Movie Review
Movie Review
Movie Review
This movie is a 1998 Filipino biographical film of the Philippine national hero José Rizal directed
by Marilou Diaz-Abaya and starring Cesar Montano as José Rizal.
Dr.Jose Rizal, our National Hero was a noble person. The movie was saying what was the real meaning of
"Patriotism" that was being instilled in every Filipino's mind. The movie focuses on the condition of the
society and also to the government at the time of the Spanish Colonization. With the use of the novels,
"Noli Me Tangere and El Filibusterismo" written by himself the Filipinos have been awaken to the reality
such as the abusive ways of the Spaniards towards the Filipino people. It really gave the picture of
abusing and oppression of the Spanish Government and also the Friars. Because of that, Dr. Jose Rizal
finally realized that writing was the best way on how to awake the hearts of these poor Filipino and that
the start of the climax, the start of fighting.Rizal didn't really stay being blind,mute and deaf in fighting
the condition of the Filipino. He also criticized the Friars in using the religion for abusing the people.The
movie had successfully showed some of the characteristics of the Filipino like being brave and Patriotism
especially at the time of Rizal. But lastly, the most important for him was to give his country the freedom
and justice until the end of his life.
The movie pertains the life of our National Hero, Dr. Jose Rizal. Describing his youthful life, his studies,
his life when he was endeavoring in the other country, his journey, his life when he was in Dapitan and
finally his life when death was approaching to him.
The focus of the camera is very clear and it helps the scene to be seen truly. The pictures on the movie is
clear. Obviously, the actions and on how the actors and actresses move is very truthful in the eyes of the
viewers. the setting like mountains or hills, the farms and the surrounding are also clear. They also
carefully used the technologies in order to give more of the quality of the movie.
The Jose Rizal movie is considered as an Obra Maestra directed by a Veteran
Director named Marilou Diaz- Abaya. She is really a daughter of an art and this movie proved that. Her
ways are very effective in giving the real happenings in the life of Dr. Jose Rizal. the movie was being
portrayed clear and the viewers would really believed that it was really as it was before from the setting,
actors and actresses and also the time.
Flashback.We can really see from its whole movie because the story started at the jail. This happened
when his death was approaching. He talked to Atty. Jose Taviel de Andrade. He narrated his life from
being a child until being a grown-up man. He also narrated his love for the country until to his death.
The story primarily focuses on the life of Rizal as a good son, respectful and intelligent student and a
true gentleman. It focuses also to his works in arts but not in every woman who got involved to
him.Obviously, the role of the women before was they dont have major role in speaking but on the
action that's very essential in delivering the message. Lastly, we can see here also the works of Jose Rizal
such as the two novels mentioned above.
Mr. Cesar Montano, the primary actor is a great actor. Even in speaking spanish and how to forge the
handwritten of Jose Rizal and these help the movie to be effective. The supporting actors and actresses
are also great in giving their roles,portraying it right and the message is effective.
I can really recommend this to all viewers because there are a lot of values that can we get from the
movie even if it has violence.
I. PAMAGAT
JOSE RIZAL
I. MGA TAUHAN
-ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor,
iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon. Sumulat ng dalawang
nobela: Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan ipinapakita dito ang kanyang mithiin na matigil
na ang pagmamatrato ng mga Kastila at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang rebolusyon
imbis na sa madugong labanan.
-si Crisostomo Ibarra ay ang pangunahing tauhan ni Rizal sa nobelang “Noli me Tangere”. Isang
binatang Pilipino na nagtapos ng pag-aaral sa Europa at nagbalik sa Pilipinas. Samantala, si Simoun (palit
anyo ni Ibarra) na may balbas at salamin. Bumalik sa Pilipinas bilang isang mangangalakal ng hiyas. Sa
bandang huling bahagi ng Pelikula, isang kakaibang eksena ang naganap na kung saan si Simoun ay
inuudyok si Rizal na magsulat bago pa man siya barilin sa Bagumbayan.
-isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala kay Rizal pero sa pagbabahagi ng buhay ni
Rizal kay Taviel sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin at naging isang kaibigan.
-ang maybahay ni Don Francisco Mercado at ina ni Jose Rizal. Nagturo kay Rizal ng abakada sa edad
na tatlong taon
-kapatid ni Rizal at pangalawang anak nina Teodora at Francisco Mercado. Ang nagpayo kay Rizal na
mag-aral na lisanin ang bansa at mag-aral sa Espanya.
-miyembro ng Katipunan na inutusan ni Bonifacio para bisitahin si Rizal sa Dapitan. Humingi siya ng
opinion tungkol sa planong rebolusyon pero si Rizal ay tumanggi dito dahil mas pabor siya sa
mapayapang paraan.
Sa Buong Pelikula
III. BUOD
Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Saklaw nito
ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan at
mamatay sa kamay ng mga Kastila. Ipinapakita rin dito ang kanyang malawak na imahinasyon: ang
kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan ipinapakita dito ang
kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila, gisingin ang mundo sa pang-aabuso ng
pamahalaan ng Espanya at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang paraan imbis na sa
madugong labanan.
Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela.
Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo na naging daan para mabuhay ang puso ng mga Pilipino upang
maghimagsik at makamit ang inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa pamahalaan ng Espanya.
Inilahad dito ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Pilipino Dahil sa mga nobelang ito, ang
pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pinuno ng rebolusyon. Maging ang
kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para umamin na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing
rebelasyon.
Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay may isang alipin o
tagasilbi na nakakakuwentuhan niya ng kanyang buhay. Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung
paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez,
Burgos at Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo at ang kwento ng batang gamo-
gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit
ng apelyidong Mercado sa Rizal, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa
problema sa mata ng kanyang ina.
Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang
panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado
niya. Si Taviel ay isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala sa kanya. Pero sa pagbabahagi
ng buhay ni Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin si Rizal at napagtanto na ito’y
hindi lang isang inosente sa kaso kundi isang kahanga-hangang nilalang at dahil doon ay nagdesisyong
siya na ibibigay ang lahat para maipagtanggol ito sa paglilitis. Naikwento ni Rizal dito ang kanyang buhay
sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan ay kumuha siya ng kursong medicina, ang labis na
diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino doon, at ang pag-iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang
pinsan at kasintahan.
Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal. Ayon kay Taviel, ang
kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno at relihiyon ng Espanya. Kinatwiran ni Rizal na bilang isang
manunulat, kalaban niya ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay pawang sa
katotohanan lang, sa mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga
sarili, ang kanilang kasaysayan. Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng
mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay at makilala ang Pilipino bilang kapantay ng Kastila. Ikatlo ay
ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel bakit nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong
layunin ang mas matimbang pa kaysa pagmamahal sa kasintahan? Pinapunta siya ng kanyang kuya
Paciano upang mag-aral doon ng medicina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo siya
at malaya niyang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan.
Naikwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Dito ay nag-aral siya
ng medicina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang organisasyon na naglalayon ng
kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga Kastila.
Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan ng La
Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong
1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan ng maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay
Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para
sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa.
Pagbalik sa Pilipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang pansibikong samahan ng mga
Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si Andres Bonifacio.
Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na kumakalaban sa
Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle
sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa Pilipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa
isang malayong lugar, sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang-kanluran ng Mindanao. Sa lugar na
iyon ay nakilala niya ang pag-ibig ng kanyang buhay na si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak
sa Hong Kong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng
pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing
ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya ay mamatay.
Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-heneral ng Pilipinas dahil na rin sa isyung naging
malapit si Gob. Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre, 1896, ginanap ang araw ng
paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mang-uusig, pinagbibintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa, at
dahil din sa mga isinulat niya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaang
Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.
Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat patakbuhin ang
Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga Pilipino ang nais niya. Pero
hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa katunayan, sa
paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nagsulat ng mga bagay na may koneksyon sa pulitika. At sa pagbisita
sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama siya sa rebolusyon, si Rizal
ay hindi pumayag sa nasabing balak na pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi
niyang ang gusto lang niya ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan
gamit ang edukasyon.
Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang magagawa ukol sa
tadhanang nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng
Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ng kaso, si Taviel ay nasaktan at naiinis kung bakit siya ay naging isang
Kastila pa. Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang huling
kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula, ang Mi Ultimo Adios (o
Huling Pahimakas).
Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang huling kahilingan ni
Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinayagan. Ang mga Kastila ay gusto
siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor. Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan niyang humarap ng
kaunti para sa pagbasak niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong
lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang Bayani si Dr. Jose P. Rizal.
IV. REAKSYON
A. Sa Mga Tauhan
Ang pelikulang ito ay maituturing na isang parada ng mga magagaling namga actor at actress. Dahil na
rin sa makatotohanang pagganap nina Peque Gallaga (bilang Arsobispo Nozaleda), Jaime Fabregas
(bilang Taviel, abogado ni Rizal), Pen Medina (bilang Paciano Rizal), Gardo Versoza (bilang Andres
Bonifacio) at ng iba pa kahit na maliit lang papel (Fritz Infante, Joel Lamangan, Gina Alajar, Tanya Gomez,
Irma Adlawan, Olga Natividad, atbp.) ay tumingkad din.
B. Sa Teknikal na Aspeto
Sa bahagi naman na ito, masasabi ko na maganda ang mga background na angkop sa bawat eksena,
piling mo ay nasa panahon ka ng Kastila. Simula sa umpisa hanggang sa mga huling eksena ay maayos
ang mga kuha sa kamera ay malinaw at hindi malabo. Naaayon ang bawat musika sa bawat tagpo at
eksena sa pelikula. Sa mga eksenang malungkot ay malulungkot rin ang musika. Sa digital effects naman
ng pelikula, ang mga gamu-gamo sa kuwento ni Teodora Alonso, ang “rekonstruksyon” ng mga lumang
gusali, ang landscape ng Bagumbayan ay kahanga-hanga. Epektibo rin ang paggamit ng black and white
para sa mga eksenang mula sa mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo.
Mahusay din ang gumawa ng mga iskrip na sina Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim. Napakahirap na
trabaho ang epektibong pagdurugtong-dugtong ng lahat ng mabibigat na detalye sa pelikula. Bukod
diyan, karapat-dapat din nating bigyan ipagmalaki ang direktor na si Marilou Diaz-Abaya na may
pinakamalaking naitulong sa tagumpay ng pelikulang ito. Sa paghandog niya ng kanyang talento para sa
pelikula ay napaganda ang paghahandog ng mga diyalogo ng mga artista.
Kaya hindi rin kataka-taka na nanalo at nakatanggap din sila ng Best Editing, Cinematography, Sound,
Production Design, Special Effects, Musical Score, Movie Theme Song sa Metro Manila Film Festival,
FAMAS Awards, Gawad Urian, Star Awards for Movies.
C.
Ang Pelikulang Jose Rizal ay talagang isa sa mga pinakamaganda at kamangha-mangha at maituturing na
isang obra maestra. Isang sining na makakatulong para sa mga mag-aaral para lalo pa nilang
maintindihan ang buhay ng ating Pambansang Bayani. Ipinakita dito ang kanyang pagiging isang
manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa
mga tanyag na mga institusyon.
Ito rin ay makakatulong hindi lamang para sa mga mag-aaral na bahagi ng kanilang aralin sa Filipino at
History, kundi para rin ito sa mga bata, kabataan at maging sa mga matatanda at mga dayuhan. Ang ilan
sa kanila ay kilala lang si Dr. Jose Rizal sa piso, isang monumento sa Luneta, kalsada, probinsya,
eskwelahan o unibersidad, at kurso sa kolehiya. Kaya nga ang pelikulang ito ay para mas lumawak ang
kanilang kaalaman at kung sino nga ba talaga si Rizal. At imulat tayo sa kalgayan ng ating bansang
Pilipinas noong panahon ng Kastila
Kahit na sa umpisa ay nalilito ako kung alin ang sa nobela ni Rizal at sa tunay na buhay niya at paulit-ulit
ang pagbabalik tanaw sa buhay niya at kahanga-hanga sa kakaibang pagsasalaysay, binigyan ko pa rin ito
ng 5 bituin dahil bukod sa magagaling na mga ngasipagganap at sa teknikal na aspeto, ay talagang
pinagkagastusan ito. Ang isa sa mga pinakamahusay na eksena sa Pelikula ay ang paghaharap ni Rizal at
Simoun sa bisperas ng kanyang kamatayan, na kakaiba at nagbibigay ng mahusay na koneksyon sa
nobela at buhay ni Rizal. Humigit kumulang na Php 80 milyon ang inilaan para dito. Pero bawing-bawi
naman sila dahil mahigit Php 136,7 milyon lang naman ang kanilang kinita. Bukod diyan, kahanga-hanga
ang pelikulang ito dahil sa mga karangalan na nakamit at kasama na rin diyan ang Best Picture; (70 Local
and International Awards): 16 mula sa 1998 Metro Manila Film Festival, 11 sa 199 FAMAS Awards, 6 sa
1999 Gawad Urian, 8 naman sa Star Awards for Movies at pasok din ito sa Berlin International Film
Festival noong 1998 at sa Toronto Film Festivals na nanalong 2nd runner-up sa Audienmce awards.
Ipinapakita rin dito na kahit hindi mo ibuwis ang iyong buhay para sa bayan, ay maaari pa rin tayo na
maging isang simpleng Jose Rizal na makakatulong sa ating bansa mula sa pagtulong sa kapwa,
pagpupulot at paglilinis ng basura sa kalsada, pagsunod sa batas at kahit sa simpleng pagsusulat tungkol
sa mga magagandang balita sa Pilipinas at ipinagmamalaki ang pagiging isang Pilipino.
This was the Filipino movie I have been waiting for, for a long time.Most of the Filipino movies that I've
seen are cheap imitations ofHollywood movies with forgettable characters and forgettable plots.But I
won't be forgetting "Jose Rizal" anytime soon.With impeccable production values and a truly great
performance by thelead actor, Cesar Montano, "Jose Rizal" is the equal of anything thatHollywood can
produce (and better than most of the crap that Hollywoodroutinely puts out on the street).The movie
tells the life story of Jose Rizal, the national hero of thePhilippines. It covers his life from his childhood to
his executionat the hands of the Spanish forces occupying the Philippines in thelate 19th century. We
are also thrown into the world of Rizal'snovels (filmed in black and white), so we get a glimpse of how
heviewed Filipino society under the Spanish heal.One note, this movie is not for the faint of heart. There
are graphicdepictions of violence and even torture. The opening few scenesdepict some episodes from
Rizal's novels. In one a Catholic priestrapes a Filipina. I guess I now know where the Mestizo
(i.e., mixedblood) class came from in the Philippines. In the other scene aCatholic priest beats a child for
alleged stealing. Strong stuff, andit made me wonder how the Catholic Church could possibly retain
anypower in the country, if this is what the national hero thought aboutit.The movie introduces us to
the life of subjugation of the Filipinopeople under the rule of the Spanish friars. From
the execution ofthree Filipino priests in 1872 for alleged subversion to the harsh andunequal treatment
of Filipino students in the schools, this film is astinging indictment of Spanish colonial rule in the
Philippines. Wesee scenes both from Rizal's actual life but also from his imagination(via his novels).As a
young man, Jose is sent to study in Spain. This is a planhatched by his brother Paciano. Jose will write
and do everything inhis power to bring to the attention of the world the abuses of Spanishpower in the
Philippines, while Paciano will protect the Rizal familyat home and keep up the struggle against Spanish
rule. Jose excels inhis studies as a medical student at Madrid University and eventuallyearns a degree as
an ophthalmic surgeon. Meantime, he becomesinvolved with a group of radical Filipino students who
also seek toend the Spanish abuses in their country. He eventually has a fallingout with the student
group as he realizes that the real struggle is
taking place back home. He decides to return to the Philippines.He is arrested by the Spanish authorities
upon his return to thePhilippines in 1892. He is sent to Dapitan in Mindanao where theSpanish
authorities can keep a watchful eye on him. It is there thathe meets the love of his life, Josephine
Bracken, although the moviedoes not devote much attention to this love affair. When a rebellionbreaks
out in 1896 the Spanish governor orders that Rizal be moved tothe prison in Manila.It is here that Rizal is
introduced to Luis Taviel (played by JaimeFabregas) who has been appointed to defend him at
his trial. Tavielis a Spanish officer who at first mistrusts Rizal and views him as
adangerous revolutionary. Most of the movie takes place in Rizal'sprison cell and involves Taviel
confronting him about his life. Thereare frequent flashbacks but some of them are flashbacks to his
novels,so it is sometimes hard to keep the order clear. Eventually Taviellearns to respect Rizal and he
decides to do his best job in defendinghim.But it is to no avail. The evil head of the Franciscan
order inManila arranges for a new governor to take over control of thePhilippines. The new governor
promptly orders a show trial where
theoutcome has already been decided. Rizal must die. Despite his bestefforts, Taviel cannot save Rizal
from his fate. The verdict isreached and the execution date is set for December 30, 1896. Tavieladmits to
Rizal that he is ashamed to be a Spaniard.In what is the most bizarre scene of the movie, on the night
beforehis execution, Rizal is confronted by his own character Simoun fromhis novel. Simoun urges Rizal to
rewrite him so that his mission canbe for a higher purpose. And so in his final work, Rizal pens "MiUltimo
Adios" knowing full well that his death will light the torch ofthe Filipino Revolution.The final few scenes
show Rizal being led out to the
executionground. He requests to face the firing squad but he is denied. TheSpanish want to shoot him in
the back as a traitor. But as he is shotfull of bullets he manages to turn as he falls so that he lands
facingthe sky. I must tell you that my wife was crying like a baby duringthis scene and she's seen the
movie twice. I must also admit that Ihad some moisture in my eyes too. I was also muttering
to myself"Spanish Bastards! Spanish Bastards!". Strong Stuff.