Ang Pang Ugnay
Ang Pang Ugnay
Ang Pang Ugnay
Uri ng Pangungusap
Ayon sa kayarian
Ayon sa gamit
Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong, pautos, at padamdam:
Pasalaysay o Paturol - Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong
nagtatapos sa tuldok (.).
Patanong - Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang
pananong (?) ang bantas sa hulihan nito.
Pautos - Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.
Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat,
paghanga, panghihinayang at iba pa.
Pang - Uri
Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan o tumuturing sa tao, bagay, pook, hayop at
pangyayari. Ang pang-uri ang nagbibigay katangian sa mga pangngalan at panghalip. Ginagamit
natin ang ating mga pandama sa paglalarawan.
tatlong uri ng pang uri
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Elemento ng Kuwento
1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino
nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari
sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin
o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na
sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
Mga Pahayag
MGA IDYOMATIKONG PAHAYAG
1.Mapaglubid ng buhangin
- Sinungaling(Si Juan ay napaka mapaglubid buhangin,nahuli na tumatanggi pa.)
2.Butot balat
-Payat na payat(Kagagaling lang ni Ana sa sakit kaya siya ay butot balat.)
3.Butas ang bulsa
-Walang pera(Si Ana ay sobrang magastos tuloy ngayon siya ay butas ang bulsa.)
4.Dibdiban
- Totohanan(Gusto niyang makatapos kaya dibdiban ang kanyang pag-aaral.)
5.Kisapmata
– Iglap(napakabilis niyang tumakbo sa isang iglap bigla siyang naglaho.)
6.May sinasabi
– Mayaman(Bali wala sakanya ang pera dahil siya ay may sinabi.)
7.Isang kahig, isang tuka
- Husto lamang ang kinikita sa pagkain(Ang mga mahihirap ay isang kahig isang tuka.)
8.Matandang tinali
-Matandang binata(Si mang Jose ay masyadong mapili sa babae kaya ngayon siya ay matandang
tinali.)
9.Bulanggugo
- Galante sa gastahan(Padating sa gimikan si Jose ay bulanggugo.)
10.Bukambibig
- Laging nasasabi(Si Joseph nalang ang lagging bukang bibig ni Ana.)
Pangatnig
Pang-Angkop
Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na
nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang
tinuturingan.
Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at
inilalarawan. Halimbawa nito sa pangungusap ay; "Nasira ang tulay na kawayan.", "May
maraming dahong luntian dito.", "Maraming mga bulaklak sa bakuran niya"
Pang - Abay
Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, at hanggang. Halimbawa n*g pangungusap na may pang-abay na pamanahon na
mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda
ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang
pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang
pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-
araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing
buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."
Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan
naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at
gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa
lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak." Karaniwan ding
ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o
kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na
pangalan ng isang tao. Halimbawa nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming
masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng
masarap na mamon para sa kaarawan.
Pamaraan
Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan
sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na
"Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."
Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang
oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis
ang pag-unlad ng bayan."
Pananggi
Panggaano o pampanukat
Pamitagan
Panulad