PT - ESP 6 - Q3 Edited

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DER-AN INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

PANGALAN: ______________________________________________________________ ISKOR: _________________

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Kung ikaw ay tumatawid sa highway, saan mo dapat ito ginagawa?


a. kung saan may traffic lights
b. sa ibaba ng overpass
c . kung saan walang pulis na nakakakita
2. Ang berdeng ilaw sa traffic light ay nangangahulugang _____________.
a . dapat akong maghintay bbago ako tumawid
b. maaari akong tumawid sa kalye
c. dapat kong bagalan ang pagtawid
3. “Habulin natin ang red light para makatawid,” ang sabi ni Chayong. Ano ang masasabi mo?
a. Tama ang sinabi ni Chayong kung kaya’t sila ay nagmamadali.
b. Hindi dapat hinahabol ang red light kung nagmamadali.
c. Dapat tumawid lamang kung green light.
4. Bago lumipat ng daan, tinignan muna ni Freddie ang senyas ng pulis trapiko. Ito ay __.,
a. mali b. di wasto c. mainam
5. Tuwing oras ng uwian, ang mga tao ay lumalampas sa daan sa pag-aabang ng masasakyan. Ano
ang masasabi mo?
a. Hindi ko sila masisisi
b Maaaring gawin ito kung walang mga sasakyan.
c. Kailangan nila ng disiplina.
6. Kung marumi ang ilog sa inyong pamayanan, ano ang gagawin ng mga kabataang katulad ninyo?
a. maglagay ng mga isda sa ilog
b. magpaskil ng mga karatulang nagbabawal magtapon ng basura sa ilog
c. magkaroon ng parada ng mga bangka sa ilog
7. Sa inyong baranggay, ginagamit ang kalsada bilang basketball court. Ano ang masasabi mo?
a. dapat lamang na nasa daan ang mga kabataan
b. hindi palaruan ang kalsada
c. maaaring gamiting palaruan ang kalsada kung gabi
8. Madalas manakaw ang streetlight o ilawan sa inyong kalsada. Ano ang maaari mong gawin?
a. magsumbong sa baranggay captain o tanod
b. huwag magbayad ng buwis o tulong
c. magnakaw ng streetlights
9. Ang pagtatapon ng basura o kalat sa kanal ay ____________.
a. ginagawa lamang kung panahon ng tag-ulan
b. gawaing bawal
c. nararapat lamang magtapon sa kanal
10. Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga taong
nagdaraan. Ano ang masasabi mo rito?
a. Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lamang sila.
b. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong gawain.
c. Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat ba bigyan sila ng nararapat na aksiyon.
11. Maraming tao ang nawalan ng mga kamag-anak at nawalan ng tahanan nang dumaan ang
malakas na bagyo.Nagpanukala ang pangulo ng inyong klase na magbibigay ng mga donasyong
pera, pagkain at lumang damit sa biktimang naiwan. Ano ang masasabi mo?
a. walang magagwa an gating donasyon
b. may mga ahensya ang pamahalaan na dapat tumulong
c. dapat tayong tumulong sa abot ng ating makakaya
12. Nagpapatulong sa pamimigay ng sobre ang inyong guro sa mga taong interesadong magbigay ng
pamaskong abuloy para sa mga dukha. Ano ang gagawin mo?
a. Makakatulong ako sa pamimigay ng sobre at paghingi ng abuloy mula sa mga taong may kaya
o kilala ako.
b. Tutulong ako upang mabiyan ng mataas na grado.
c. Wala akong maitutulong lalo na at hirap din ang aking pamilya.
13. Taun-taon ay may solisitasyong natatanggap ang pamilya ni Eden mula sa ibang organisasyon
ng kawanggawa na tumutulong sa mga taong may kapansanan. Bilang paghahanda, nag-iimpok ng
pera sa alkansiya si Eden at humuhingi rin ng solitasyon mula sa kanyang mga kapamilya. Ano ang
masasabi mo rito?
a. wala itong maidudulot na mabuti
b. malaki ang malasakit ni Eden sa may mga kapansanan
c. hindi maipagmamalaki ang gawaing ito
14. Kung may nadadaanan akong matandang pulubi, ako ay ____________.
a. umiiiwas
b. hindi namamansin
c. nagbibiday ng pera o pagkain
15. May programang piso para sa Mindanao na naglalayong pondohan ang rehabilitasyon ng mga
lugar sa Mindanao na nasira ng gityera. Ano ang gagawin mo?
a. Maglalaon ako ng piso mula sa aking baon.
b. Hihingi ako ng pera sa mga magulang ko bilang kontribusyon.
c. Iiwasa ang pagbibigay ng anumang kontribusyon.
16. Inaanyayahan ang mga kabataang lumahok sa programang alay sa mga bilanggo. Kung may
angkin kang talento, ano ang gagawin mo?
a. kusa akong lalahok
b. sasali lang kung pipilitin
c. ayaw kong sumali dahil mapanganib sa bilangguan
17. Naulila ang isang kamag-aral. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Pupunta sa bahay ng kamag-aral upang makibalita sa mga pangyayari.
b. Dadalaw sa bahay ng kamag-aral upang makidalamahati at mag-abot ng tulong.
c. Walang ginagawa sa mga ganitong pagkakataon
18. Sinabi ni Robin sa kaniyang mga magulang na maghandog ng kasayahan at pagkain para sa mga
batang ulila. Ang ginawa ni Robin ay ____________.
a. dapat hangaan
b. hindi maipagmamalaki
c. malaking kasayangan
19. Isang paanyaya sa inyong paaralan na manood ng palatuntunang idaraos ng mga kabataang may
kapansanan, bilang fud raising. Abot-kaya ang mga ticket. Ano ang gagawin mo?
a. Manonood ako ng palatuntunan, bilang pagbibigay kasiyahan at tulong sa mga may
kapansanan.
b. Hindi ako interesadong manuod ng palabas.
c. Manonood na lang ako ng sine.
20. Ikaw ay hinirang ng inyong mga kaklase na maghandog ng awit sa palatutunang naglalayong
magtayo na pondo para sa mga batang lansangan. Nahihiya kang sumali. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin kong hindi ako magaling kumanta.
b. Tatanggi ako.
c. Sasali ako kahit nahihiya.
21. Kung nagagalit si Rita, siya ay humihiyaw, si Pimpe naman at nagtatapon ng gamit, sinansaktan
naman ni Marco ang sarili. Ang mga ganitong paraan ng paglalabas ng galit ay ____________.
a. maktwiran at dapat tularan
b. marahas at dapat pinipigil
c. makaluma at dapat iwasan
22. Nagprotesta ang mga mangingisda sa pagtatapon ng mga pabrika ng kanilang basura. Ano ang
opinyon mo rito?
a. Nakasisira lamang sa kapayapaang ang pagtutuol nila.
b. Dapat ipasara ang mga pabrikang hindi nakakasunod sa mga batas laban sa poluusyon.
c. Humanap ng ibang hanapbuhay ang mga mangingisda.
23. Sa aking palagay, ang lahat ng tao ay ___________.
a. may karapatang magkaroon ng sariling opinyon
b. dapat magkaroon ng isang opinyon
c. dapat umiwas sa pagkakaraon ng opinyong naiiba sa nakakarami
24. Kung pagbobotohan ang tungkol sa bagong alternative source ng enerhiya o elektrisidad sa
rehiyon, alin ang pipiliin mo?
a. nuclear plant b. hydroelectric c. geothermal
25. May negosyanteng nais magtayo ng pagawaan ng produktong goma sa inyong subdivision. Ano
ang gagawin mo rito?
a. hindi angkop na pang-induustriya ang mga lugar na pinaninirahan ng tao
b. magandang hanapbuhay para sa mga makatira rito
c. dapat sang-ayunan ang proyektong ito
26. Iminungkahi ng ilang siyeentipiko ang paggamit ng mabagsik na kemikal bilang pamuksa sa
mga daga sa palayan. Ano ang masasabi mo rito?
a. dapat puksuin ang mga dagang naninira sa palay
b. dapat pag-aralan ang epekto ng kemikal sa halaman, ibang hayop at sa mga kakain ng
palay
c. kung pasya ng pamahalaan, ito ang dapat masunod
27. Sino ang pinakamatalinong gumagamit ng kanilang oras: Si Leny ay madalas
makipagkuwentuhan. Si Teresa ay naggagantsilyo habang nakikinig sa radyo. Si Gigi naman ay
nanonood ng paboritong telesine o natutulog.
a. si Leny b. si Teresa c. si Gigi
28. Sa pag-uwi mo na bahay, alin ang uunahin mo pagkatapos magpahinga?
a. gumawa ng aralin
b. maglaba ng unipormeng isusuot kinabukasan
c. manonood o makikinig ng balita sa telebisyon
29. Kung ikaw ay may pera, ano ang uunahin mong bilhin?
a. palamuti o gamit sa katawan
b. paboritong merienda
c. notebook na kailangan sa paaralan bukas
30. Ano ang mainam na paggamitan ng mga pira-pirasong tela na maaaring pagkakitaan?
a. paggawa na cushion o unan
b. pansala sa paggawa ng gata
c. pantakip sa mga muwebles
31. Sino ang magtatagumpay?
a. Si. G. Lopez ay may bisyong pag-inom ng alak.
b. Si Aling Tina ay gumagawa lamang kung nasa paligid ang kaniyang amo.
c. Hindi iniiwan ni Bb. Vintara ang kanyang trabaho hangga’t hindi ito natatapos.
32. Bagama’t nahihirapan sa umpisa, pinag-aralang mabuti ni Grace ang pananahi sa makina.
Pagdating ng tamang panahon, hindi nahirapang humanap ng trabaho si Grace. Ano ang masasabi
mo sa kaniyang ginawa?
a. pinalawak at pinabuti niya ang kanyang kakayahan bilang paghahanda sa tamang
pagkakataon
b. sinanay niyang mabuhay ng mahirap
c. siya’y nagkulang ng paniniwala sa sariling kakayahan
33. Bagama’t maliit ang kinikita ni Kuya Kiko bilang barbero sa shop ni Mang Inggo, maingat siya sa
paggastos. May budget siyang sinusunod. Regular din ang paghulig niya sa bangko. Di naglaon, si
Kuya Kiko ay nakapagpatayo ng sariling barber shop. Isang magandang katangian na kaniyang
ipinamalas ay ang _________.
a. wastong pagtitipid b. pagkamaramot c. kakulanagn sa disiplina
34. Sino ang magtatagumpay?
a. Walang pangarap sa buhay si Tolome.
b. Kinatatamaran ni Leila ang pagsulat ng nobela.
c. Si Nino ay nagtitinda at may sales target.
35. Alin ang nagpapatunay na “Kung may tiyaga, may nilaga.”?
a. nagpabaya sa kanyang pag-aaral si Monching
b. nagsusumikap sa kanyang pag-aaral si Max kung kaya’t nakahanap siya ng disenteng
trabaho
c. lakwatsero si Estoy kaya’t hindi nakatapos ng pag-aaral
36. Kung mabigat ang gawain, reklamador si Pancho. Siya ay ___________.
a. may katwiran b. aasenso sa buhay c. hindi malayo ang mararating
37. Kung ihahambing kay Pancho, si Lou naman ay malugod na tumatanggap ng anumang
trabahong ibibigay sa kanya, kung alam at kaya rin lamang niya. Si Lou ay ___________.
a. masipag b. tamad c. madaling malinlang
38. Si Nora Aunor ay isang halimbawa ng taong mahirap na naging matagumpay sa kanyang karera.
Ano angkatangiang dapat mong hangaan sa kaniya?
a. mayabang b. mapagkumbaba c. walang utang na loob
39. Matalino at maabilidad si Willie ngunit nahihirapang makibagay sa kanyang pag-uugali ang
kaniyang mga kasamahan. Si Willie ay ___________.
a. sobra sa pakikisama b. kulang sa pakikipagkapwa-tao c. palakaibigan
40. Sino ang magtatagumpay?
a. ang taong hanadang makipagsapalaran
b. ang taong takot harapin ang mabigat na pagsubok
c. ang taong mahiyain
TALAAN NG ISPESIPIKASYON

MGA LAYUNIN BILANG NG


KINALALAGYAN
TANONG
1. Natutukoy kung paano nakasusunod sa mga tuntunin at
patakaran na pinaiiral ng batas 5 1-5

2. Natutukoy kung paano nakatutulong sa pagpapatupad ng mga


tuntunin at batas 5 6-10

3. Natutukoy ang pagbibigay/panghihingi ng tulong para sa mga


nangangailangan 5 11-15

4. Natutukoy kung paano nakatutulong sa pag-aliw ng mga


kapus-palad, bilanggo at naulila 5 16-20

5. Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakaroon ng sigalot 3 21-23

6. Natutukoy kung paano naisasaalang-alang ang kaligtasan at


kapakanan ng nakararami 3 24-26

7. Natutukoy ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng


pinagkukunang-yaman 4 27-30

8. Natutukoy ang mga katangiang nakatutulong sa


pagtatagumpay 10 31-40

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy