Marcelino Tuluyan
Marcelino Tuluyan
Marcelino Tuluyan
Maikling Kuwento - Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga
ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa
sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig.
Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga
tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-
sunod nito. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang
upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para
matapos.
Dula - Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang
dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan
at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang
tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay
sa isang iskrip.
Sanaysay -Ang sanaysay o essay sa Ingles ay isang uri ng sulatin may pokus sa iisang
diwa at paksa. Ang isang sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-
kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Ang mga sanaysay ay isang komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Naipapahayag ng may
akda ang sariling impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,magbahagi ng opinyon,
manghikayat ng ibang tao, at iba pa.Gamit ang malawak na pag-iisip maaaring tumalakay
ng iba’t ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.
Alamat - Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung
saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong
bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay
mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na
buhay pa rin hanggang ngayon.
Bagama’t nakakatuwang basahin ang mga alamat, minsan ay hindi naman kapani-
paniwala ngunit sadyang may magagandang aral. Aral na hindi lang pambata kundi pati
na rin sa mga matatanda.
Noong unang panahon, may isang mabait na babae na nagngangalang Cinderella. Mahal
siya ng lahat ng hayop, lalo na ang dalawang daga na nagngangalang Gus at Jaq.
Gagawin nila ang lahat para sa babaeng tinawag nilang Cinderella. Si Cinderella ay
tumira kasama ang kanyang madrasta at ang kanyang dalawang kapatid na babae, sina
Anastasia at Drizella. Napakasama nila kay Cinderella, kaya buong araw siyang naglilinis,
nananahi, at nagluluto. Ginawa niya lahat ng kanyang makakaya para mapasaya sila.
Ang madrasta ni Cinderella, si Lady Tremaine, ay masama, malupit, at naiinggit sa
kagandahan taglay ni Cinderella. Nasiyahan siya sa pagbibigay kay Cinderella ng mga
karagdagang gawain, tulad ng pagpapaligo sa kanyang pusa na si Lucifer. Isang araw,
dumating ang isang mensahero na may dalang espesyal na imbitasyon. Magkakaroon
ng royal ball sa palasyo! Nais ng Hari na makahanap ng mapapangasawa ang kanyang
anak. Ang bawat kabataang babae sa kaharian ay inanyayahan—kabilang si Cinderella!
Tuwang-tuwa si Cinderella tungkol sa magaganap na okasyon. Sa pagitan ng kísame at
bubungan, nakita niya ang isang damit na pag-aari ng kanyang ina. Medyo makaluma,
pero kayang-kaya itong pagandahin ni Cinderella!