HEALTH QUARTER 1 Module 1 Mam Ederlyn

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

HEALTH

QUARTER 1 – MODULE 1

MENTAL, EMOSYONAL AT SOSYAL


NA KALUSUGAN
Health – Grade 5
Quarter 1 – Module 1: Mental, Emosyonal at Sosyal na Kalusugan

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Schools Division Superintendent: Norma B. Samantela, Ceso VI
Assistant Schools Division Superintendents: Fatima D. Buen, Ceso VI
Wilfredo J. Gavarra
Chief Education Program Supervisor, CID: Sancita B. Peñarubia

MODULE DEVELOPMENT TEAM

MINVILUZ P. SAMPAL
Education Program Supervisor, MAPEH
Content and Technical Consultant and Reviewer

EDERLYN I. MORALES
Principal I, Buenavista ES, Pioduran East District
Writer

VILMA C. NIDUA
Teacher III, Polangui General Comprehensive High School
Content Editor

SHERYL JOY J. BURCE


Teacher III Polangui General Comprehensive High School
Language Editor

ALAN L. LLANZANA
Teacher I, Marcial O. Raňola Memorial School
Illustrator

MARY ROSE C. CRUZADA


Teacher II, Tiwi Agro-Industrial School
Lay-out Artist
Mental, Emosyonal at Sosyal na Kalusugan

I. Introduction

Ikaw ba ay isang malusog na bata? Bakit? Paano mo ilalarawan ang isang batang
malusog? Makikita lang ba sa pisikal na kaanyuan ang pagiging malusog?

Sa araling ito ay iyong malalaman ang mga aspektong mental, emosyonal at sosyal na
kalusugan at ang epekto ng mga ito sa pisikal na kalusugan at pangkalahatang kagalingan.

II. Objective

 Describes a mentally, emotionally and socially healthy person. (H5PH-Iab-10)

III. Vocabulary List

 Kalusugang Mental - kakayahan ng isang tao na maging masaya sa buhay, may


kakayahang harapin ang mga pasanin at malampasan ang mga pang-araw-araw na
pamumuhay.
 Kalusugang Emosyonal- pagkakaroon ng positibong emosyon at pag-uugali
 Kalusugang Sosyal - kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t-ibang uri at
ugali ng tao.

IV. Pre-test

Panuto: Alamin kung anong kalusugan ang inilalarawan. Isulat ang KM kung Kalusugang
Mental, KE kung Kalusugang Emosyonal, at KS kung Kalusugang Sosyal.

1. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba.


2. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
3. Bukas sa pakikipagkomunikasyon.
4. Madaling makaisip ng solusyon sa problemang kinakaharap.
5. Walang tinatagong lihim o pagkukunwari.

1
6.
V. Learning Activities
Tingnan ang dalawang larawan. Suriin ang mga ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

A. B.

1. Ano ang ipinapahiwatig sa unang larawan?


2. Ano ang ipinapakita sa ikalawang larawan?
3. Sa iyong palagay, bakit masaya ang bata sa unang larawan?
4. Ano sa palagay mo ang dahilan ng kalungkutan ng bata sa ikalawang larawan?

Ang pagiging malusog ng isang tao ay hindi lamang masusukat sa pisikal na kaanyuan
o kawalan ng karamdaman. Maraming aspeto ang isinasaalang-alang upang masabi na ang
isang tao ay malusog. Ito ay ang kalusugang mental, kalusugang emosyonal at kalusugang
sosyal. Sa palagay mo, alin sa dalawang larawan sa itaas ang taglay ang mga ito?

A. Malusog na Kaisipan, Taglayin Mo!

Paano mo malalaman na may malusog kang kaisipan, ganoon din ang mga taong
nakapaligid sa iyo? Paano mo ilalarawan ang isang taong may malusog na kaisipan?

Ang kalusugang mental ay kakayahan ng isang tao na maging masaya sa buhay, may
kakayahang hrapin ang mga pasanin, na buhay at malampasan ang mga hamon ng pang-araw-
araw na buhay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

 Paggawa ng desisyon
 Pagpapahayag ng mg pangangailangan
 Pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin
 Pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat problemang kinkaharap

Nagtataglay ng positibong pananaw sa buhay ang isang taong may malusog na kaisipan.
Kung kaya’t madali nilang maunawaan ang mga sitwasyong nangyayari. Sa ganitong paraan,
mas nakakapag-isip ng mas mainam na solusyon sa suliraning kinakaharap. Ang pagkakaroon
ng malusog na kaisipan ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng kalusugang pisikal, mental,
emosyonal at sosyal na aspeto.

2
B. Positibong Emosyon, Kailangan!

Ano ang maidudulot ng pagkakaroon ng positibong emosyon sa lahat ng pagkakataon?


Paano mo ilalarawan ang batang may kalusugang emosyonal?

Ang kalusugang emosyonal ay nagpapakita ng positibong emosyon at pag-uugali. Ito


rin ay ang kakayahan ng isang bata na harapin at lutasin ang mga pagsubok sa buhay.
Ipinapakita dito ang kabuuang sikolohikal na pagkatao na kung saan makikita ang kalidad ng
relasyon at abilidad kontrolin o pangasiwaan ang nararamdaman. Ang mga kakayahan ng taong
may malusog na emosyon ay ang mga sumusunod:

 Maging masaya o magkaroon ng dahilan o kakayahang pasayahin ang sarili


 Kakayahan na mapanatili ang magandang relasyon ng mga taong
nakakasama
 Pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa sarili
 Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
 Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
 Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao
 Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay

 Walang tinatagong lihim o pagkukunwari


 Kakayahang tanggapin ang limitasyon sa lahat ng pagkakataon
 Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa
positibong pamamaraan

C. Sa Pakikipagkapwa, Kalusugang Sosyal Mahalaga!

Ano ang pakiramdam ng maraming kaibigan, kamag-anak, o kapamilya na


nagmamahal sa iyo?

Paano ka ba nakikitungo sa lipunang kinabibilangan mo?

Paano mo ilalarawan ang kalusugang sosyal?

Ang kalusugang sosyal ay ang kakayahang makihalubilo at makisama sa ibat-ibang uri


at ugali ng tao, kung paano makikisalamuha ang mga tao sa iyo at kung paano ka makipag-
ugnayan sa iyong lipunang kinabibilangan.

3
Narito ang ilan sa mga katangian ng taong may kalusugang sosyal.

 Palakaibigan
 Bukas sa pakikipagkomunikasyon
 Marunong makisalamuha sa iba’t-ibang uri ng tao
 Kayang harapin at lutasin ang mga suliranin o tensiyon
 May tiwala sa mga taong nakapaligid sa kaniya
 May paggalang sa nararamdaman ng kapwa
 Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali ng kaibigan, kamag-aral o katrabaho
 Marunong makinig at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa

VI. Practice Tasks

Activity 1

Panuto: Basahin ang mga parirala o konsepto sa loob ng kahon. Pangkatin ang mga ito ng
naayon sa katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at sosyal. Punan ang tsart sa
ibaba.

Kayang tanggapin ang puna ng ibang tao May pagpapahalaga sa sarili


Matapang na hinaharap ang problema Masayahin
Iginagalang ang nararamdaman ng iba Kinakaya ang anumang pagsubok
Marunong makinig sa opinyon ng iba Naipapahayag ang pangangailangan
Marunong manimbang sa paggawa ng desisyon May tiwala sa ibang tao

Kalusugang Mental Kalusugang Emosyonal Kalusugang Sosyal

4
Activity 2

Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon sa bawat aytem ay nagsasaad ng kalusugang mental,
kalusugang emosyonal at kalusugang sosyal. Isulat ang sagot sa patlang.

_____________1. Isang masayahing bata si Rebecca kung kaya’t marami sa kanyang kaklase
ang nais siyang maging kaibigan.

_____________2. Si Alden ay mahilig sumayaw. Ipinapakita niya ang kanyang talento at


patuloy na pinauunlad sa pamamagitan ng pagsali niya sa mga dance
contests.

_____________3. Pinag-iisipang mabuti at tinitimbang muna ni Chloe ang mga sitwasyon


bago siya nagdedesisyon.

_____________4. Tinanggap ni Robert ng maluwag sa kanyang kalooban ang mga payong


ibinigay sa kaniya ng kanyang mga magulang.

_____________5. Nakikiisa ang magkapatid na Amir at Amelia sa mga proyekto ng kanilang


barangay sa pag-iwas ng paglaganap ng COVID-19.

Activity 3

Panuto: Magtala ng sarili mong karanasan na naipapakita ang kalusugang mental, emosyonal
at sosyal. Magtala ng 2 karanasan sa bawat kolum.

Karanasang Nagpapakita Karanasang Nagpapakita Karanasang Nagpapakita


ng Kalusugang Mental ng Kalusugang Mental ng Kalusugang Mental

5
VII. Post Test

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Si Anthony ay walang tinatagong lihim at walang pagkukunwari. Anong kalusugan ang


kaniyang tinataglay?
a. Kalusugang Mental
b. Kalusugang Sosyal
c. Kalusugang Emosyonal
d. Kalusugang Pisikal

2. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na pagkatao na kung saan


makikita ang kalidad ng relasyon at abilidad na kontrolin o pangasiwaan ang emosyon?
a. Kalusugang Pisikal
b. Kalusugang Sosyal
c. Kalusugang Mental
d. Kalusugang Emosyonal

3. Ang magkaibigang Mario at Benny ay nagpapakita ng kakayahang makihalubilo at


makisama sa iba’t-ibang uri at ugali ng taong kanilang nakakasalamuha. Anong
kalusugan ang kanilang taglay?
a. Kalusugang Sosyal
b. Kalusugang Emosyonal
c. Kalusugang Pisikal
d. Kalusugang Mental

4. Si Georgia ay isang, mag-aaral na madaling makapag-isp ng solusyon sa ,mga


problemang kinakaharap niya. Anong kalusugan ang kaniyang ipinapakita?
a. Kalusugang Pisikal
b. Kalusugang Mental
c. Kalusugang Pisikal
d. Kalusugang Emosyonal

5. Nagpapakita ng katatagan ng kalooban at positibong pananaw sa buhay ang batang si


Marie sa kabila ng pinagdadaanan nilang pagsubok dala ng Bagyong Tisoy. Anong
kalusugan ang kaniyang taglay?
a. Kalusugang Mental
b. Kalusugang Emosyonal
c. Kalusugang Pisikal
d. Kalusugang Sosyal

6
VIII. Assignment

Gamit ang iyong Journal Notebook, ipagpatuloy ang parirala sa ibaba upang makabuo ng
makabuluhang talata.
Ako ay malusog na bata sapagkat _________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

IX. Answer Key

Pre-Test:
1. KS
2. KE
3. KS
4. KM
5. KE

Practice Tasks
Activity 1

Kalusugang Mental Kalusugang Emosyonal Kalusugang Sosyal


 Kinakaya ang  Kayang tanggapin ang  Masayahin
anumang pagsubok puna ng ibang tao  Iginagalang ang
 Marunong  May pagpapahalaga sa nararamdaman ng iba
manimbang sa sarili  Marunong makinig sa
paggawa ng desisyon  Matapang na hinaharap opinyon ng iba
 Naipapahayag ang ang problema  May tiwala sa ibang
pangangailangan tao

7
Activity 2 Post Test

1. Kalusugang Sosyal 1. c
2. Kalusugang Emosyonal 2. d
3. Kalusugang Mental 3. a
4. Kalusugang Emosyonal 4. b
5. Kalusugang Sosyal 5. b

References
1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-
healthq1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.120-125
3. Masigla at Maludog na Katawan at Isipin 5 Manwal ng Guro pp. 54-58

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy