinuturing na isang randomang pangyayari, kung gayon kung ito ay uulitin ng maraming mga beses, ang sekwensiya ng mga randomang pangyayari ay magpapakita ng mga tiyak na paterno(patterns) na maaaring pag-aralan at hulaan. Ang dalawa sa mga representatibong mga resulta na naglalarawan ng mga gayong paterno ang batas ng malalaking mga bilang at ang teoremang sentral na limitasyon.

Bilang pundasyong matematikal ng estadistika, ang teoriya ng probabilidad ay mahalaga sa maraming mga gawaing pantao na sumasangkot sa pagsusuring kwantitatibo ng mga malalaking mga pangkat ng mga data. Ang mga paraan ng teoriya ng probabilid ay lumalapat rin sa mga deskripsiyon ng mga komplikadong sistema sa ibinigay lamang na parsiyal o bahaging kaalaman ng mga estado nito gaya ng sa estadistikal na mekaniks. Ang isang dakilang pagkakatuklas ng ika-20 siglong pisika ang probabilistikong kalikasan ng mga pisikal na penomena sa mga skalang atomiko na inilalarawan ng mekaniks na kwantum.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy