Katiyakan NG Kapatawaran at Kaligtasan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Katiyakan ng

Kapatawaran at
Kaligtasan
SAAN TAYO
INILIGTAS NI CRISTO?
Itinuturo ng Biblia na ang
kabayaran ng kasalanan ay
kamatayan (Roma 6:23).
Ang kamatayan ay hindi lamang pisikal
kundi espiritwal din.

Kahit ang tao ay pisikal na buhay, kung wala


naman siyang pagkilala sa Diyos ay
itinuturing siyang patay ng Dios
(hiwalay sa Kanya).
Sa ganitong kalagayan ang
sinumang nilalang ay nasa
hatol ng pagkapahamak.

Juan 3:17-18
Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang
mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya. Hindi
hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan
na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-
isang Anak ng Diyos.
Kung tayo ay mamatay nang walang pagkilala
sa ginawa ni Cristo para sa atin tayo ay
mapapahamak sa walang-hanggang buhay.
Ang kaparusahan – dagat-dagatang apoy!
Dito tayo iniligtas ni Cristo.
II. ANG PAG-IBIG NG DIOS
Pwede na sanang pinuksa na lamang ng Diyos ang ating mga unang
magulang (Adan at Eba) nang sila ay bumagsak sa kasalanan subalit
hindi iyon aayon sa Kanyang katangian na puspos ng pag-ibig.

Gumawa ng paraan ang dalawa upang pagtakpan ang kanilang


kahubaran na bunga ng kasalanan. Sa halip na itakwil tinakpan Niya sila
ng damit na gawa sa balat ng hayop.

Simula noon ay ipinangako na ang isang Tagapagligtas na magbabalik


sa mga tao sa Diyos sa takdang panahon (Genesis 3:15; Galacia 4:4).
II. ANG PAG-IBIG NG DIOS

Ang pag-ibig ng Diyos ang siyang nagbunsod kay Jesus upang


bumaba sa lupa at magpasakit alang-alang sa ating ikaliligtas

Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang
kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.
II. ANG PAG-IBIG NG DIOS

Ang pag-ibig na ito ng Diyos ay dalisay at wagas. Dahil dito ang


mga tao ay nakasumpong ng Daan pabalik sa Kanya

Juan 14:6
Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang
katotohanan, at ang buhay. Walang
makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan
ko.
III. KATIYAKAN NG KAPATAWARAN

Ang sinumang lumalapit kay Jesus ay hindi Niya itataboy. Kung tayo
ay lalapit sa Kanya, Siya ay lalapit sa atin.

Mayroong panawagan ang Diyos sa lahat ng tao.


Walang kasalanan na hindi Niya kayang patawarin.Walang
karumihang hindi Niya kayang linisin.

Isaias 1:18
“Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh.
Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y
aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.
III. KATIYAKAN NG KAPATAWARAN

Tinitiyak ng Salita ng Diyos na ang sinumang lalapit sa Diyos


nang may pagsisisi ay patatawarin at sinumang magtatapat
na ipahayag ang kanyang kasalanan ay lilinisin

Mga Kawikaan 28:13


Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi
mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang
nagbabalik-loob at nagsisisi.
next verse
1 Juan 1:7-9
Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, gaya niya na nasa liwanag,
tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo
ni Jesus na kanyang Anak.

Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang


ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Subalit kung
ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng
Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan,
sapagkat siya'y tapat at matuwid.
IV.KATIYAKAN NG KALIGTASAN

Si Apostol Juan ay sumulat sa mga unang Cristiano tungkol sa


kanilang espiritwal na kalagayan. Tinitiyak niya sa kanila na kung
si Cristo ay nasasa kanilang buhay na, ay mayroon na silang
buhay na walang-hanggan sa piling ng Diyos.

Sila ay lumipat na mula sa kamatayan (pagkawalay sa Dios)


patungo sa buhay (kaligtasan)
IV.KATIYAKAN NG KALIGTASAN

1 Juan 5:11-13
At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na
walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng
kanyang Anak. Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon
siyang buhay na walang hanggan; ngunit kung wala sa kanya ang
Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.
Ang Buhay na Walang Hanggan
Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong
sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang
hanggan.
IV.KATIYAKAN NG KALIGTASAN

Nang sumulat si Apostol Pablo sa mga Cristianong taga-Efeso ay


ganito rin halos ang kanyang sinabi:

Efeso 2:8-9
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi
mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't
walang maipagmamalaki ang sinuman.
Ang patotoo ng
binagong buhay natin
kay Cristo ay patunay
ng ating kaligtasan.
Reminders:
Attendance Incentive
Bring a friend gift
Tithes
Bible
Campus Ministry

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy