0% found this document useful (0 votes)
147 views11 pages

Lesson Plan in Filipino G Autosaved

The document provides a lesson plan for a Grade 3 Filipino class. The objectives are for students to understand the meaning of verbs, use action words to discuss activities at home, school and community, and become responsible Filipino citizens. The lesson will focus on the aspect of verbs. Students will do an activity to form pictures using numbers and write sentences using action words. They identify words like kumakain, naglalaro from the activity as verbs expressing actions. The teacher explains that verbs have aspects of past, present and future. The class discusses the past aspect and how verbs in this aspect use prefixes to show the action is completed like umalis, nakinig, naglaro. Students give examples of sentences using
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
147 views11 pages

Lesson Plan in Filipino G Autosaved

The document provides a lesson plan for a Grade 3 Filipino class. The objectives are for students to understand the meaning of verbs, use action words to discuss activities at home, school and community, and become responsible Filipino citizens. The lesson will focus on the aspect of verbs. Students will do an activity to form pictures using numbers and write sentences using action words. They identify words like kumakain, naglalaro from the activity as verbs expressing actions. The teacher explains that verbs have aspects of past, present and future. The class discusses the past aspect and how verbs in this aspect use prefixes to show the action is completed like umalis, nakinig, naglaro. Students give examples of sentences using
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

Lesson Plan in Filipino G-3

I- LAYUNIN
Sa pag tatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa
b. Magagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng ibat-ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
c. Magiging masunorin na mamayang Pilipino
II- PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Aspekto ng Pandiwa
B. Sanggunian: Tuklas 3 Wika at Pagbasa P. 180-181
C. Kagamitan: Power point presentation, ibat-ibang larawan na nag papakita ng kilos

III- PAMAMARAAN
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng mga Mag-aaral
A. Paunang Aktibidad
1. Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating
talakayan sa araw na it, tayo muna ay
manalangin. Sino sa inyo ang gusting
pangunahan ang ating panalangin
Panginoon, maraming salamat po sa
biyayang pinagkaloob Niyo sa amin sa
araw na ito& Sa aming pag-aaral ngayon,
turuan mo kami na matutong makinig nang
mabuti sa lahat ng mga mapag-uusapan at
gagawin. Makiisa kami sa mga talakayan
at gawain na ibibigay ng aming guro.
AMEN

2. Pagbati
Isang magandang umaga grade 3 bago
kayo umupo ay paki pulot ng mga kalat
sa ilalim ng inyong mga upuan at paki
Magandang umaga din po sa inyo titser.
tapon ito sa basurahan paki ayos rin ang
Opo titser
inyo mga upuan

Kamusta naman kayo? Mabuti naman po titser

Mabuti kung ganun.

3. Pagtala ng lumiban sa klase


Maaari ko bang malaman kung sino ang Narito po ang lahat titser.
lumiban sa ating klase ngayon?

Mukhang mababait talaga ang mga mag-


aaral sa ikatlong baitang at narito kayong
lahat ngayon.

4. Paglalahad ng Pamantayan
Kung sa inyong mga tahanan ay may
batas dito din sa loob ng klase ay may
roon din tayong batas at tinatawag nating
itong roleta

Ngayon kapag ang panuro ay naka tapat


sa ano mang larawan sa ating roleta ay
sasabihin niyo kung ano ang kahulugan Opo titser!
nito. Okay malinaw ba?

Simulan na natin ang roleta.

Kapag ang panuro ay nakatapat sa


larawang ito ano ang ibig sabihin.

Tumahimik po muna

Okay mahusay!

Pangalawa kapag naman ang panuro ay


nakatapat sa larawang ito ano ang ibig Itaas ang kamay kung may nais sabihin
sabihin?

Magaling!
Iwasan ang pakikipag usap o pakikipag
Pangatlo kapag ang panuro ay nakatapat tawanan sa katabi habang nag tuturo ang
sa larawang ito ano ang ibig sabihin? titser.

Mahusay!

Pang apat kapag ang panuro ay


nakatapat sa larawang ito ano ang ibig Maki isa sa talakayan
sabihin?
Napakahusay!
Paka tatandaan ang mga alituntuning ito
sapagkat ito ang magagamit natin upang Opo titser!
mapanatili maayos at maganda ang daloy
ng ating talakayan malinaw po ba?

5. Balik-Aral Ang tinalakay natin ay tungkol sa pandiwa


Bago tayo dumako sa ating pag-aaralan,
tayo muna ay magbalik-aral. Ano ang
ating tinalakay noong nakaraan?
Ang pandiwa ay salitang kilos o galaw
Tama! Ang tinalakay natin noong
nakaraang aralin ay tungkol sa Pandiwa.
Ano nga ba ang pandiwa?

Magaling!
Ano ang salitang kilos na pinapakita sa
mga larawan? Tumatakbo

Kumakain

Natutulog

Mahusay ang mga larawang ito ay


halimbawa ng pandiwa
6. Pagganyak
Ngayon araw may, inihanda akong
gawain upang magkaroon kayo ng ideya
sa ating pag-aaralan.

Hahatiin ko kayo sa apat na grupo. Bawat


grupo ay may bubuuhin larawan sa likod
ng mga larawaang ito may mga numero
na kailangan ninyong pag sunod sunurin
upang mabuo ito.
Pag tapos ninyo itong mabuo isulat sa
papel ang ginawa niyo kung andiyan kayo
sa mga lugar na iyan.
Bahay Paaralan

Parke Mall
Mga ginawa namin sa loob ng bahay
Sa unang grupo ang kanila nabuo ay Naglilinis, nagluluto, naglalaba, nag
bahay pakibasa sa harapan ang inyong huhugas
sagot kung sino ang representate.

Mahusay! Mga ginawa namin sa loob ng paaralan


Sa pangalawang grupo naman ang kanila nagsusulat, nagbabasa, nagllaro,nag aaral
nabuo ay paaralan pakibasa sa harapan
ang inyong sagot kung sino ang
representate.

Magaling! Mga ginawa namin sa parke naglalaro


Sa pangatlong grupo naman ang kanila tumatakbo, nagduduyan,
nabuo ay parke pakibasa sa harapan ang
inyong sagot kung sino ang representate.

Mga ginawa namin sa kumakain,


Mahusay! naglalaro, namimili, nanood ng sine
Sa pang apat grupo naman ang kanila
nabuo ay mall pakibasa sa harapan ang
inyong sagot kung sino ang representate

Ang mga salitang naitala sa aming papel


Napakahusay! ay kumakain, naglalaro, naglalaba,
nagluluto at nag susulat
Ano-ano ang mga salitang nakuha naitala
ninyo sa inyong mga papel?

Opo titser. Nagsasaad po ito ng kilos.

Nagsasaad ba ang mga ito ng kilos o


galaw?
B. Paglalahad
Base sa aktibidad na ginawa natin
kanina, ano ang paksang tatalakayin
natin ngayon araw?
Titser, sa tingin ko po ang paksang
tatalakayin natin ay tungkol pa rin sa
salitang kilos o pandiwa

Okay Para malaman natin kung ano ang


paksang tatalakayin natin ngayong araw
ay aayusin natin ang jumble words na
nasa ibaba

ASTOPEK GN WAPANDI
ASPEKTO NG PANDIWA
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay
tungkol sa Aspekto ng Pandiwa

C. Pagtatalakay

Ano ang salitang naitala niyo kanina sa


ginawang aktibidad?
Ang mga salitang naitala namin sa aming
papel ay kumakain, naglalaro, naglalaba,
nagluluto at nag susulat

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Ito ay tinatawag na pandiwa o salitang


kilos

Tama! Alam niyo na ba na ang pandiwa


ay nababanghay ayon sa ibat-ibang
aspekto.

Ang aspektong pandiwa ay naganap,


nagaganap at magaganap.

Unahin na nating talakayin ang


aspektong naganap

Ano ang ibig sabihin ng naganap?


Ang ibig sabihin ng naganap at tapos na

Tama! Sa aspektong naganap ang


salitang kilos ay nangyari na o naganap
na.

Suriin natin ang mga salitang may


salungguhit sa pangungusap.

1. Pumunta kami sa simbahan nung


nakaraang linggo.

Ano salita ang may salungguhit? Ang salitang may salungguhit ay Pumunta

2. Binigyan naming ang batang


nagugutom sa tulay kanina nang kami ay
mapadaan.

Ano salita ang may salungguhit? Ang salitang may salungguhit ay Binigyan
3. Si ate ay naghugas ng mga plato
kahapon? Ang salitang may salungguhit ay naghugas

Ano salita ang may salungguhit?

Ano ang napansin niyo sa salitang


pumunta, binigyan at naghugas Ang salitang pumunta at binigyan ay
salitang kilos na tapos na

Tama! Ito ay nasa aspekto ng naganap


na dahil ang kilos ay tapos na o naganap
na.
Nabubuo ang pandiwa sa aspekto ng
naganap sa pamamagitan ng pagsasama
ng unlapi na um, na, nag, nang at
salitang-ugat.

Halimbawa:
um + alis = umalis
na + kinia = nakinia

Ano ang unlapi sa salitang-ugat na


ginagamit sa salitang kilos na nakinig?
Ang unlapi ay na at ang salitang ugat ay
kinig.

nag + laro = naglaro


nang + hingi = nanghingi
Sa salitang kilos na naglaro at nanghingi, Ang salitang ugat ay laro at hingi
ano salitang-ugat ang ginamit?
Maari ba kayong gumawa ng
pangungusap
gamit ang pandiwa na naganap na? Umalis ang aking kaibigan noong
nakaraang araw.
Nakinig ako sa aming leksyon kahapon.
Magaling! Nakatutulong sa pagkilala ng
pandiwang naganap na ang mga salitang
pampanahong kanina, kahapon, kagabi,
noong isang araw, noong nakaraan at iba
pa. Ang mga ito ay nagpapahiwatig na
tapos na o naganap na ang isang kilos.

Balikan natin ang pangungusap kanina.


1. Pumunta kami sa simbahan noong
nakaraang lingo.
Ano ang salitang may salungguhit?

Ano ang ginamit na salitang pampanahon Ang salitang may salungguhit ay pumunta.
sa pangungusap?
Ang ginamit na salitang pampanahon ay
2. Binigyan namin ng pagkain ang mga noong nakaraang linggo.
batang nagugutom sa tulay kanina ng
kami ay napadaan doon.

Ang pandiwang ginamit sa pangungusap


ay binigyan. Ano naman ang salitang
pampanahon na ginamit?

3. Si ate ang naghugas ng mga plato Ang salitang pampanahon na ginamit ay


kahapon. kanina.

Ano and pandiwa at salitang


pampanahon na ginamit sa
pangungusap?
Ang pandiwa na ginamit ay naghugas at
Magaling! Palakpakan ang inyong sarili. ang salitang pampanahon ay kahapon.
Ano ang salitang naglalahad ng salitang
kilos sa bawat pangungusap?

1. Araw-araw niyang binibisita ang


kanyang lolo na may sakit sa ospital. Ang salitang naglalahad ng gawain ay ang
salitang binibisita.
2. Tuwing hapon ay nagbabasa si Liza at
ang kanyang kapatid.

3. Tuwing umaga nagdidilig ng mga


halaman si Kathy. Salitang nagbabasa po titser
Magaling!
Ang salitang binibisita, nagbabasa at
nagdidilig ba ay mga salitang Ang salitang nagdidilig po titser
naganap na?

Tama! Ito ay mga salitang nagaganap.


Ang
aspektong nagaganap ay mga salitang
kilos na ginagawa pa lamang Hindi po titser.

Nabubuo ang aspekto ng nagaganap sa


pamamagitan ng pagsasama ng um, na,
nag, at nang + unang pantig + salitang-
ugat.
Halimbawa:
luto awit
nag + lu + luto = nagluluto
um + a + awit = umaawit

Maari ba kayong gumawa ng


pangungusap na gamit ang pandiwang
nagaganap?

Gumamit ng salitang pampanahon gaya Araw-araw kong naririnig ang mga ibon na
ng araw-araw, ppalagi, tuwing, umaawit.
kasalukuyan ngayon at iba pa para Nagluluto si nanay ng pagkain tuwing kami
ipahiwatig na nag kilos ay ginagawa o na uuwi galling paaralan.
nagaganap pa.

Balikan natin ang pangungusap na


ginamitan ng pandiwang pangungusap
nagaganap.
1. Araw-araw niyang binibisita ang
kanyang lolo na may sakit sa ospital.
Ano ang ginamit na pandiwa?
Ano naman ang ginamit na salitang
pampanahon?
Ang ginamit na pandiwa ay binisita

2. Tuwing hapon ay nagbabasa si Liza at Ang ginamit na salitang pampanahon ay


ang kanyang kapatid. araw-araw.
Ano ang ginamit na pandiwa at salitang
pampanahon sa pangungusap?

3. tuwing umaga nagdidilig ng mga


halaman si Kathy.

Ang ginamit na pandiwa sa Ang pandiwa na ginamit ay nagbabasa at


poangungusap ay nagdidilig. Ano naman ang salitang pampanahon ay tuwing
ang salitang pampanahon na ginamit. hapon.

Magaling! Palakpakan niyo ulit ang


inyong sarili.

Ngayon naman ay dadako na tayo sa


pangatlong aspekto ng pandiwa. Ang salitang pampanahon na ginamit ay
Tukuyin ang salitang naglalahad ng tuwing umaga
gawain?
1. Mamaya ay dadalaw tayo sa ating
kaklase na may sakit.
2. sa darating na sabado ay tutulong kami
sa paglilinis ng ating barangay.
3. Kami ay pupunta sa palengke
mamaya.

Ang salitang kilos na dadalaw tutulong at


pupunta ba ay halimbawa ng aspektong
Dadalaw
nagaganap?

Tama! Ito ay halimbawa ng aspekto ng Tutulong


pandiwa na magaganap. Ang salitang
kilos ay mangyayari pa lang.
Pupunta
Nabubuo ang aspekto ng nagaganap sa
pamamagitan ng pag-uulit ng unang
pantig ng pandiwa.

Halimbawa Hindi po titser


Lakad la+lakad= lalakad
Kain ka+ kain= kakain
Ito ay maari ring may unla[ing mag. Ma +
unang pantig + salitang ugat.
Halimbawa
Luto mag+lu+luto = magluluto
Tulog ma+tu+tulog = matutulog
Ano ang salitang ugat na ginagamit sa
kilos na magluluto at matutulog?

Maari ba kayong gumawa ng


pangungusap gamit ang pandiwang
magaganap?

Ang saliatng ugat na ginamit ay luto at


Gumamit ng salitang pampanahon tulad tulog.
ng darating na, bukas, mamaya, sa
susunod na at iba pa para ipahiwatig na
kilos ay gagawin pa lang.
1. Mamaya ay dadalaw tayo sa ating Kakain kami ng aking kaibigan pagkatapos
kaklase na may sakit. ng klase.
Ang pandiwang ginamit sa pangungusap Sa darating na lunes ay maluluto kami ng
ay dadalaw. Ano naman ang salitang masarap na pansit para bsa kaarawan ng
pampanahon na ginamit? aking kapatid.
2. Sa darating na sabado ay tutulong
kami sa paglilinis ng ating barangay.
Ano ang salitang pampanahon na ginamit
sa pangungusap?

3. Kami ay pupunta sa palengke


mamaya.
Ano ang pandiwa at salitang
pampanahon na ginamit sa
pangungusap?

Ang salitang pampanahon na ginamit ay


mamaya.
Magaling!
Para mas lalo nating maintindihan ang
aspekto ng pandiwa, magbibigay ako ng Ang salitang pampanahon na ginamit ay
salitang-ugat at sasabihin niyo ang darating na
salitang kilos sa bawat aspekto ng
pandiwa.
Handa na ba kayo? Ang pandiwa na ginamit na ginamit ay
pupunta at ang salitang pampanahon ay
1. bihis mamaya.
2. talon
3. iyak
4. sigaw

Opo titser

Magaling Grade 3! Palakpakan niyo ang Naganap Nagagana Magaganap


inyong sarili. p
Nagbihis Nagbibihis magbibihis
Tumalon Tumatalon Tatalon
Umiyak Umiiyak Iiyak
Sumigaw Sumisigaw Sisigaw

D. Paglalahat
Alam ko na marami kayong natutunan sa
ating talakayan ngayon.

Ano ang ating tinalakay ngayon? Ang tinalakay natin ngayon ay tungkol sa
aspekto ng pandiwa.

Magaling!
Ano-ano ang mga aspekto ng pandiwa?
Ang mga aspekto ng pandiwa ay naganap,
nagaganap at magaganap.
Ano ang pinag kaiba ng tatlong aspekto
ng pandiwa?
Sa aspekto ng naganap ang kilos o galaw
ay nangyari na. Sa aspekto ng nagaganap
ang kilos o galaw ay kasalukuyang
nangyayari samantalang sa aspekto ng
magaganap ang kilos o galaw ay
mangyayari pa lang.
Mahusay! Naunawaan niyo ang ating
paksa sa araw na ito.

E. Paglalapat
Panuto: Tukuyin ang pandiwang ginamit 1. Ang magkapatid na Gino at Girlie ay
sa pangungusap at aspekto nito. naghahabulan sa parke.
1. Ang magkapatid na Gino at Girlie ay NAGAGANAP
naghahabulan sa parke. 2. Magluluto si nanay ng masarap na ulam
2. Magluluto si nanay ng masarap na mamayang gabi.
ulam mamayang gabi. MAGAGANAP
3. Sama-samang naglilinis ng silid ang 3. Sama-samang naglilinis ng silid ang
mga bata. mga bata.
4. Naglaba si Ana ng kanyang damit NAGAGANAP
kaninang umaga. 4. Naglaba si Ana ng kanyang damit
5. Kahapon ay naligo kami sa ilog. kaninang umaga.
NAGANAP
5. Kahapon ay naligo kami sa ilog.
NAGANAP

IV- PAGTATAYA
A. Tukuyin ang pandiwang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang
aspekto nito.
1. naglaro 2. Nagsulat 3. nagwalis
Naghahabulan magbabasa naglilinis
Nagtago magbibilang nagpupunas
4. kakanta 5. Tatakbo
Umaawit humahabol
Sasayaw sumigaw
B. Gamit ang salunguhitang salita. Tukuyun ang aspekto ng pandiwa na ginamit sa
bawat pangungusap.
1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.
2. Hiniram ni Patricia ang aklat ko.
3. Maglalaro kami ng habulan mamayang hapon.
4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.
5. Si Letty ang naglinis ng kusina.

Mga tamang sagot


A.
1. naghahabulan
2. nagsulat
3. nagwalis
4. umaawit
5. tatakbo
B.
1. nagtatanim-nagaganap
2. hiniram-naganap
3. maglalaro-magaganap
4. iinom-magaganap
5. naglinis-naganap
V- TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sagutan ang Gawain A sa pahina 181 sa inyong libro. Kompletuhin ang
talahanayan ng mga pandiwa sa tatlong aspekto.

Mga Pandiwa

Naganap Nagaganap Magaganap

1. nag-aral    

2 namamasyal  

3 nakikiisa  

4   magtatanim

5. nag-usap    

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy