Panahon NG Propaganda 1
Panahon NG Propaganda 1
Panahon NG Propaganda 1
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Kapansin-pansin ang unti-unting pagkamulat, pagkabuo, at paglaganap ng damdaming makabayan ng mga
katutubong Pilipino sa huling bahagi ng ika- 19 na dantaon. Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng
diwang makabayan. Ang tahimik na damdamin ay nahaluan ng damdaming paghihimagsik at lantarang paghingi ng
pagbabago sa sistema ng pamamalakad ng pamahalaang Español at Simbahang Katoliko. Nagsilbing mitsa ng
pagkagising ng damdamin at paghingi ng reporma ang pagpatay sa tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose
Burgos, at Jacinto Zamora ng walang sapat na katibayan. Nadagdagan pa ito ng pagkapasok sa Pilipinas ng
diwang liberalismo dahil sa pagkakabukas ng kolonya sa pandaigdigang pakikipagkalakalan, at ang pagpapadala
sa Pilipinas ng liberal na lider gaya ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre. Dahil salat sa mga kagamitang
panghimagsikan, ginamit ng mga naghihimagsik na Pilipino ang panulat bilang sandata para sa kanilang
minimithing pagbabago. Subalit mahigpit ang Comite de Sensura sa mga akdang pampanitikang nalalathala noong
panahong yaon, kung kaya marami sa mga manunulat, lalo na iyong mga intelektuwal at maykaya, ay nagtungo sa
ibang bansa upang maisakatuparan ang kanilang pakikibaka sa pamahalaang Español.
Jose Rizal
Si Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda ay ipinanganak noong ika- 19 ng Hunyo 1861 sa Calamba,
Laguna. Bata pa lamang siya ay kinakitaan na siya ng di-pangkaraniwang katalinuhan. Sa eded na walo ay naisulat
niya ang tulang "Sa Aking mga Kababata," sa edad na 15ay sinulat niya ang "A La Juventud Filipina na nagwagi sa
isang patimpalak sa pagsulat ng tula. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal at sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Nangibang-bansa siya noong 1886, upang tapusin ang kursong medisina at isulong ang pagkakaroon ng reporma sa
Pilipinas, sa pamamagitan ng kanyang mga akda. Sinulat niya ang mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na sinasabing naging mitsa ng pagkagising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino at naging
dahilan din upang matamo niya ang minimithing kalayaan. Ginamit niya ang Laon-laan at Dimasalang bilang
sagisag panulat sa kanyang mga akda. Sa ikalawa niyang pagbalik sa Pilipinas, hinatulan siya ng kamatayan dahil
sa bintang na sedisyon at paghihimagsik. Binaril siya sa Bagumbayan (Luneta) noong ika-30 ng Disyembre 1896.
Mga Akda ni Jose Rizal
1. Sa Aking mga Kababata - Sa kanyang murang pag-iisip ay kinakitaan na siya ng pagmamahal sa sariling bayan sa
pamamagitan ng kanyang tulang "Sa Aking mga Kababata". Narito ang kabuuan ng tula na sinulat niya noong siya'y
walong taon pa lamang.
2. Noli Me Tangere - Ang unang sinulat ni Rizal na gumising sa isip at puso ng mga mamamayang Pilipino para
ipaglaban ang kalayaan ng bayan sa pamamagitan ng himagsikan. Sa aklat na ito, hayagan niyang ipinakita ang
masamang pamamalakad ng mga Españo sa Pilipinas at ang maling kalakaran sa lipunan na para sa kanya ay isang
malubhang sakit na gaya ng sakit na kanser. Ang sakit na ito ng lipunan ay kailangang agad malunasan dahil kung
hindi ay baka maging malala at magdulot pa ito ng malaking kapahamakan sa bayan at sa mga mamamayan nito,
maging sa mga namumuno nito.
Hindi malilimutan sa nobelang ito ng mga tauhang gaya nina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Elias, Sisa, Pilosopo
Tasyo, Victoria, Basilio, Crispin, Kapitan Tiago, Padre Damaso, at iba pa.
Buod:
NOLI ME TANGERE
Pagkatapos nag-aral at namalagi ng pitong taon sa Europe ay nagbalik si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas. Ito'y
pinaghandaan ni Kapitan Tiyago, ama ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra, sa pamamagitan ng isang salo-salo na
dinaluhan ng ilan sa mga kasaping kabilang sa mataas naantas nglipunan.
Kinabukasan ay dinalaw ni Ibarra si Maria Clara at inalala ang kanilang pagmamahalan na nagsimula pa sa
kanilang pagkabata. Bago pumunta ng San Diego si Ibarra ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ang
pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinagbintangan ni Padrat Damato ha pumatay sa maente, si Doya binilanggo
hanggang nagkasay pinahukayang kulungan. At daadarikdulan ang kasamaan ni Padre Damaso ay pinahukay ang
bangkay ng kanyang ama at itinapon na lang ito sa lawa.
Ngunit sa halip na maghiganti ay ipinagpatuloy niya ang balak ng kanyang ama na magpatayong paaralan.
Kamuntikan nang mapatay si Ibarra, kunghindi lang nailigtas ni Elias, sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng
paaralan. At muntik naman masaksak ni Ibarra si Padre Damaso napigilan lang ito ni Maria Clara. Sinamantala ni
Padre Damaso ang pagkakataon na sirain at utusan si Kapitan Tiyago na itigil ang kasunduan ng pagpapakasal nina
Ibarra at Maria Clara.
Walang kamalay-malay na napagbintangan si Ibarra noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng
sibil at siya'y ibinilanggo. Ginawa lahat upang hindi makalaya si Ibarra kabilang na dito ang sulat ni Ibarra kay Maria
Clara na pinalitan.
At kung saan nalaman na ang tunay na ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso. Inanunsyo sa bahay ni Kapitan
Tiyago ang pagpapakasal nina Maria Clara at Linares habang lihim na kinausap ni Ibarra si Maria Clara at nagpaalam
bago siya tuluyang tumakas.
Tuluyan nang tumakas si Ibarra at sumakay ng bangka ngunit naabutan sila, kaya tumalon sa tubig si Elias upang
iligaw sila. Pinaputukan siya ng mga sibil sa akalang siya ay si Ibarra hanggang mapatay nila ito. Nagmadre na
lamang si Maria Clara nang nabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra. Bago nawalan ng hininga si Elias, ang huling
habilin niya ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
3. El Filibusterismo - ito ang karugtong ng nobelang Noli Me Tangere. Sinasabing kung ang Noli Me Tangere ay isang
nobelang panlipunan, ang El Filibusterismo ay itinuturing naman na isang nobelang pampolitika dahil kung sa Noli,
tinatalakay lamang ni Rizal ang mga sakit ng lipunan noong panahong yaon, sa El Fili naman ay lantaran niyang
inilarawan at tinuligsa ang mga kasamaan at katiwalian sa pamahalaan, gayundin ng simbahan na nagtataglay rin ng
kapangyarihang mamuno sa bayan.
Sa aklat na ito, ipinapakita na ang dating matahimik na si Ibarra sa Noli Me Tangere ay nagbalik sa katauhan ng
isang mabagsik at nakasusuklam na tauhang si Simoun
Buod
EL FILIBUSTERISMO
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang
mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at
si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na padalaw
sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na
nagbabalatkayo, Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito
naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Español Español. Si
Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan-Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang
kahilingan sa kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Español. Ang kahilingang ito ay di napagtibay
sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng
karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simoun ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang
paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si
Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na ng hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ng kanilang samang loob ukol sa kabiguang natamo, ay
nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y
nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Pprayle kaya ganito
ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng Unibersidad ang mga paskilna ang nilalaman ay
mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga paskilito ay ibinintang sa mga kasapi ng
kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang
malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si
Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapamagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari
Camorra na tulungan siya upang mapalaya ngunit sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang naging dahilan
ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don
Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at
Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging
na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa pamahalaan at mga litaw na tao sa lungsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapilt ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang
nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik, Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang
ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis-granada at kasinlaki ng ulo
ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni
Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong nasa kanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang
ilawan ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng 20 minuto ay manlalabo. Kapag hinagad
na itaas ang mitsa upang paliwanagin, puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay
sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatunaw ng kiyoskong kakanan at walang sinumang
maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ang malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang
magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng
pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana ngunit namalas niyang dumating si
Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya
napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin ng di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo,
Pari Irene ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang
pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan.
3. Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)- Tulang sinulat ni Rizal habang siya ay nasa loob ng Fort Santiago. Itinago
niya ang tulang ito sa isang kusinilyang de alcohol at ibinigay niya sa kanyang kapatid na si Trinidad kasabay ng
sabing may nakalagay sa loob nito. Ang tulang ito ay walang pamagat at ang nagbigay ng pamagat na Mi
Ultimo Adios ay si Padre Mariano Dacanay.
Siping saknong:
MI ULTIMO ADIOS
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluag sa
dibdib, matamis sa puso at di ikahapis.
4. A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino). Ang tulang ito ay lahok ni Rizal sa isang timpalak sa UST.
Binigyang-diin niya sa tulang ito ang pagpapahalga ng mga kabataan sa edukasyon at ang pagpapaunlad ng
kanilang magagandang katangian.
Mga Akda
1. Fray Botod (1874). Isang maikling nobelang naglalarawan hinggil sa mga prayleng dumating sa Pilipinas. Ito'y payat na
payat ngunit nang makalipas ang ilang panahon ay nagmukha ng tao. Tinuligsa ni G.L. Jaena ang pagbibigay ng
masasamang halimbawa ng mga prayle na sana'y mabubuting huwaran ng mga mamamayang Pilipino na makatulong
tungo sa pagtatamo ng kapuri- puri atkasiya-siyang kaasalan. Ngunit nailalarawan dito ang mga iba't ibang bisyo ng
mga prayleng Español. Tinuligsa rito ang pagbabayad nang mahal sa pagpapalibing sa mga patay, ang
pagpapautang nang may malaking tubo, at ang pagbibigay ng masamang halimbawa at huwaran sa mga
mamamayan.
2. El Bandolertismo en Pilipina. Akdang pagtatanggol sa mga Pilipino sa paratang ng mga prayle na ang mga Pilipino ay
mga bandido at mga magnanakaw.
3. Sa mga Pilipino. Talumpating naghahangad ng maayos, malaya, at maunlad na kalagayan ang mga Pilipino.