100% found this document useful (1 vote)
322 views17 pages

Masining Na Pagpapahayag (Prelims)

Retorika refers to the art of effective communication through writing and speaking. It involves elements like organization, style, and use of language to clearly and persuasively convey a message. The document discusses the history and importance of rhetoric from ancient Greek philosophers like Aristotle and Cicero to its use today. Rhetoric is important for public discourse, debates, and expressing ideas effectively.

Uploaded by

Asher Geronimo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
322 views17 pages

Masining Na Pagpapahayag (Prelims)

Retorika refers to the art of effective communication through writing and speaking. It involves elements like organization, style, and use of language to clearly and persuasively convey a message. The document discusses the history and importance of rhetoric from ancient Greek philosophers like Aristotle and Cicero to its use today. Rhetoric is important for public discourse, debates, and expressing ideas effectively.

Uploaded by

Asher Geronimo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 17

ANG RETORIKA

ANO ANG RETORIKA?

Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa


sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian, 1967)

Ang retorika ay sining ng mabisa at magandang pagpapahayag na sumasaklay sa


maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig,
struktura at kalinawan sa pagpapahayag, sulat, memo, ulat, pagsusuri, pamanahong
papel, paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto o anu mang klase na may
kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.

BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA?

 Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa


makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga
nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag
walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at
interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at
wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.

 KAHULUGAN NG RETORIKA

Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang
sariling pananaw, karanasan at lawak ng tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang
kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa
dipinisyon ng retorika.

 Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa nangangahulugang


isang “Guro” at “Mananalumpati” o tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan
na Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang sangkap ng
pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati. ◊Ito ay isang pag-aaral sa
masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at
kaisipan ng ibang tao.

Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o lenggwaheng ginamit sa likod ng


mga musika, pelikula, radio, pahayagan at telebisyon. ◊Ito ay ang p aggamit ng mga
simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng
ipinapahatid ng mga naturang simbolo. -Kenneth Buke.
Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at
magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng
malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. -Tumangan, Sr. 13

Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit- akit na pagpapahayag maging


pasalita o pasulat. -Rubin 46

Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa


sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat. Kung ang balarila ay
nauukol sa kawastuhan- Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap- Ang retorika
naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa maganda at kaakit-akit na
pagpapahayag. -Sebastian,

Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa retorika na


ginanap sa PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod:

 a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng paghimok o


pagpapasang-ayon.”

 b. Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang
makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.”

Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento ng pagsulat.” d. Ang Retorika ay sining ng


mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo.

Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusang ng salita ay dinidikta ng gramatika


at ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap. Iminumungkahi ng
retorika ang masining na paggamit ng mga salita upang makapaghatid ng
pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating
ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.
RETORIKA
 Ang sanaysay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng
paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa
linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-
aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy,
lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong
maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang
nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na
paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng 4oisang tao ang kanyang kagila-
gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.

Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos
at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang
pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang
proem o introdusyon; ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing
argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na
argumento(supporting arguments); at ang konklusyon. naimbento nila ang retorika sa
layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong
katibayan (concrete evidence).

 KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa syracuse,


isang isla sa sicily noong ika-limang siglo bago dumating si kristo. makaraang
bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay
binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga
lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na sicorax, isang tagaroon, ang
nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.

 Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag- apila sa emosyon at di


gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa
mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao
noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa
pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa
pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.)

Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang


tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang
sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong
pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang
kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang
retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.).

 Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa


maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa.
Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting
pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–
322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan
ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan,
at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.

 Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika


sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap
kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na
mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang
kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa
pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at
ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.

Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay
hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi
niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at
pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na
maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang
prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.

 Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging batayan sa


ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa
nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong
deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing
nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public
debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic
na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mgasalita. Karaniwang
binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na
declamation.

Mahalaga na pag-aralan ang kasaysayan ng retorika sapagkat ditto natin makikita ang pag


usbong kung paano nabuo ang magandang ugnayan at ang epektibong panghihikayat. Ditto rin
natin makikilala ang mga tao na  naging dahilan para magkaroon ng mabisa at masining na
pakiki pag-usap.
NG RETORIKA
SANGKAP NG RETORIKA

1.   Ang kaisipang gustong ipahayag- Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais
nating magpahayag. May mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag

2.   Ang pagbuo o organisasyon- Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad,


kumakatawan sa kahusayan ng pagkakabuo.

3.   Ang Istilo ng Pagpapahayag- Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang


kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan ng akda o komposisiyon ay nakasalalay sa
mga para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng balarila kungdi
maging sa panitikan.

Ang sangkap ang siyang nagbibigay kulay o kaayusan upang maging maganda ang
kalalabasan ng iyong ipapahayag. Ito rin nakakatulong upang maging mabisa ang iyong
pahayag

 LAYUNIN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay


makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng
mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking
kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri,
pamanahong papel(term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal ng mga
proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang
kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing
interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.

 MGA KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG

1. Kahalagahang Pangrehiyon - Napahihikat ang iyong tagapakinig na mananatili sa


kanyang paniniwala at huwag lumipat ng sasamahan.

 2. Kahalagahang pampanitikan - ang mga nanunulat ay may responsibilidad na


palutangin ang mga kahalagahang makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.

3.  Kahalagahang Pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais na umunlad ang kanyang


buhay ay may puhunang kilangan gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang
maretorikang pang- a lot sa mga nagnanais na makakumbinsi.
4. Kahalagahang Pampulitika - marami sa mga matgumpay ngayon sa larangan ng
pulitka ay likha ng personalidad at popularidad ng maretorikang pahayag. Ang isa sa
pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong boboto sa isang kandidato.

PANANAW NG GURO:

Mahalaga ang retorika sa iba’t ibang larangan dahil dito nagsisimula ang magandang ugnayan
at kung paano mo makukumbinsi ang iyong kausap. Dahil ang maayos na pakikipagusap ay
nagbubunga ng magandang samahan. Halimbawa, kapag ang isang binata ay manliligaw sa isang
babae , kapag ginamitan mo ng mga masining na pagpapahayag may malaking posibildad na
mapasgot ng binata ang kanyang ninilagawan

RETORIKA
KANON O BATAS NG RETORIKA

          Ang mga kanon na ito ay nagsisilbing analitik at generative.  Nagbibigay ang mga
ito ng templeyt para sa kritisismo ng diskurso at nagbibigay ng gabay para sa
edukasyong retorikal. Ang mga literatura ng retorika sa mga nakalipas na siglo ay
tumatalakay sa limang kanon na ito.

1.   Imbensyon: Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga


argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaring sa paraang induktibo o
deduktibo. Ang Induktibo ay ang pagbuo ng pankalahatang kongklusyon mula sa
partikular na linya ng pangangatwiran. Ang Deduktibo ay tumutukoy sa pangangatwiran
o mga impormal na anekdota.

2.    Pagsasaayos: Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa


pagsasaayos o pagbabalangkas sa mga sumusunod:

I.              Introduksyon o Panimula.
II.            Narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto tungkol sa isang isyu.

III.          Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay.

IV.           Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran.

V.            Kongklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang isang


talumpati.

3.    Istilo: Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o


naihanay na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita,
pagbuo ng istruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa
kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.

4.   Memorya: Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga


mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa
harap ng publiko.

5.   Deliberasyon: Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan


kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga ankop na
kumpas sa isang talumpati upang higit itong maging mabisa.

 ANG RETORIKA SA PROSESO NG MABISANG PAGPAPAHAYAG

          Sa mabisang pagpapahayag, ang retorika ay may mahalagang papel na


ginampanan. Kung susuriin ang isang pangungusap o pahayag, maliwanag na makikita
at lilitaw na hindi sapat ang balarila lamang kundi kailangan din ang retorika upang ito’y
maging mabisa.

 Wasto man ang gamit ng mga salita, kung may kakulangan naman sa hikayat, kulay at
kagandahan, hindi rin maituturing na mabisa ang alinmang pahayag. Hindi maitatanggi
kung ganoon na ang retorika ay isang sangkap na kailangang kasama ng balarila upang
magkaroon ng init at buhay ang pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na
binibitawan ng tao

Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa kahulugan at


damdaming ibig ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa tuntunin ng gramatika.
Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay naipamamalas sa mabisang paglalangkap ng
gramatika at retorika. Ang gramatika ay gagabay sa kawastuan ng pahayag at ang
retorika naman ay titingin sa kagandahan ng pahayag nito.
BALARILA AT RETORIKA
Halina’t Alamin

Wika  - Wika ang pangunahing behikulong ginagamit san g nararamdaman at naiisip.


Kung gayon, sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng mga wika.

Paglalangkap ng gramatika at retorika

            Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, dalawang sangay ng karunungan ang
sangkot sa pag-aaral ng wika: Ang gramatika at ang retorika.

          Gramatika  o balarila ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang


pagkakaugnay-ugnay. Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga
salita sa isang pangungusap; ang kawastuhan ng pangungusap na gagamitin, pasalita
man o pasulat na kailangang umayon sa tamang gramatikal instruktyur; ang kaayusan 
o sinataks, kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at maging ang panahuhan ng mga
salita.

          Samantala,  Retorika  ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na


tumutukoy sa kasiningan ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan,
manghikayat at kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa. Ang masining na
pagpapahayag ay hindi sinusukat sa haba, hindi rin sa pagiging maligoy kundi sa bisa
nito sa mambabasa o tagapakinig.

Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa


kahulugan at damdaming ibig ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa
tuntunin ng gramatika. Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay naipamamalas sa
mabisang paglalangkap ng gramatika at retorika. Ang gramatika ay gagabay sa
kawastuan ng pahayag at ang retorika naman ay titingin sa kagandahan ng pahayag
nito.

Sa kabuuan, ang rertorika ay tumutukoy sa kagandahan ng pagsasalita at pagsulat samantala ang


Balarila naman ay tumutkoy sa kawastuhan ng mga mga pahayag.
PAGPAPAHAYAG NG IDEYA SA MATATALINHAGANG SALITA
Sa pang-araw-araw na buhay, higit na ninanais ng mga karaniwang tao ang mga
karaniwang sa kanilang mga mata at pandinig. Kung maaari nga, ayaw na nilang mag-
isip ng kahu8lugang malalim. Ngunit may mga pagkakataong kai8lnagn ng sinumang
manunulat o mambibigkas na gumamit ng mga salitang kasasalaminan ng lawak ng
kanyang karanasan, dami ng nabasa at lalim ng kanyang kultura.

Lalo sa larangan ng panitikan, sukatan ng galing ng isang manunulat ang paggamit niya
ng mga salitang makapagtatago sa literal na kahulugan ng kanyang akda. Sa mga
mambibigkas naman, isang hikayat sa madlang nakikinig ang mahusay na
pagkakagamit ng mga talinhaga at alusyong angkop sa kanyang inihahtid na mensahe.

Sa paanomang paraan , pasalita man o pasulat, walang dudang lubhang napatitingkad


ang kariktan ng pagpapahayag kung sinsasangkapan ng ibat ibang estilo.

IDYOMA
Ang pag-aaral ng idyoma (idiomatic expressions) ay kaugnay ng kaalamang
panretorika. Ito ay nagpapabisa , nagpapakulay at nagpapakahulugan sa
pagpapahayag. Ang idyoma ay di tuwiran o di tahasang pagpapahayag ng gusting
sabihin na may kahulugang patalinhaga.

Mga ilang halimbawa:

IDYOMA KAHULUGAN
Butas ang bulsa Walang pera
Ikurus sa kamay tandaan
madilim ang mukha taong simangot, problemado
salin-pusa pansamantalang kasali sa laro o trabaho
namamangka sa dalawang ilog salawahan
tawang-aso nagmamayabang, nangmamaliit
pantay ang mga paa patay na
Butas ang bulsa - walang pera walang pera
di makabasag pinggan mahinhin
naniningalang-pugad nanliligaw
ningas-kugon panandalian, di pang-matagalan
Makapal ang bulsa maraming pera
sampid-bakod nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
putok sa buho anak sa labas
May gatas pa sa labi bata pa
Amoy lupa matanda na
Hawak sa tainga sunud-sunuran
Nagtataingang kawali nagbingi-bingihan
Bukas ang palad matulungin
Balat sibuyas Madaling masaktan
Bahag ang buntot duwag
 

1.    Mababaw ang luha ng guro naming.(madaling umiyak)

2.    Hindi siya sanay maglubid ng buhangin.(magsinungaling)

3.    Matuto kang magbatak ng buto kung nais mong umasenso sa iyong buhay.


(magtrabaho)

4.    Tampulan siya ng tuksop kasi siya ay putok sa buho.(anak sa labas0

5.    Patuloy si kanor sa pagbibilang ng poste.(walang trabaho)

TAYUTAY
Ang tayutay ay isang uri ng pagpapahayag kung saan ay sadyang inilalayo ang mga
salita sa karaniwang kahulugan nito upang makabuo ng mapanghamong pahayag sa
isipan ng kahit na sinong indibidwal. Kailangang maunawaang mabuti ang talinghagang
bumabalot sa pahayag upang maihiwatigan ang diwang di-tuwiran na ipinahayag nito.

Karaniwang ginagamit ang mga tayutay sa mga akdang pampanitikan tulad ng


tula,maikling kuwento,dula,sanaysay at sa pagbuo ng mga awit. Naririnig ang mga ito sa
lalawigang gumagamit ng taal na pananagalog.

MGA URI NG TAYUTAY


Maraming tayutay ang ginagamit sa pagpapahayag. Hindi mabilang sapagkat hidi lahat
ng mga pahayag na ginagawa ng tao sa lipunan ay naitatala.

1.Aliterasyon. Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita.(pag-


ibig,pananampalataya, at pag-asa/lugkot at ligaya/masama o mabuti).

Halimbawa:

            Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdobniyang


pagtatanggi sa mahal niyang bay

2.Asonans. Pag-uulit naman ito ng mga tunog-pantinig sa alinmang bahagi ng


salita(hirap,pighati at tiisin/salamat at paalam/buhay na pagulong-gulong).

Halimbawa:

          Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.

3.Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig,ngunit sa bahaging


pinal naman(kahapon at ngayon/tunay na buhay/ulan sa bubungan).

Halimbawa:

         Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamut sa isang pusong wasak.

4.Onomatopiya. Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid


ang kahulugan nito.

Halimbawa:

              Langitngit ng kawayan,lagaslas na tubig,dagundong ng kulog,hanginit ng hangin

        Tulad ni Bisa may binabanggit din si Alejandro tungkol sa pag-uulit,ngunit hindi
lamang ang tunogkundi ang buong salita.Pansinin ang mga sumusunod:

5.Anapora. Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang tuludtod.

Halimbawa:

            Kabataan ang sinabing pag-asa ng ating bayan.


            Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang.Ngunit kabataan din ba
ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa
pangarap ng kanyang kapwa?

6.Epipora. Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag taludtod.

Halimbawa:

            Ang Konstitusyon o Saligang-Batas ay para sa mamayan,gawa ng mamamayan


at mula sa mamamayan.

7.Anadiplos. Kakaiba ito sapagkat at ang pag-uulit ay sa una at huli.

Magandang halimbawa nito ang tula ni juseng Sisiw o Jose Dela Cruz:

        Matay ko man yatang pigili’t pigilin

        pigilan ang sintang sa puso’y tumiim:

        tumiim na sinta’y kung akin pawiin,

        pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.

8.Pagtutulad o Simili. Di-tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay,tao o


pangyayari’pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng,kawangis ng,para ng,at gaya
ng.

Halimbawa:

         Tumakbo siya ng tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na
kaaway.

9.Pagwawangis o Metapor. Ito ay tuwirang paghahambing’pagkat hindi na gumagamit


ng mga nabanggit na parirala sa itaas.

Halimbawa:

         Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay,kaya’t huwag ka nang mahiya pa.

10.Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon. Inaaring tao ang mga bagay na walang


buhay sa pamamagitan ng pagkkapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:

           Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.

11.Pagmamalabis o iperboli. Lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag


kung pakasuriin.

Halimbawa:

           Sa dami ng mga inimbitang kababayan,bumaha ng pagkain at nalunod sa mga


inumin ang mga dumalo sa kasalang iyon.

12.Pagpapalit-tawag o Metonimi. Ayon kay Sebastian (sa Bernales,etal.,2002), ang


panlaping meto ay nangangahulugan ng pagpapalit o paghahalili.Dahil dito,nagpaplit ito
ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa:

         Malakas talaga siyang uminom,sampong bote ay agad niyang naubos nang
ganoon na lamang.

13.Pagpapalit-saklaw o Sinekdoki. Binabanggit ditto ang bahagi bilang pagtukoy sa


kabuunan.

Halimbawa:

         Kagabi’y dumalaw siya kasama amg kanyang mga magulang upang hingin ang
kamay ng dalagang kanyang napupusuan.

14.Paglumay o Eupinismo. Paggamit ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng


kahulugan ng orihinal na salita.

Halimbawa:

          Magkakaroon din lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa isa pang mababa ang
lipad (prostityut).
15.Retorikal na Tanong. Isang uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan ng
sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig na mensahe.

Halimbawa:

        Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may
sakit at nagmamakaawa.

16.Pagsusukdol o Klaymaks. Paghahanay ng mga pangyayaring may papataas na tinig,


sitwasyon o antas.

Halimbawa:

             Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay ang
liwanag ng araw na nagbabadya ng panibaging oag-asa!

17.  Antiklaymaks. Ito naman ang kabaligtaran ng sinundan nito.

Halimbawa:

          Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong tagahanga,hanggang


sa unti-unting nababwasan ang mga nanonood,padalang ng padalang ang mga
pumapalakpak at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kaniyang pandinig.

18.Pagtatambis o Okismoron. Paggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat.

Halimbawa:

         Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatwa:may lungkot at may tuwa, may hirap at
may ginhawa,may dusa at may pag-asa.

19.Pag-uyam o Ironiya. May layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring


nagbibigay-puri.

Halimbawa:

        Kahanga-hanga rin naman ang taong iyan,matapos mong arugain,pakainin at


damitan ay siya pa ang unang mag-iisip na masama sa iyo.
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay isang uri ng matalinhagang pagpapahayag na karaniwang binubuo ng
dalawang masining nan ppangungusap na binuo upang magpahayag ng kaisipan,
kaaralan, ppagpapahalaga at mabuting gawaing pantao. Sa ating araw-araw na
kagawian ay nangangailangan tayo ng mga pahayag na dapat nating malinang upang
patuloy na maging mabuti ang ppalagayang personal , sosyal at kultural.

Halimbawa;

     1.Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.

     2.Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

     3.Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

     4.Hamak mang basahan,may panahong kailangan.

     5.Habang maiksi ang kumot,magtitiis mamaluktot.

Karagdagang kaalaman mula sa Guro

Ito ay mga kaisipang nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng


kagandahang asal  ng ating mga ninuno. Ito’y parang parabolang patalinghaga at nag
bibigay nang aral.
KASABIHAN
Ang mga kawikaan ay paalalana may dalang mensahe at aral na kadalasan ay hango sa
bibliya.

 Halimbawa;

      1.Ang panahon ay samantalhin sapagkat ginto ang kahambing.

      2.ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan,at wala sa kasaganaan.

      3.Ang katotohanan ang mag papalaya sayo inyo.

      4.Ang gumawa ng masama ay ayaw sa ilaw.

      5.Ang nagpapakababa ay itataas;ang nag papakataas ay ibaba.

 KASABIHAN

 Ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na nagsisilbing


patnubay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon.

 Halimbawa;

      1.Ang araw bago sumikat,nakikita muna,y banaag.

      2.Ang sinungaling at bulaan ay kapatid nang mag nanakaw.

      3.Ang hipong tulog, tinatangay nang agos.

      4.Ang maniwala sa sabi sabi,walang bait sa sarili.

      5.Magbiro kana sa lasing,huwag lang sa bagong gising.

  Ang kasabihan din ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pag puna sa kilos ng


isang tao,

 Halimabawa;

                 Putak,putak

                 Batang duwag


                 Matapang ka,t

                 Nasa pugad

Sa mga katutubong pahayag ay mag sasalamin ang kultura,gawi,paniniwala,at heograpiya at


lugar sa pilipinas na pinagmulan nito.Bagama,t marmi sa mga ito ay nasalin na sa wikang
Filipino,mababanag pa rin sa mga pahayag ang pinagmulan ng mga nasabing katutubong
pahayag. Magkagayunpaman ang mga katutubong, saanman ito nag mula ay ginagamit na at
palasak na sa buong sambayanan Pilipino.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy