Inbound 5023803715308371467

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 1: MGA PANANAW, KAHULUGAN, AT KASAYSAYAN NG

KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

 Ayon kay ARISTOTLE ang PANGHIHIKAYAT ay nakatuon sa kaparaanan kung papaano maiaangat ang
interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang ang ARGUMENTO naman ay ang wastong
pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya.
 Ayon kina MARTIREZ ang KOMUNIKASYONG TEKNIKAL ay nagtataglay ng tiyak na anyo na
nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso samantalang ang SULATING TEKNIKAL naman ay isa
lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na antas ng
kasanayan mula sa isang disiplina.
 KOMUNIKASYONG TEKNIKAL- ito ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon na karaniwang
naihahalintulad sa iba pang uri ng sulatin bagaman ito ay may tiyak na audience, layunin, estilo,
pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang pangunahing element ng komunikasyong teknikal.

Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal


 AUDIENCE- nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaring siya ay TAGAPAKINIG, MANONOOD, o
MAMBABASA.
 LAYUNIN- ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensahe.
 ESTILO- kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay
na maipadadala ang mensahe.
 PORMAT- tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala.
 SITWASYON- ito ay pagtukoy sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe.
 NILALAMAN- dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon.
 GAMIT- ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe.

Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal


 ORYENTASYONG NAKABATAY SA AUDIENCE- ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng
komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa audience. Sa katangiang ito ang mensahe ay
kinakailangang mula sa pananaw ng audience at hind isa manunulat.
 NAKAPOKUS SA SUBJECT- layunin nitong puspusang matalakay at maisa-isa ang inaasahang proseso
na tutulong sa audience na maisagawa ang inaasahan sa kaniya.
 KUMAKATAWAN SA MANUNULAT- ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang
sumulat o ang kultura ng prganisasyong kaniyang kinabibilangan.
 KOLABORASYON- maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng
komunikasyong teknikal.

ARALIN 2: ANG AUDIENCE BILANG MAMBABASA AT ANG


KAHALAGAHAN NG KOLABORATIBONG PAGSULAT

Apat na Uri ng Mambabasa


 PRIMARYANG MAMBABASA- sila ang mga tuwirang pinatutunguhan ng mensahe na umaaksiyon o
nagbibigay pasya.
 SEKUNDARYANG MAMBABASA- sila ang nagbibigay-payo sa primarying mambabasa.
 TERSIYARYONG MAMBABASA- sila ang mga maaring may interes sa impormasyong matatagpuan sa
dokumento.
 GATEKEEPER- sila ang namamahala sa nilalaman ng dokumento gayundin sa estilo nito bago paman
ito ipahatid sa primaryang mambabasa.

Pagtukoy sa Pangangailangan, Pagpapahalaga, at Saloobin ng mga Mambabasa


 PANGANGAILANGAN- ito ay tutukoy sa mga impormasyong kinakailangang matugunan o
maaksiyonan ng iyong mambabasa.
 PAGPAPAHALAGA- kinapapalooban ito ng mga usapin o adyenda, tunguhin, o mga paniniwala na
mahalaga sa mga mambabasa.
 SALOOBIN- ito ang nagsisilbing tugon ng mambabasa sa iyong isinulat na makaaapekto sa kanila.

Ang Kolaborasyon
 KOLABORATIBONG PAGKILOS- ito ay isang sus isa isang matagumpay na proyekto.

Apat na Yugto ng Kolaborasyon


 FORMING- ito ang pagbibigay-buhay sa misyon, pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy sa mga
responsibilidad, at pagmamapa ng iskedyul.
 STORMING- ito ay tumutukoy sa wastong pamamahala ng mga tunggalian, tensiyon sa pamumuno
at pamamahala, at pagkadismaya.
 NORMING- ito ang pagtatasa sa kaisahan ng grupo, sa napagkasunduan, pagpapakinis ng itinakdang
layunin, pagpapatibay ng Samahan, at pagpopokus sa papel na ginampanan ng bawat miyembro.
 PERFORMING- ito ang bahagi ng tunguhin, paghahati-hati ng Gawain, pagtugon sa mga tunggalian,
at pagkakaiba-iba ng pananaw ng bawat miyembro.

Anim na Hakbang sa Forming Bilang Maestratehiyang Paraan ng Pagpaplano


 PAGTUKOY SA MISYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO- ito ay ang pag-alam sa layunin kung bakit
kailangang buuin ang isang proyekto.
 PAGTUKOY SA KALALABASAN NG PROYEKTO- ito ay hakbang ng pagtukoy sa inaasahang resulta o
kalalabasan ng isang proyekto.
 PAGTUKOY SA RESPONSIBILIDAD NG MGA MIYEMBRO- ito ay ang pagbibigay ng mga kanya-
kanyang gawain ng bawat myimbro ayon sa kanilang kakayahan at kalakasan.
 PAGLIKHA NG ISKEDYUL NG PROYEKTO- ito ang pag-iisa-isa at pagkakalendaryo ng mga
nakatakdang gawain ng bung grupo.
 PAGSANG-AYON SA PAGRESOLBA NG TUNGGALIAN- ito ay bahagi kung saan inaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan at tunggalian sa isang pangkat.

ARALIN 3: MGA ELEMENTO AT ETIKA NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL


SA LOKAL AT PANDAIGDIGANG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON

 ETIKA- isang sitemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang


Lipunan.

Pinagmulan ng Etika

Tatlong Pagpapahalang Mayroon ang Isang Tao:


 PERSONAL NA ETIKA- ito ang pagpapahalagang natatamo ng tao mula sa pamilya, kultura, at
pananampalatayang mayroon siya.
 PANLIPUNANG ETIKA- ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na
kinalakhan ng isang tao.

Apat na Kategorisasyob kaugnay sa panlipunang etika:


a. KARAPATAN- ito ang pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula nang siya ay isilang at
karaniwan itong nasusulat sa batas.
b. HUSTISYA- tumutukoy ito sa pagbibigay ng patas na pagtingin sa dalawa o higit pang
magkakaibang bagay, na higit na kinakailngan sa pagdedesisyon.
c. EPEKTO- tinatanaw rito ang interes ng nakararami kaysa sa interes ng iilan.
d. PAGKALINGA- tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging mapangalaga o
mapagkalinga kaysa sa pagiging marahas.

 ETIKANG PANGKONSERBASYON- ito ang etikang tumutulong sa tao para mapahalagahan niya ang
kaniyang paligid na ginagalawan lalo at higit na pinag-uukulan ngayon ng pansin ang isyu ng global
warming at mga kaugnay na kalamidad.

Kaligiran ng Tawid-Kulturang Komunikasyon


 SEARCH ENGINE- ito ang tawag sa mga mapaghahanguan ng mga datos gaya ng Ask.com, Google,
Yahoo, at iba pa.
 INFORMATION GLUT- ito ay tumutukoy sa dami ng impormasyong maaring makolekta,
mainterpreta, at mapagsama-sama na nagdudulot ng information overload sa tao.
 BUSINESS PROCESS OUITSOURCING (BPO)- ito ay isang uri ng organkisasyong namamahala sa
pangangailangang pangnegosyo ng ibang kompanya na karaniwang sineserbisyuhan ng call center
agent.
 CALL CENTER AGENT- ito ang mga tutanggap ng tawag o gumagawa ng ulat hinggil sa mga konsern
ng kliyente sa iba’t ibang kompanya na nakabase sa ibang bansa.
 Sa INDIA, ang pasasalamat ay itinuturing na bayad o kabayaran sa isang pabor na ginawa mo para
sa kanila
 Ang PUTTING DAMIT at BULAKLAK ay simbolo ng kamatayan o pagdadalamhati para sa karamihang
ASYANO.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy