Animals in The Philippines
Animals in The Philippines
Animals in The Philippines
Sa pisikal, ang Aspin ay may iba't ibang laki. Ang mga ganap na lumaki ay 12-19 pulgada at ang balahibo
nito ay kadalasang maikli o magaspang at may kulay na kayumanggi, itim o puti.
Ang mga Aspins ay ipinalaki ayon sa tradisyon bilang mga bantay na aso sa bahay o ari-arian. Mahusay din
sila bilang mga kasama sa mga bata dahil sa kanilang debosyon sa mga miyembro ng pamilya. Kadalasan
ay pinagkakatiwalaan sila ng kanilang mga may-ari upang maglibot sa kapitbahayan upang makihalubilo
sa iba pang mga aso na kadalasan napagkamalan na ligaw na aso ng mga dahuyan.
Ang malunggay, na may pangalang pang-agham na Moringa oleifera at Moringa pterygosperma ay ang
pinaka malawakang itinatanim at inaalagaang espesye ng saring Moringa, na nag-iisang sari sa pamilyang
Moringaceae.
Sa mga bansang umuunlad katulad ng Pilipinas, ang malunggay ay maaaring makapagpainam ng nutrisyon,
makapagbunsod ng seguridad sa pagkain, makapagkandili ng kaunlarang rural, at makapagsuporta ng
tuluy-tuloy na pangangalaga sa kalagayan ng lupa. Maaari itong gamitin bilang pakain para sa mga alagang
baka, isang likidong mikronutriyente, isang likas na anthelmintiko (pampaalis ng mga bulating parasitiko
mula sa katawan ng tao), at posibleng adhubante (pantulong sa mga ahenteng gamot na katulad ng
bakuna at iba pa).
Noong Abril 2012, ang Moringa oleifera ay ipinamalas sa Dr. Oz Show bilang isang suplemento upang
mapainam ang antas ng enerhiya at pangkabuoang kapakanan ng tao. Iniharap ni Dr. Oz ang malunggay
bilang mga supot ng tsaa.